🌺 "Ada, kanina pa kita tinatawagan!" iritadong boses ni Richmond mula sa kabilang linya.Inipit ko sa pagitan ng aking tainga at balikat ang cell phone na hawak. "S-Sorry Rich. We've encountered some problems in the menu kaya inayos ko muna."
Napabuntonghininga ako. It's been really busy sa loob ng The Rhycels. Kung kailan na dumarami na ang dumadayo ay saka naman naging sunod-sunod ang mga problema. Hindi ko na nga alam kung ano ang uunahin ko.
"You've been running that place for two years, but of all the restaurants in town, The Rhycels has the highest employee turnover. Ada, tell me if you're still able to keep up. Do you want some assistance?" There was concern in his voice, but there's also authority.
"Kaya ko 'to, Rich. Nagkataon lang na nag-resign si Chef," paliwanag ko.
"At nag-AWOL ang assistant mo?"
My lips formed into thin lines. True, I could use some assistance, but I wanted to show them that I was capable of doing so. Marami namang paraan.
"Rich, just trust me. I can do th—"
"I'll call Dad." And he was gone on the other line.
"Really, Rich? No goodbyes?"
Naibagsak ko sa kitchen table ang cell phone na hawak kasabay ng pagbagsak ng dala kong tray kung saan ko inilagay ang mga cocktail drinks. Muntik pang mahulog ang isang baso kaya nataranta akong sinalo iyon.
Nasabunutan ko ang aking sarili. Nalipasan na ako ng gutom. But there isn't time to sit back. Marami pa akong dapat ayusin.
Tatalikod na sana ako para tunguhin ang dining area nang muling tumunog ang cell phone.
Sinagot ko agad iyon. "Yes?"
"Ada..."
"D-Daddy?" The hell? He's calling from Greece? Fuck you, Rich!
"Your brother told me about The Rhycels. It's about time you asked for my help, anak."
Hindi ako kumibo. Umaalon ang dibdib dahil pakiramdam ko, I was betrayed by Kuya!
"Don't worry. We have lots of competent people here whom you can count on. Magpapadala ako ng tao para makatulong mo riyan."
"D-Dad, there's no need. Kaya ko naman, eh."
"Ada, listen to me. Hindi ako tatawagan ng kuya mo from Canada kung nakikita niyang kaya mo. You need a hand, hija."
Sana hindi ko na lang sinabi kay Rich ang mga problema ko rito. Ngayon, magkakaroon pa ako ng utang na loob kay Dad!"I'll send you the best I have. He's professional, and I want you to follow him. Tutulungan ka niyang makabangon..."
Umirap ako sa hangin. Hindi pa naman nalulugi ang The Rhycels. Kung bakit ganito magsalita si Dad.
"Okay, I have to go. Wait for my man in two days. Love you, Ada."
"L-Love you... Dad."
I heard him exhaled bago nawala sa kabilang linya.
Umupo ako at sumandal sa isang silya. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. The phone rang again. Nabasa ko ang pangalan ni Rich.
"What Rich?" piksi ko.
"You'll be happy with the help Dad gave you. Sure iyan, Ada."
"Oh really? Psh! Ewan ko sa 'yo." Pinatayan ko siya ng cell phone.
Sinabihan ko sila na ipagkatiwala na sa akin ang lahat ng desisyon sa The Rhycels. Ngunit parang bata pa rin ang tingin nila sa akin. Ayaw nilang ipaubaya ng lubusan sa akin ang lahat ng desisyon ko. Palaging nakaantabay, palagi na lamang nanghihingi ng update. At higit sa lahat, palagi silang nagpapadala ng tao para makabawi ako.
BINABASA MO ANG
I Knew I Loved You
RomanceHighest Rank Achieved: #1 in playgirl #1 matured #1 in virgin #1 in deceived #2 in deception #2 in unexpected #2 in charm #9 in General Fiction "Ilang lalaki na ang dinala mo rito, Ms. Matilda Rhyce? Lima? Sampu? Isang dosena?" Nagtapat ang aming...