Chapter 9

8K 315 13
                                        

🌺

Sino ang hindi magigising kung parang ginigiba ang iyong pintuan sa lakas ng pagkatok ni Manang? Bumalikwas ako at sinilip ang cell phone upang alamin ang oras. Alas-siete pa lamang ng umaga. It's Sunday, duh!
"M-Manang..."
Pupungas-pungas ako pagbukas ko ng pinto.
"Ma'm, nandiyan si Sir."
"Manang, hindi mo 'ko kailangang gisingin kapag dumadating si Rich," mababang tinig na paliwanag ko. Puyat pa naman ako kagabi dahil sa tinatapos kong report.
"Si Sir Thorn ang tinutukoy ko, Ma'm," nakangising sabi. "May lakad daw kayo kaya maaga siya. Ang guwapo nga, eh!" may panunuksong dugtong pa niya.
Umikot ang mga mata ko sa hangin. I wasn't expecting him to arrive so soon. I told him to come get me this Sunday. He asked me to cook for them at their home. As if naman na uurungan ko siya!
Mabilis akong naligo at nagbihis. Isang puting bestida na walang manggas ang nakuha ko sa closet. White sport's shoes was still comfortable to wear at times like this.
Tumayo agad si Thorn nang maramdaman niya ang aking presensiya. He's wearing a simple white shirt and a faded jeans. May gumapang na naman sa batok ko pagkakita sa kanya. He looks so fresh with his a bit wet, messy hair. Nakabakat sa puti niyang damit ang mga nipples niya. Shit! He looks so hot!
Stop fantasizing about this man, Ada! Kagabi ka pa! Pinipigilan ko ang sariling maakit sa kanya, but even at his simple get up, mukha pa rin siyang luluhuran ng maraming babae. The hell with him!
"Hi," he greeted me with a half smile. Lumandas ang mga mata niya sa buo kong katawan. Pakiramdam ko ay wala akong suot na damit kung makatingin siya. Damn! Bakit parang mas nagtaasan ang mga balahibo ko?
"Hi," I answered back. Trying to compose myself. "You're too early for our first date," nadulas ang dila na nasabi ko.
Really now, Matilda! Huwag mong sabihin ang lahat ng nasa isip mo. Baka kung ano ang isipin niya. That accidental sex with him is nothing at all. Accidental! Keep that in your mind.
"L-Let's go," aya niya.
Wala man lang ba siyang reaksyon sa sinabi ko? But his face turned bright red.
To be fair, their two-storey house was large and modern, with touches of green and white. When you walk through the gate, you'll notice the perfect landscaping with intricate design. The pathway was lined with gleaming white beach stones and succulent plants on either side.
Sumunod ako sa kanya. Nadaanan namin ang malawak na sala. All furnitures look new. Parang bagong bili pati na mga appliances and paintings that were hanged on the wall.
Sinundan ko siya at narating namin ang kanilang kusina. Tumaas ang gilid ng labi ko sa mga nakahanda sa ibabaw ng countertop. There was pasta, some fresh vegetables, cheese, pitted olives, and tomatoes.
"So, pasta huh," tukso ko sa kanya.
"Yes. You're cooking Italian spaghetti for me today." He confirmed. "Kaya mo?" May pilyong ngiting sumilay sa labi niya.
"Paborito kasi ni Thorn ang spaghetti."
"M-Ma?" Nakita kong nagulat siya. Maging ako ay bahagyang kinabahan. So his mom is here? He told me we would be alone?
She's wearing a simple peach dress with an apron covering it. Hindi pa siya gaanong matanda and she seems approachable and amazingly beautiful.
"Hi po," agad kong bati sabay ngiti.
Lumapit agad si Thorn sa ina, kinuha ang kamay nito at saka nagmano.  Nakagat ko ang labi ko. I didn't know that doing that simple and respectful gesture would make him look hotter. Damn! There goes the butterflies again.
"Akala ko sumama kayo kay Lucy?" ani Thorn na hawak ang batok at hindi nawawala ang kunot sa noo.
"Hindi na muna, anak. Sayang kasi ang araw. Saka gusto ko ring makilala ang kaibigan mo." Nakatingin siya sa akin na tila natutuwa ang mga mata. "Ako ang ina ni Thorn. Ikaw si Ada, 'di ba? Sa wakas, hindi na nangangarap ang anak ko!"
"Ma!" bulalas ni Thorn. Hinarap niya ako at kitang-kita ko ang pamumula ng kanyang mukha.
