Chapter 1

424 14 0
                                    

I envy my friends. Lahat sila ay may mga boyfriend na samantalang ako ay hindi halatang napag-iwanan.

Mahigpit ang mga kuya ko sa'kin, lalo na si kuya Tyler. Kahit mga manliligaw ko hindi niya pinapalampas. Not even one in my suitors had the courage to fight for me. Lahat sila ay takot sa kuya ko. Tss... cowards.

I'm in my second year in high school. Si kuya Waylon ay fourth year na at si kuya Tyler naman ay nasa unang taon ng Senior High. Apat kaming magkakapatid. We have our youngest brother na ngayon ay four years old at nag-aaral sa kindergarten.

Maaga kaming pumasok sa school dahil may exam kami ngayon, ganun din si kuya Waylon.

"Good luck on your exam, Nam." ani kuya Waylon nang makalabas kami ng sasakyan.

"I guess you won't need a message of luck from me. You're a smart ass, luck's always by your side."

Ginulo niya ang buhok ko. "Basta tandaan mo lang yung mga ni-review ko sayo kagabi."

"That's enough, Waylon. Ihahatid ko pa si Naomi sa classroom nila." kuya Tyler interrupted while his arm is on my shoulder.

"Oh, you're so sweet brother. No good luck for me?" kuya Waylon said while smiling.

"Don't be a gay. You don't need it." he grimly replied

Kuya Waylon went on a separate way since magkaiba kami ng pinapasukang building. Ganun din si kuya Tyler. But... oh well, he said he's going to accompany me to my class section, like always.

"Kuya, hindi mo na ako kailangang ihatid araw-araw sa classroom ko. You know I can manage, I'm not an elementary kid anymore!" mahina kong sabi sa kanya habang naglalakad kami.

He glared at me. "I don't see anything wrong about it. O baka naman natatakot kang mahuli ko na may pumuporma na naman sayo."

Here we go again.

"Oh? Ba't natahimik ka?"

"Tss..."

Sa inis ko ay mabilis akong naunang maglakad sa kanya.

Ilang beses niya akong tinawag pero hindi ko siya nilingon.

We're already inside the school building. Mas binilisan ko ang paglalakad lalo pa't pinagtitinginan na kami ng mga tao. Not to boast but we're a popular figure, lalo na ang mga kapatid ko. I've seen girls drooling and almost begging just to seek attention from my brothers.

It's not so hard for him to pick up with my pace. Kung hindi lang ako naiinis sa kanya siguro matatawa ako sa itsura niya ngayon. He looks so adorable with his dark expression while carrying my pink school bag on his other shoulder. Nagpresinta kasi siyang dalhin ang bag ko dahil napansin niyang may kabigatan ito. Well, most of the things included in my bag are books na hiniram ko pa library, make-up kits, tumbler, and the likes.

"May pumuporma ba ulit sa'yo?"

Ang kulit!

"Wala!" bugnutin kong sabi

"You sure?" there's a doubt in his voice

"Wala nga kuya! Ikaw ba naman ang kapatid ko may maglalakas loob pa kaya?"

He smiled in relief. "Good to hear that. Pag-aaral mo muna ang atupagin mo. No one can ever pass my standards when it comes to you."

Kinuha ko sa kanya ang bag ko nang marating namin ang classroom ng aming section.

"Hmm... good luck." marahan niyang sabi na hindi ko pinansin.

Suplada ko siyang tinaasan ng kilay dahil inis parin ako sa kanya. Tatalikuran ko na sana siya pero napabalik ako dahil hinila niya ako sa braso.

"Hey, you mad?" he chuckled

I rolled my eyes and looked away. Namilog ang aking mata nang pinisil niya ang aking pisngi kaya napaatras ako.

"Stop it! Why do you keep pinching my cheeks?" reklamo ko habang hinahawakan ang kaliwang pisngi.

"Can't help it. You're too cute I want to keep you in my pocket."

Ngumiwi ako sa sinabi niya at napalingon sa loob ng kwarto nang marinig ko ang hagikgikan at iilang boses ng mga kaklase ko.

"Uy yung crush natin nasa labas!"

"Hi kuya Tyler!

"Kuya Tyler, pansinin mo naman kami!"

Kahit kailan talaga, habulin ng babae ang lalaking ito. Even my classmates are a die hard fan.

"Hey girls!" he winked at them.

Nagtilian ang mga ito at halos mahimatay na sa kilig. Umawang ang aking bibig at napailing.

I punched his chest lightly. "Stop flirting!"

He held my hand my hand for a moment. "Fine."

"I'm going in." paalam ko sa kanya kaya binitawan niya ang kamay ko.

Pumasok ako at lumingon para kumaway sa kanya bago dumiretso sa desk ko. Nanghinayang silang lahat nang umalis na si kuya Tyler.

"Alam mo kung hindi lang kayo magkapatid na dalawa, iisipin kong mag-jowa kayo." komento ng katabi kong si Darcy habang naglalagay ng liptint sa labi. She's also a dear friend of mine.

Umasim ang aking mukha dahil sa sinabi niya. "How can you say that?"

"Ang sweet-sweet niyo kasi sa isa't-isa kaya nagmumukha kayong couple."

"Magkapatid kami kaya natural lang yun, and I'm close with my other brothers too. Unless you see us kissing, then you are free to judge." sagot ko

Nagkibit-balikat siya at hinarap ako. She puts her liptint aside and grinned widely at me like she remembered something funny.

"Atsaka..." hindi siya nakapagpatuloy dahil humagalpak siya ng tawa.

My brows raised in question.

"Hanggang ngayon hinahatid ka pa parin niya sa classroom. Kinder ka pa ba? Wait! Even kinder students can manage on their own!" pagtutuloy niya habang tumatawa.

Umirap ako. "Duh, binabakuran lang ako nun."

"Hmm... right. Even guys inside our room are scared of him. Dati pinupormahan ka ng mga kaklase natin, ngayon todo iwas na sila sa'yo. Isang tingin lang yata ng kuya mo tiklop na ang mga ito. Can't blame his badboy image." nakapangalumbaba niyang sabi habang tulalang nakatingin sa akin.

"Buti pa yung isa mong kuya medyo maluwag sa'yo. He's my type, you know. Palangiti, mabait, talented at hindi playboy. He studies hard too reason why he has given the title "hot nerd" from girls around the campus." she added.

Tumango-tango ako habang nakikinig sa kanya.

"To have brothers like them, you're so lucky. Can't blame why they're so protective of you. Men will mob you because of your beauty. Having a heart-shaped face, sexy body, almond eyes, natural red lips, attractive eyelashes, and clear white skin."

I pouted. "Kailan pa naging standard ng pagiging maganda ang pagiging maputi? It's a discrimination against dark beauties."

Nagpatuloy siya sa pagsasalita at binalewala yung sinabi ko. "Alam mo, sa inyong pamilya ikaw lang yata ang unique."

"Paano mo nasabi? Dami mong alam, ah?"

"Ikaw lang yata yung kulot ang buhok sa inyong lahat eh. I've seen your family picture. Lahat sila straight ang buhok na medyo blonde. With you having a deep black curly hair, saan ka ba ipinaglihi?"

Hindi ko nagawang sumagot dahil nag-ingay na ang bell at pumasok ang professor namin sa loob.

"Move all of your things under your desk. We'll start your exam now."

Shit! Hindi manlang ako nakapag-review ulit. Buti nalang naalala ko pa ang mga pinag-aralan namin ni kuya Waylon kagabi.

Falling in Love With My BrotherWhere stories live. Discover now