The results of the exam finally came out. I'm relieved after seeing my marks going up.
"Wow! Ang tataas ng scores mo, buti ka pa." Darcy commented after peeking through the results in my paper.
"Why? How about yours?"
"Hmm... it improved, a little. Medyo tagilid ulit sa Chemistry at Calculus."
"Okay lang yan, bawi nalang sa susunod." I smiled lightly to reassure her.
"Oo nga eh. Anyway, may practice nga pala sina Jared kasama ang banda mamayang hapon. Di'ba crush mo yun?"
Lumayo ako ng konti nang pabiro niya akong sundutin sa tagiliran.
"Uyy... manonood ka ba?" pagpapatuloy niya.
I rolled my eyes. "Tss... my brothers are strict."
"Ah... so kung papayag sila manonood ka?"
"Hindi papayag ang mga yun. Si kuya Waylon siguro mapapakiusapan ko pa pero yung isang yun, mahihirapan ako." sambit ko habang nakapangalumbaba. "Pero anong oras ba?"
"After classes. Why?" ngisi niya
"What will you do after classes?"
"Kung manonood ka ng practice nila, sasama ako. I like this one particular member of their band too, you know." she giggled
Napaisip ako. "Okay."
Matagal ko ng crush si Jared. Ever since freshman palang ako ay hinahangaan ko na siya. Isang taon lang ang agwat niya sakin. Maganda ang boses niya, mabait, at gentleman pa. He's an ideal boyfriend. Sikat din ang banda nila dito sa school. They got many followers and fans too. I watch their practice and gigs, but not too often. Minsan lang kapag nakakalusot kay kuya Tyler. He stalks me at times when he doubts the situation.
Bago ang panghuling klase sa hapon ay nagnakaw ako ng oras para pumunta sa building na kinaroroonan ni kuya Waylon. It was a good thing that there's no teacher around yet when we reached their classroom. Sinamahan ako ni Darcy.
Nakabukas ang bintana kaya sumilip ako. Sinuyod ng aking mata ang kabuuan ng classroom hanggang sa nahagip ko ng tingin si kuya. He look serious and focused while reading a textbook in the corner.
"Ang hot talaga ng nerd na yan." mahinang sambit ni Darcy sa tabi ko habang nakasilip din sa bintana.
May ilan na nakapansin sa amin kaya tinanong ako ng babaeng pinakamalapit sa bandang bintana sa gawi namin.
"You're looking for your brother?"
Oh, she knows me.
"Yes. Pwede ba siyang lumabas dito? May kailangan lang ako."
Nang marinig iyon ng iba ay nagsi-unahan silang tawagin ang kapatid ko.
"Waylon! May naghahanap sayo sa labas."
"Your sister's outside, Waylon."
"Tawag ka raw, may kailangan yata sayo."
Nakita kong binaba ni kuya ang kanyang binabasa kasabay ng pagbaling niya ng atensyon sa gawi namin. I smiled and waved at him. With brows creased, he stood up from his seat and started walking toward us.
"What are you doing here? Hindi pa tapos ang klase, ah?" bungad niya nang makalabas ng kwarto nila.
"Hi!" my friend Darcy greeted him sweetly while waving her hand.
He only nodded briskly before returning his gaze to me.
"Uh... magpapaalam sana ako."
"Magpapaalam saan? Can't this wait until the end of classes?"
YOU ARE READING
Falling in Love With My Brother
Teen FictionNaomi Lee is living a fortunate life. Para sa kanya, wala na siyang mahihiling pa. Nasa kanya na ang lahat. Kagandahan, karangyaan, at kumpletong pamilya. No words can ever describe how much she treasures her family. She have three brothers namely...