Chapter 12

408 26 1
                                        

🌺

"Tikman na natin ang luto mo." Halos hindi ko narinig iyon. Ang ingay pa rin kasi ng lagabog sa dibdib ko.
Tumango ako at hawak pa rin niya ang isa kong kamay na bumalik sa dining table. Saka pa lamang niya iyon binitiwan nang hilahin niya ang silya para paupuin ako.
He sat beside me and said, "Now let's see how good you are." He swirled the pasta on his fork, tasted it and a glow on his face showed up.
Inulit niya ang ginawa at muling sumubo. "Puwede ka na, Ada." He winked at me.
"P-Puwede na?" Is that how he assessed my abilities? Puwede na?
Sumubo pa siyang muli, and this time, it made his mouth full.
"Puwede ka nang mag-asawa!"
Natawa ako dahil halos hindi niya masabi iyon. Punong-puno ang bibig niya.
Kinuha ko na rin ang tinidor ko at nagsimulang kumain. Hindi ko alam kung bakit biglang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko tuloy mapigil ang ngiti sa labi ko.
"Ngapala, are you done with your report?" Kalagitnaan ng pagkain namin nang bigla siyang magtanong.
"Almost." Napatingin ako sa kanya. Halatang paborito niya talaga ang spaghetti. "I was just making some more revisions for the two reports."
"Two?" he asked. Ibinaba niya ang hawak na tinidor.
"Uh-huh."
"Ada, you are supposed to submit three. Bukas na iyan." Natigilan siya at pinagmasdan ako.
I shrugged. "Better submit two than nothing. I don't have any more time to conduct another interview."
Sandali siyang nag-isip. "Bilisan mong kumain. May pupuntahan tayo."
"Don't tell me, you're going to bring me to another place you know, Thorn?" Napatitig ako sa kanya. "Sobra na itong ginagawa mo. Magkaklase tayo. This could be called cheating. You should be doing your own report."
"Kung ito naman ang magiging dahilan para magkasama pa tayo ng matagal," katuwiran niya. Kinindatan pa niya ako bago muling kumain.
"Why are you doing this?" I bravely asked.
"Tapos na ako sa report ko, Ada. Don't worry about me." Hindi niya sinagot ang tanong ko. "Finish your food. May ipakikilala ako sa 'yo." May sumilay na ngiti sa kanyang labi.
"Who?"
"Basta." Then he pouted his lips like he was about to kiss me. But he quickly moved away and smiled.
My heart skipped in an instant. Goodness! This man was really something.
***
Tiningala ko ang gusaling napipinturahan ng kulay pula. Pamilyar ang lugar subalit hindi ko pa nasubok na kumain dito.
Halos hilahin ako kanina ni Thorn pagpunta rito. Papito-pito pa siya kanina habang nagmamaneho.
Pagpasok namin ay namangha ako sa ganda ng interior design. Nagbigay ng kakaibang palamuti ang mga warm ceiling lights. Pula ang wall paper na may mga naka-embossed na bulaklak. Ang mga hugis bilog na mesa ay may pulang table cloth. Itiman ang mga silyang nakapalibot sa bawat mesa. There were prepared napkins and cutlery on each table. At the center was a candle in a small glass.
"My Dad could be inside. Come on," Thorn said, smiling very wide.
I looked around and a menu captured my sight. I grabbed it and took a peek. From meat to potatoes and vegetables. With desserts and beverage collections. They've all got it.
Kanina ay sumaludo kay Thorn ang mga guwardiya. Kilala rin siya ng lahat ng waiters. They were all looking at us, particularly at me.
"Si Dad ang boss dito," aniya habang inililibot ang mga mata sa lugar. So, pag-aari pala ito ng mga Weston? Nanghila siya ng isang silya.
"Titingnan ko lang kung nandito si Dad. Babalik ako, Ada." Hinaplos niya ang pisngi ko. Tumalon na naman ang puso ko.
Tumango ako at sinundan siya ng tingin. Pinasok niya ang tila isang opisina. Pandalas ang ngiti sa akin ng mga waiter. Some may probably know who I was. Some maybe wondering kung sino ang kasama ni Thorn. Nagkibit-balikat na lang ako at kinuha ang cell phone.
Nagsimula akong kumuha ng mga pictures sa paligid. Maya-maya pa ay nakangiting lumabas si Thorn mula sa silid at may kasama na siyang lalaking nakasuot ng simpleng puting long-sleeve polo at itim na pantalon. He could be his father because of their similarities. Matangkad at guwapo. Mukha siyang masayahin 'di gaya ni Thorn noong una ko siyang makilala.
Tumayo agad ako. Papalapit pa lamang sila ay parehas ng nakangiti. Thorn has a happy and beautiful family. And Ada, stop being envious.
"Kumusta, hija? Ako ang daddy ng guwapitong kasama mo."
"Daaad!" Tila nahihiyang nahawakan ni Thorn ang batok niya.
"Totoo naman. Hindi ba, Ada. Guwapo itong anak kong si Thorn?" Tiningnan niya ang anak bago muling bumaling sa akin. Nakita ko ang pamumula ng pisngi ni Thorn. Napangisi ako.
"Opo. Guwapo po ang anak ninyo," walang gatol na sabi ko.
Halata ang pagiging palabiro ni Mr. Weston kaya sinakyan ko na lang siya. Besides, he's definitely telling the truth.
