🌺
Should I keep going? Is it all right? Am I worthy of him?
Oh, God, Ada! Bakit ko ba iniisip ito?
Naligo ako ng mabilisan. Ayokong paghintayin pa sila dahil sobra na akong nakakaistorbo sa pamilya ni Thorn. Isinuot ko ang malinis na uniporme at saka lumabas ng silid.
Nasa hapag na sina Tito Mauro at Tita Ofelia. Nahihiya man akong lumapit ay tinapangan ko na ang loob ko.
"G-Good morning po," bati ko sa kanila.
Tumayo agad si Thorn at nanghila ng silya para sa akin.
Tumikhim si Tito Mauro. "Tumayo ka nga, Ofelia," utos nito sa asawa.
"Aba'y bakit? Kumakain pa ako," kunot-noong tanong naman ni Tita.
"Nakakahiya sa anak mo. Ang gentleman, eh. Ayoko ngang patalo."
"Ah ganoon ba? Teka lang." Tumayo naman si Tita Ofelia.
Pinanonood ko lamang sila habang nakatayo pa rin kami ni Thorn at hawak niya pa rin ang silya. Pulang-pula ang pisngi niya.
Hinila ni Tito Mauro ang upuan ni Tita Ofelia. "Upo ka na, my love," sabi nito habang papikit-pikit ang mga mata. Nagpapa-cute sa asawa.
"Thank you, my love," maarte namang sagot ni Tita Ofelia at saka naupo sa silyang inihain ni Tito Mauro para sa kanya.
Gustong-gusto ko nang bumunghalit ng tawa. Kundi ko lang nakita ang hitsura ni Thorn na nakasimangot na.
"Thank you rin sa 'yo, Thorn." Nginitian ko siya at saka ako naupo.
"Ang sweet-sweet natin, my love," sabi ulit ni Tito Mauro. Halatang iniinis nito si Thorn na natahimik na lang na naupo sa tabi ko.
"Oo nga, my love," kinikilig na sabi ni Tita Ofelia.
"T-Tumigil na nga kayo," saway ni Thorn. "Tss. Nakakahiya kay Ada. Saka Dad... Hindi ka pa ba aalis? Okay na rito si Mama."
Tiningnan ni Tito Mauro ang pambisig nitong orasan. Nanlaki ang mga mata nito at saka nagmamadaling tumayo. "Late na pala, Ofelia. Kailangan ko nang umalis."
Thorn chuckled. "Sige na, Dad. Goodbyeee..."
Sinutsutan ko si Thorn na siya namang nang-iinis sa dad niya ngayon. Pero nginisian lang siya ni Tito Mauro saka nagmamadaling nagpaalam sa amin.
Sabay-sabay kaming nag-almusal nina Tita Ofelia at Thorn. Masaya si Tita habang panay ang kuwento tungkol kay Tito. Sayang nga at umalis agad si Tito Mauro. Mas masaya siguro kung kasama namin siya.
Magkasama kaming pumasok ni Thorn sa eskuwela. The teacher returned our reports at the end of the day. And we both received the highest grade. Halos yakapin ko si Thorn. Kung hindi lang kami pinagtitinginan ng mga nasa paligid, baka nga nahalikan ko pa siya sa loob ng klase.
Iilan na lamang ang natirang estudyante. Nagsipag-uwian na sila nang ayain ako ni Thorn sa library. May hihiramin lang daw siyang libro at nais niyang samahan ko siya. I agreed to go with him. It was the least that I could do after all his troubles for me.
Nakasunod lamang ako kay Thorn habang hinahanap niya ang aklat na hihiramin daw niya. Tahimik ang buong silid. Nang bigla akong hilahin ni Thorn sa isang sulok at agad na hinalikan ang aking labi.
His lips brushed against mine in a sweet and passionate kiss. We were both out of breath when he let me go.
Pinagdikit niya ang aming mga noo.
"Damn Ada! I just couldn't let you go," he mumbled.
"Then... Don't let me go, Thorn." Umaapaw ang damdamin ko. Lalo na nang masuyo niyang haplusin ang aking pisngi. "Nobody is preventing you from possessing me."
"Fuck!" Hinapit niya ako palapit sa kanya. Muling hinalikan ang naghihintay kong labi. "Kung sana wala tayo rito. Kanina pa sana kita inihiga..."
Mahina akong natawa sa sinabi niya. Umangat ang aking mga kamay at hinayaan kong paglaruan ang malambot niyang buhok.
"I will always be with you from now on, Ms. Matilda Rhyce. Whether you like it or not."
BINABASA MO ANG
I Knew I Loved You
RomanceHighest Rank Achieved: #1 in playgirl #1 matured #1 in virgin #1 in deceived #2 in deception #2 in unexpected #2 in charm #9 in General Fiction "Ilang lalaki na ang dinala mo rito, Ms. Matilda Rhyce? Lima? Sampu? Isang dosena?" Nagtapat ang aming...