Chapter 23

409 28 5
                                    

🌺

PUNONG-PUNO ng mga tao ang buong bulwagan. Dinig ko ang masasayang ingay at sigawan. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Pulos nakangiti ang mga nakikita ko. Tigib ng ligaya at tagumpay pagkatapos ng ilang buwan na pagpapagal.

It has been several months since I last saw him. And I stayed and hoped.

I was one of the graduates. My parents were here all the way from Greece to attend my graduation. Mom, Dad and Rich were all proud of me. Hindi rin halos makapaniwala si Rich na mararating ko ang araw na ito.

Ako man.

"Matilda 'Ada' Rhyce!"

Pumalakpak ang marami, ngunit malakas ang mula sa mga naging kaklase ko. Kahit sa sandaling panahon ay natutunan nila akong tanggapin. Napatunayan ko ang sarili ko sa kanila. Sa mga naging guro ko. I know some of them still hated me. They still wished I'd never been here. Nandito pa sana si Thorn. Siya sana ang tatanggap ng diploma at hindi ang isang katulad ko.
Tumayo ako at naglakad paakyat sa entablado. Akala ko ay mananatili na lamang akong rebelde at walang direksyon ang buhay. Subalit heto ako ngayon at nakikisabay sa agos ng kapalaran.

"Congratulations Ms. Rhyce." Kinamayan ako ng Guest Speaker maging ni Dean Sta. Maria. Hawak ko na ang diploma na magpapatunay na hindi ko na kailangan pang manatili rito.

Hindi siya dumating. Hinintay ko siya. Nagbakasakaling magbabalik siya rito sa Springtide. Bakasakaling hindi naman pala talaga umalis si Thorn. Nagpalamig lang or naghanap ng ibang mapagkakakitaan ang pamilya niya. 'Tapos ay magpapaliwanag siya kung bakit siya nagsinungaling sa akin. Na nahiya siyang harapin ako dahil sa nagawa niya. But then, it's already my last day here.

I looked at the crowd. My parents were teary and I couldn't help but smile at them. Pumapalakpak sa kanilang tabi si Richmond.

Muli kong inilibot ang mga mata sa karamihan. Where are you Thorn?
Even if Thorn returns, it will be too late for us. After today's graduation, I will be flying to Canada kung saan naroon ang bagong tayo na restaurant that was managed by Rich. They wanted to train me there para sa itatayong another food business ng mga Rhyce sa Pilipinas. Pumayag akong umalis, because I wanted to forget him.

Hinawakan ko ang aking dibdib. I could still feel the pain he inflicted on me. Tama si Chary. Niloko lang ako ni Thorn.

***

I STARED at the gloriously decorated ceiling of Notredame Basilica, here in Montreal. The stunning interiors were painted in bright colors. There were histories behind this church that made it more sacred. Iniyakap ko ang suot kong winter jacket sa aking sarili.

I looked at the bride walking down the aisle to meet his groom at the end. She's brilliantly happy. Rich and I were invited by a friend to witness the ceremony.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. I felt empty. I should be happy. Bukas ay pabalik na kami ng Pilipinas. Isang taon din akong nag-stay rito. Three days from now will be the launching of The Rhycels, ang bago naming tayo na restaurant. I will be in-charged of everything. Tinuruan na ako ni Rich and he assured me that I can carry this on my own. Yes. I can do this on my own.

Narinig ko ang pamilyar na awit. I knew I loved you by Savage Green. The song reminded me of someone I knew a year ago. That night when he danced with me, was the most memorable, enchanting moment of my life. I saw not just love but happiness in his eyes. But everything we see is deceiving. One can even promise you a lifetime but then when you wake up, that lifetime is gone.

I felt a warm liquid crawling down my face. Hindi ako umiyak noon. Bakit ngayon, lumuluha ang mga mata ko? Dahil lamang sa isang tao na sandali kong nakasama, pero ngayon ay miss na miss ko na.

Ngunit hindi ko na nais pa na magsinungaling sa sarili ko. I was filled with joy when I was with him. Nalimutan ko kung sino ako o kung saan ako nanggaling. Pilit akong kumakawala sa kahapon na iyon. Hanggang ngayon ay itinatago ko, sinusubukang tabunan ng mga bagong alaala ang damdamin na itinanim niya.

Napangiti ako nang dumampi ang labi ng groom sa bride. Hindi naman nagtatapos sa walang hanggan ang lahat ng pag-ibig. Subalit may mga nagmamahal na pangmatagalan. Ang nangyari sa amin ni Thorn ay tila isang makulay na bahaghari na sumibol pagkatapos ng ulan. But every rainbow disappears after the rain stops. It will not stay forever.

Umalingawngaw ang palakpakan sa buong simbahan. Pinahid ko ang aking mga luha. I silently laughed at myself. Dahil kahit ano pa ang isipin ko, walang pag-ibig na naganap sa pagitan namin ni Thorn. Bakit ba aasa pa rin ako sa isang bagay na simula pa lamang ay tapos na?

"I will always be with you from now on, Ms. Matilda Rhyce. Whether you like it or not."

Tumingala ako at muling pinagmasdan ang kakaibang disenyo ng simbahan. It was an intricate masterpiece of the deep blue colour, decorated with golden stars.

It's time to move on, Ada. It's time to forget the past.

I Knew I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon