Chapter 25

226 14 1
                                    

Pagkabalik ko sa classroom ay agad akong inusisa at kinumusta ng mga kaklase ko.

"Okay ka lang? Nakita namin yung nangyari kanina."

Tipid akong ngumiti sa kanila bilang tugon. "I'm okay. It was an accident."

"Ang lampa naman kasi ng babae." I heard some of them say.

I feel bad for the girl. Just because of what happened, it seems like she'll get a lot of haters. I hope she won't get bullied after what happened.

"Don't say that. She's already sorry. And besides, accidents are unpredictable."

"Ang bait mo naman, kung sa akin nangyari yun, malamang ginantihan ko 'yon. Nakakahiya kaya yung nangyari kanina. Pero buti nalang to the rescue ang mga kapatid mo." sambit ng madaldal kong kaklase at kinilig pa sa huling sinabi.

"Grabe, ang gentleman talaga ng mga kuya mo. Swerte talaga ng makakatuluyan nila." segunda ng seatmate kong si Carrie.

Lumabas ako ng classroom nang matanaw ko si Darcy na sinisilip ako sa room. She must be worried.

Napatingin siya sa damit kong hiniram ko pa sa kapatid ko. P.E t-shirt ito at naka-print sa harap ang logo ng school. Sakto lang ito kay kuya Waylon pero oversize tingnan kung ako ang magsuot. I tucked it in to my skirt.

"Nakapagpagpalit ka na?" tanong niya.

"Yeah."

"Buti nalang may extrang damit si papa Waylon." aniya sabay hagikgik.

Natawa ako sa sinabi niya. "Why are you calling him that way?"

"Wala lang." ngisi niya. "At bago ko pa makalimutan, pinapabigay pala ng mga kapatid mo."

She handed me a brown paper bag filled with some light snacks. Oo nga pala, we were supposed to buy food earlier but it was interrupted due to what happened.

"Ang thoughtful nila sa'yo. Kailan kaya ako makakaranas ng ganito?" she made a fake crying face.

Tumawa ako at napailing. "Silly."

"But anyway," Biglang sumeryoso ang mukha niya. "Nakapagtataka ang kinikilos ng mga pinsan mo. They seem to care about you when in fact they were so mean to you back then."

Napaisip ako sa sinabi niya. "Yan nga rin ang pinagtataka ko. Baka... nagbago na sila."

She rolled her eyes. "Oh please, don't be fooled. Malay mo, may hidden agenda sila. Halata namang peke ang acting nila kanina."

Hindi ako nakasagot agad.

"Hindi sa pagiging judgemental ah, pero payong kaibigan lang. Huwag kang magtiwala agad."

Tumatak sa isip ko ang mga sinabi niya. Ayaw kong mag-isip ng masama sa mga pinsan ko pero paano kung tama nga si Darcy? What if they're not really sincere?

We're off from school the following day. Weekends are always my favorite. Minsan, nakakatamad na kasing gumising ng maaga para pumasok sa school.

I found myself at our gym at home with kuya Tyler who is working out. Daily routine niya na ito kapag walang pasok. I'm doing yoga stretches while he's at the horizontal bar, exercising repeated pullups. Wala sa plano ko ang sumama sa kanya dito, napilitan lang.

Inistorbo niya ako kanina sa kwarto with matching na pangaral.

"Are you going to idly lock yourself at the corners of your room the whole day? Magtatanghali na at nakahiga ka parin diyan sa kama mo. It's unhealthy anymore. Why don't you try doing some workout at the gym?"

Nabalik ako sa kasalukuyan nang biglang maghubad ng pang-itaas si Tyler. Naka-sweat pants nalang siya at topless ngayon. Pawisan siya at napalunok ako nang makita ang iilang butil ng pawis na dumadaloy mula leeg hanggang dibdib pababa. Damn it, I don't want to describe it further. I quickly look away for the fear that he might notice that I'm busy checking him out. Inabala ko nalang ang sarili sa pakikinig ng music sa earpods na nakapasak sa tenga ko.

Falling in Love With My BrotherWhere stories live. Discover now