Lalong namula ang pisngi ni Thorn. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin. Really? Affected much? Kanina lang ay halos ikulong niya ako sa mga bisig niya. Ngayon ay para siyang hiyang-hiya dahil inamin ko sa mismong harapan ng Daddy niya na guwapo siya.
Damn him for being so awesomely like this!
"Call me Tito Mauro, hija. Nasabi sa akin ng anak ko na may project kayo. Feel free to explore, Ada. You are most welcome here. Kung may tanong ka, kahit sino sa amin dito ay puwede mong lapitan," he happily offered me.
"Salamat po, Tito." Bahagya akong yumuko.
"Napakaganda mo naman pala talaga, Ada. Lalo na sa personal. Dati-rati ay sa magazine lang kita nakikita dahil itong si Thorn may kolek-"
Napamulagat ako nang biglang takpan ni Thorn ang bibig ng daddy niya.
"Dad okay na! Kaya na namin dito. Balik ka na roon sa opisina mo." Nahihiyang napatingin siya sa akin habang hawak si Tito at itinutulak niya ng paatras. Naririnig kong may sinasabi si Tito Mauro pero hindi ko maintindihan.
Pinipigilan ko ang mga matawa sa kanilang dalawa. The way I watch they treat each other, para lamang silang magkapatid kung magturingan. How I wish I could have a father like that.
"Ada Rhyce!" sigaw ni Tito Mauro na nakawala sa pagkakahawak ni Thorn sa kanya. "Huwag mong sasaktan ang anak ko, ha. Mahal na maha-" At natakpan na ulit ng anak niya ang kanyang bibig. Halos takbuhin nila ang pagbalik sa opisina.
Napatalikod ako at natakpan ang bibig upang hindi bumunghalit ng tawa. Ngayon lang ako naka-meet ng kagaya ni Tito Mauro. But in fairness, I was feeling so thrilled at the moment.
"S-Sorry, Ada!" Kakamot-kamot ng ulo si Thorn pagbalik niya sa akin. And he looks really cute for that. "Makulit talaga iyon si Dad. Huwag mo na lang intindihin ang mga sinabi niya."
Hindi ko napigilang hawakan ang isang kamay niya. "You're Dad is so cool. I like him."
Napatanga siya. "Y-You... like my dad?"
Malakas akong natawa sa naging reaksyon niya. "As a father, Thorn. Ano ba'ng nasa isip mo?"
"U-Uh, akala ko kasi..." Humigpit ang kamay niyang hawak ko.
Mabilis akong bumitiw sa kanya. His thumb was making circles on my knuckles and it's giving me goosebumps. Kung hindi ako bibitiw sa kanya ay baka buong katawan ko na ang apektado. Kaya hinawakan ko na lang ang buhok ko at hinawi sa balikat. His eyes turned into my neck and I saw Adam's apple move.
"M-Mabuti pa ako na ang kukuha ng mga pictures," boluntaryo niya, saka mabilis na kinuha ang cell phone na nasa tabi ko lang. "Start the interviews." Naglakad siya palayo, sa bahaging matatanaw pa rin namin ang isa't-isa.
Hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras. Takipsilim na nang matapos ako. And I still have to encode this and upload to my laptop. Kanina pa ako palinga-linga. Hindi ko rin napansin ang pagkawala ni Thorn. Kanina pa ba siya wala? Iniwan ba niya 'ko?
Bumukas ang pintuan ng restaurant at nakangiting lumitaw doon ang hinahanap ng mga mata ko. Nakahinga ako ng maluwag.
"Are you done?" tanong niya agad paglapit sa akin.
"Yes," I answered.
"Okay. Magpapaalam lang ako kay Dad, ha." Inilapag muna niya ang mga bitbit sa isang bakanteng mesa.
Unti-unti nang napupuno ng mga tao ang lugar at umiingay na rin. Sa gabi pala dinarayo ng marami ang lugar na ito.
Pagbalik ni Thorn ay malapad siyang nakangiti at may dala namang mga paper bag.
"Mga pagkain," aniyang bahagyang itinaas ang mga dala. "Padala ni Dad. Dinner daw natin."
Nawala ang ngiti ko. "U-Uhm Thorn, I need to go home. Magpapahatid na nga ako sa 'yo. I still have to do the reports."
"No problem. Let's go."
Masigla akong sumunod sa kanya. I volunteered but he didn't let me carry any of his things. Nagmukha tuloy siyang parang alalay ko. Inilagay niya sa likod ng trunk ang mga gamit at saka ako pinagbuksan ng pinto.
"Uuwi tayo kay Mama." Seryoso siyang nakatingin sa akin pag-upo niya sa tabi ko.
"H-Ha?" nagtatakang tanong ko. Pakiramdam ko ay sobrang close na kaming dalawa dahil sa tono ng pananalita niya.
"Tutulungan kita sa report mo. Mas maganda kung kasama mo 'kong gagawa para matapos mo agad. Bukas na iyan, Ada. Requirements iyan para maka-graduate ka."
"B-But, I need my stuff. My laptop... and everything. Thorn, it's okay. Iuwi mo na lang ako."
His concern is so honest and it's making me weak right now. Para kasing gusto ko pa siyang makasama. Oh shit, Ada!
"Wala kang kasama sa malaking bahay na iyon, Ada, kundi mga kasambahay. Nagpatulong ako kay Manang para makuha ang mga gamit mo. Nasa likod ng compartment ang laptop mo, pati na ang iba pang tingin ko ay kakailanganin mo..."
Napatanga ako. Really? He did that for me?
"I'm sorry I misjudged you, Ada." Umangat ang gilid ng labi niya.
"T-Thorn..."
Hinawakan niya ang malaya kong kamay at saka dinala iyon sa kanyang labi.
Hindi niya binitiwan ang kamay kong hinalikan niya. Binuhay niya ang makina.
"Puntahan na natin si Mama."

I Knew I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon