Kabanata 23
Maaliwalas ang buong lugar nang nakababa na ako sa labas ng kotseng sinasakyan ko ngayon. Pinahatid ako ni, Jaizer papuntang eskwelahan. Wala na ring masyadong nangyayari sa aming dalawa. Malamig parin ang pakikitungo ko sa kanya. Kahit ilang ulit na niya akong sinusuyo o sinusubukang kausapin na naman pero ayaw ko paring magpatinag. Kahit na tinutulungan niya parin ako kay mama, hindi ko na ata pa kakayaning ibalik kung ano man ang naging samahan namin dati.
Kung dati siya ang dominant sa aming dalawa ngayon ay parang siya na ang sunudsunuran. Kahit na sa sitwasyon namin ngayon siya ang boss pero parang pinaparamdam niya sa akin na ako ang amo niya, na ako nagbibigay ng pera sa kanya na ako ang nagpapa-sweldo. Sobrang feelingera ko na ba? Ganun talaga pag maganda ka. Sana maka-relate kayo.
Mayroon paring nakabakod na great wall of china sa pagitan namin. At hindi ko alam kung kailan iyon matitibag. Bahala na siya diyan kung anong pa ang gagawin niya sa katawan ko, basta hindi parin kami bati.
Habang naglalakad ako sa daan patungong silid-aralan. Napapansin ko na parang nakatingin silang lahat sa akin. Ewan ko kung ako ba talaga ang tinititignan nila, lumingon rin naman ako sa likod ko pero wala namang tao na nakasunod sa akin kaya sigurado ako na ako talaga ang tinitignan nila, pero dinedma ko nalang sila, siguro nagagandahan lang sila sakin.
Hindi ko na sila pinagtuunan pa ng pansin at pag-aksayahan pa ng oras, mahal ang oras ko e at hindi nila ito bayad. Pero bakit ba kasi sila nakatingin sa akin? Ano bang nangyayari?
Patuloy lang ako sa paglalakad. Ngunit humina bigla ang paglalakad ko dahil sa mga bulong-bulungan na naririnig ko mula sa kanila. Nagbubulungan nga sila pero naririnig ko naman. Anong klaseng mga bunganga ba meron sila? Nakalunok ba sila ng speaker o sadyang sinasadya lang talaga nilang marinig ko ang pinaguusapan nila.
"Girl ang landi niya!" Parang napantig ang tenga ko sa narinig mula sa grupo ng mga babaeng nakasalubong ko sa hallway.
Pero hindi ko na ito pinansin pa at nagpatuloy lang sa paglalakad kahit tila meron ng hint na namumuo sa isipan ko, tila mayroong bultahe na dumaan sa aking batok dahil sa biglaang kaba. At inaasahan ko na sana mali lang ang aking hinala. Malandi? Ako ba tinutukoy niya? Alam ko naman 'yon. Pero nagbabakasakali parin ako na baka hindi pala ako iyong tinutukoy nila.
"Mukha lang inosente pero wasak na pala!" Bulong pa ng isang grupo ng mga lalakeng nakasalubong ko rin rito sa hallway.
Anong wasak? Hoy masikip parin ako no! Kung di dahil sa kasikipan ko di mababaliw ang sir niyo sakin. Pero bakit ang sakit isipin na baliw na baliw lang si Jaizer sakin dahil sa kasikipan ko. Ano? Po-problemahin ko pa ba 'yon? E ano naman kung iyon talaga ang rason? Obvious naman diba dahil ayaw niya nga ako pakawalan dahil wala na siyang mahanap pa na ibang mas masarap pa sakin. Ano ba naman 'yan Aiko binibigyan mo pa sarili mo ng alalahanin!
"Oo nga girl diba siya iyon?" Ano ba tong gusto nilang iparating? May issue na ba ako? Bat sila nag bubulungan habang naka titig sa akin.
Tinignan ko sila isa-isa at binigyan nang nagtatakang tingin. Pero kung makaiwas naman sila habang lumalapit ako sa gawi nila ay tila mayroon akong sakit na nakakahawa.
"Totoo pala ang chismis, kadiri siya!"
"Akala mo naman sinong maganda, warak naman!" Iyong maganda matatanggap ko pa, pero iyong warak na? No way, hindi ako 'yon.
Mas binilisan ko pa ang paglalakad at hindi na halos humihinga. Halos inis at kaba ang nararamdaman ko sa ngayon. Ano bang nangyayari? Ba't ba 'to nangyayari? Masama ang kutob ko sa mga bulong-bulungan ng mga tao sa paligid.
BINABASA MO ANG
My Next Customer (Montiguido #2 - UNDER EDITING)
Romantik"MY NEXT CUSTOMER" -Jaizer Montiguido [Mpreg] Aiko Laze Mendes is a gay prostitute and a student. He did not notice that he is failing in one of his subject, he doesn't want to lose his scholarship; he doesn't know what to do or where to get someone...
