Chapter 26

222 8 0
                                    

Bago umuwi ang mga pinsan ko ay muli nilang ipinaalala sakin ang tungkol sa pinag-usapan namin.

"Don't forget to convince your kuyas, huh?" ani ate Yen sabay turo kina ate Lylia and Ashley na parehong nakangiti sakin.

Napilitan din akong ngumiti sa kanila. "Of course."

Lumapit si Gwen sakin. "I know we had a rough relationship in the past and I'm sorry for that. Let's just move forward and start anew."

Hindi ko inexpect yung sinabi niya. Hindi ko rin alam kung sincere ba siya. Tipid ang ngiti niya at hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mukha niya.

"Gwen's right. We're sorry for being mean to you before. Hindi lang siguro nagkasundo ang mga ugali natin. B-But we regret it naman, including all the bad things and the bitchy attitude towards you." Stacey seconded while smiling widely. I think nasobrahan naman yung ngiti niya.

"I'm sure Naomi understands. After all, we're a family. And cousins should always understand and forgive, right?" si ate Yen ang nagsalita this time.

Tumango na lamang ako para matapos na. I watched them enter the car and they waved goodbye before droving off.

I sighed and started walking back inside the house. Napansin ko si kuya Waylon  na nakatayo sa gilid ng pinto at tanaw akong palapit. Nakahalupkip siya at seryoso ang ekspresyon.

"What is their motive this time?" aniya nang makalapit ako.

Noong una ay hindi ko pa maintindihan.

"Anong dahilan ba't sila pumunta rito?" panibago niyang tanong.

"Bumisita lang naman sila to spend time with us."

Umiling siya na para bang hindi sang-ayon sa sinabi ko.

"I don't want to judge since they're our cousins but I'm sure there's a motive. Hindi naman siguro sila magpupunta dito kung walang kailangan."

Bumigat ang pakiramdam ko sa sinabi ni kuya.

"Let's face the reality, Nam. They don't like you from the start. Halos ikasuka nila ang presensya mo, and now they're suddenly good to you?" sunod niyang sabi.

"Nag-sorry na sila kuya. Let's just... leave the past in the past. Siguro naman nagbago na sila. I want to give them a chance. At isa pa, kailangan kong makisama. Dad and mom would be glad if I get along with them."

Malungkot akong tiningnan ni kuya. Sa huli ay bumuntong-hininga siya.

"Fine. Malaki ka na, alam mo na ang ginagawa mo."

Napangiti ako sa sinabi niya pero agad din itong naglaho dahil sa sunod niyang sinabi.

"I also hope you can protect yourself from hurting. Ayokong masaktan ka kapag nasira ang tiwala mo sa kanila. But I hope it won't happen. Alam mong sa'yo lang ako kakampi. I will make them pay if they hurt you." he said ruthlessly and left to go inside, leaving me in deep thoughts.

Since nakalimutan ko silang tanungin kung may nahanap na silang date sa gaganaping prom ay naisipan kong banggitin ito habang nag-aalmusal kami kinabukasan.

"Who's your date for prom?"

Umiling si kuya Waylon. "Baka hindi ako sasali."

"What? You're no fun! Hindi ba required kayong mga Senior High na dumalo kasama ang mga dates ninyo?"

Tamad niya akong binalingan ng tingin. "And who implemented that rule? Sasali ako kung gusto ko. Walang sapilitan."

Hala, pa'no na to?

Falling in Love With My BrotherWhere stories live. Discover now