"Huwag kang maniniwala sa mama ko anoman ang sabihin niya..." natatarantang sabi.
"H-Ha?" Nagsalubong ang mga kilay ko.
Narinig kong humagikhik ang mama niya. "Call me Tita Ofelia. Puwede mo na rin akong tawaging, mama..." Matamis ang ngiti niya sa akin. She seems very nice.
Sumulyap siya sa mga bagay na nakahilera sa countertop. "Ako ang naghanda ng mga ingredients na iluluto mo. Iyon kasi ang bilin ni Thorn..." pagmamayabang niya.
So they are that close, huh. Hindi kagaya namin ni Mommy. Wala nga siyang alam kung sino-sinong lalaki na ang naging boyfriend ko. Hindi man lang siya nagsabi na ipakilala ko ni isa sa kanila sa kanya.
Ngayon na kaharap ko ang Mama ni Thorn, pakiramdam ko ay mas lalo akong nanliliit sa sarili ko. Napayuko ako dahil may bumabara sa lalamunan ko.
"Ma, okay na. Kami na ang bahala rito," wika ni Thorn. "Sundan n'yo na si Lucy. Baka kung ano na namang kalokohang gawin no'n," pagtataboy niya sa ina.
"Wala ka na bang iba pang kailangan? Baka gusto mong dito muna ako para makatulong sa inyo. Isa pa, wala na akong gagawin. Puwede ko kayong samahan dito." Halatang gusto ni Tita Ofelia na mag-stay pa rito.
"Tss. Kaya na ni Ada ito. Paano siya matututo kung babantayan n'yo siya?" Hindi pa rin maipinta ang hitsura ni Thorn.
Lumapit si Tita Ofelia sa kanya. Tinapik niya ang pisngi ng anak. "Sige na nga, anak. Aalis na 'ko. Excited lang kasi ako."
Napakamot si Thorn sa ulo. Halatang hindi mapakali. "Tatawag po ako sa inyo, promise." Humawak si Tita Ofelia sa braso ni Thorn.
"Alam ko, anak." Bumaling at ngumiti siya sa akin. "Sana magkita pa ulit tayo, Ada," she said and removed her apron.
Hindi ko napigilang yumakap sa kanya. "Nice meeting you po, Tita." Napapikit pa ako na parang biglang naramdaman ang init ni Mommy. Really, Ada? Being sentimental is not your thing. Don't be nostalgic!
Naramdaman ko pa ang paghagod niya sa buhok ko. "Ako ang dapat magpasalamat dahil nakilala kita." Hindi ko alam kung bakit parang may humaplos sa puso ko. Ganito ko ba ka-miss ang pamilya ko?
Hinatid ni Thorn ang mama niya palabas. To not entertain anymore feelings of being weak, isinuot ko ang apron na hinubad ni Tita Ofelia. Sinimulan kong magpakulo ng tubig para sa pasta. Kinuha ko na rin ang kutsilyo at nagsimulang maghiwa ng mga gulay. Napakislot ako nang makita kong nakasandal sa gilid ng wall si Thorn, his arms were crossed to his broad chest and was earnestly watching me. Hindi ko alam kung kanina pa siya roon.
"Mukhang sanay na sanay ka sa kusina." Nakatuon ang tingin niya sa mga kamay ko.
I smiled at him and continued what I was doing. Maririnig sa paligid ang mabilis na tunog mula sa pagtama ng kutsilyo sa sangkalan.
"You'll see," pagmamalaki ko, at umikot para ilagay ang pasta sa kumukulong tubig.
"Naniniwala ka ba sa forever?"
Napatingin ako sa kanya. Hindi pa rin siya tumitinag sa kanyang kinatatayuan. His gaze was fixed on mine.
"Why do you ask?" Pinipigilan ko ang matawa. Wala naman kasing ganoon.
He shrugged. "I just want to know."
Ipinagpatuloy ko ang ginagawa. "If you mean does love simply last forever, then my answer is, no. Sa simula akala mo walang hanggan ang nararamdaman mo. When you start to realise your partner's imperfections, it's easy to lose faith in each other."
"Paano kung patunayan ko sa 'yo na mali ang paniniwala mo?"
I gasped when I felt his voice behind my ear. Nakalapit na pala siya sa akin.
"M-Mali? Nothing lasts forever, Thorn," I mumbled. I was already glued to the ground.
"It will always depend on whom you're going to offer your forever..." I swallowed hard when I felt his lips on my neck. "Ganyan ka dahil wala pang nagpapatunay sa 'yo na totoo ang salitang iyon."
Gumapang ang kamay niya sa baywang ko paitaas. Nagpatuloy iyon hanggang sa ilalim ng dibdib ko.
"T-Thorn..." Napapikit ako.

I Knew I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon