Chapter 30

548 28 3
                                    

"Ma, ikakasal na 'ko!" halos isigaw ko iyon.

"Kanino naman, Thorn?" tanong ni Dad pag-uwi ko. Akala yata niya ay nagbibiro ako.

"Kay Ada Rhyce!" excited kong sabi.

Nanlaki ang mga mata ni Mama. Pati si Dad ay napanganga.

"Nakow, nangangarap lang iyan si Kuya!" singit ni Lucy na nagbabasa ng nobela.

"Totoo ang sinasabi ko Lucille Sweetie Weston. May nangyari na nga sa 'min!" pagmamalaki ko.

Humagalpak ng tawa si Lucy.

"Si Kuya, addict! Lakas mag-hallucinate."

"Pakikilala ko siya sa inyo, makikita n'yo. Pakakasalan ko siya!"

Kilala ko ang aking sarili. Alam ko kung sino ang gusto ko. From the night Ada Rhyce gave herself to me, alam kong siya ang babaeng para sa akin.

Pero nang malaman ni Chary na nagkakagusto ako kay Ada, nagalit siya sa akin. Siniraan niya ako sa mga magulang niya. Sinabi niyang nagkarelasyon kami at niloko ko siya. Pati sina Dad at Mama ay nadamay kaya natanggal sila sa trabaho.

Noong gabing susunduin ko si Ada, nagkaproblema ang kotse ni Brando. Siyempre, gusto kong komportable si Ada kapag hinahatid-sundo ko siya. Pero pagbalik ko... Damn! Yakap niya ang Rich na iyon! Pero sinubukan ko pa rin siyang sundan para magpaliwanag. At nadatnan ko na naman doon 'yong lalaking kayakap niya. Fuck! Selos na selos ako noong gabing iyon.

Dahil sa init ng ulo, natanggal ang scholarship ko. Sobrang sama ng loob ko kaya naglasing ako. Hindi ko alam kung paano sasabihin kina Mama ang kagaguhan ko. 'Tapos si Ada, nakita kong nakikipagsayaw sa ibang lalaki. Tangina! Sobrang sakit ng dibdib ko dahil sa galit.

May nangyari ulit sa amin noong gabing iyon. Kaya sigurado na ako, hinding-hindi ko na siya pakakawalan. Gagawin ko ang lahat para makuha ko siya kahit pa gaano katagal.

Pero sa pagbabalik ko —pagkatapos kong maghintay at magtiis— aabutan ko siyang nakikipaglapit sa isang server niya? Hindi ba niya nakikita kung gaano siya kagusto ng Caleb na iyon? Halos maglaway na sa kanya kahit kaharap ko pa. Paanong hindi ako magsusungit? When the truth was, I wanted to put her in my arms. To show her how much I missed her. Pero nadaig ako ng selos.

Dinurog niya ang puso ko nang marinig ko mismo mula sa kanya ang kinatatakutan ko.

"You are the worst thing that ever happened to me. Sana hindi kita nakilala noon. Sana hindi kita hinintay nang umalis ka. Sana hindi kita hinanap nang nawala ka. At sana, hindi na lang tayo muli pang nagkita. Fuck you, Thorn Reid Weston!"

Gusto kong iumpog sa pader ang ulo ko dahil nasaktan ko ang damdamin niya. Nang makita ko ang kanyang pag-iyak, hindi ko na nakaya pang pigilin ang sarili ko. I kissed her. Muli kong nalasahan ang matamis niyang labi. And God! How much I wanted her at that moment. Pero tumakbo siya pagkatapos niya akong sampalin. I felt so hopeless!

And that bastard Zedrick? He deserved a good punch. Wala siyang karapatang hawakan ang babaeng sa akin lang. Sisiguraduhin ko na hinding-hindi na niya malalapitan si Ada kahit kailan.

***

The spot light shone on the most lovely creature who captivated my heart. Coming up behind Ada, I grasped her waist and pulled her into the circle of my arms. I smelled her sweet scent and my feet lifted off the ground from the joy that I felt.

"Dance with me, Ada," I whispered through her ears.

"T-Thorn..." Her eyes were filled with apprehension. But I'm not going to back down now. I asked the help of everyone in this place in order to carry out my plan. I've had enough of waiting.

I Knew I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon