I can't believe how I altered the situation in a swift moment. Imbes na usisain niya ako ay siya pa itong napagsabihan at nahuli ko. But anyways, I was serious when I said that to them. I really hate guys who smoke. The fact that smoking contributes to bad health, it also affects the environment as well.
I'm still a bit upset about kuya Tyler. He just couldn't refrain himself from bad habits. Wala akong problema kay kuya Waylon pero pagdating sa kanya and dami kong nakikita.
Somehow, nakaramdam din ako ng guilt dahil sa pagsisinungaling at pagsuway ko kanya. But what am I supposed to do? I was left with no choice. Someday, he will understand. I will make him understand.
"Talaga!?" Darcy jumped in excitement after I told her about going out with Jared later after class.
"Oh, I'm so happy for you friend. Finally, magkaka-lovelife ka na din. As I 've always been saying, bagay kayo ni Jared." she chimed
Uminit ang pisngi ko. "A-Ano ka ba, hindi ko pa naman naiisip yan. And besides, we can't totally say that it's a date, wala naman siyang sinasabi eh."
"Ang manhid mo talaga! Hindi pa ba masyadong obvious!? Lalabas kayong dalawa and we both know that you two are on the same page. Ano pa't diyan din naman kayo patungo. He just doesn't have the courage to express his feelings for you." ungos niya
Napaisip ako nang malalim sa sinabi niya.
"Anyway, ako'ng bahala sa'yo. Pagagandahin kita sa date n'yo." she added without constraint.
I secretly went to kuya Waylon after our last class in the afternoon para magpaalam. Hindi pa tapos ang klase nila nang datnan ko siya sa kanilang classroom. When he saw me, he immediately excused himself in the midst of their class. Nahiya tuloy ako sa mga kaklase niya na nakasunod ang tingin sa gawi namin, lalo na sa teacher nila na mukhang naistorbo sa presensya ko.
My brother quickly dragged me toward a distance, away from those prying eyes.
Nag-iba ang ekspresyon niya nang mapagmasdang maigi ang mukha ko. I wonder why?
"Ano yan?" aniya sabay turo sa mukha ko.
Agad kong naintindihan ang ibig niyang sabihin. Darcy put a lot of effort to do my look. May nilagay din siyang flower clip sa buhok ko para mas neat tingnan ang kulot kong buhok.
"Oh, Darcy put a bit of light make up on my face. Why? Hindi ba bagay sa'kin?"
Hinawakan ko ang aking pisngi at nagawa pang mag-pose sa harap niya. It seems like it only displeased him more. What's his problem?
"You call that light? Ba't ang kapal sa bandang labi?"
"Liptint 'to, kuya. Ganito lang talaga kasi deep pink ang kulay."
"May I remind you sis, grade eight ka palang. Your skin is still young and sensitive for random cosmetics, especially when you're not used to it. Next time, sabihin mo diyan sa kaibigan mo na huwag pakealaman yang mukha mo. Hindi pang-display yan."
Napalabi ako at hindi pinansin ang sinabi niya.
"Ngayon lang naman 'to, kuya. Ano kasi, lalabas kami ni Jared pagkatapos nito kaya inayusan ako Darcy. Pumunta ako dito para magpaalam muna sa'yo." paliwanag ko sa kanya.
Pinagmasdan kong maigi ang magiging reaksyon niya.
"You two are going out on a date?" he said directly.
"Y-You can say that." I said reluctantly
Tumaas ang kilay niya at humalukipkip sa harap ko. May pagtitimbang sa kanyang mga mata. "You're not sure, huh? Alam ba ni Tyler 'to?"
"Kaya nga sa'yo ako nagpapaalam instead, di'ba? Kasi hindi ako papayagan nun." pabulong kong sabi.
"Paano kung hanapin ka niya sa'kin?"
"Ikaw ng bahala. Sabihin mo kasama ko lang si Darcy."
He groaned problematically. "You're damn giving me a problem, gagawin mo pa akong sinungaling."
I gave him my cutest puppy look kaya napapikit siya at nag-iwas ng tingin. Oh, I know this. He's slowly giving in.
"Please..." I almost begged.
"Alright."
A satisfied smile drew upon my lips after hearing that from him.
"But you must follow my conditions."
Isa sa mga kondisyon niya ay ang hintayin ko muna siya na matapos ang klase niya. Ipapahatid niya raw ako sa driver namin sa kung saan ang arrangement namin ni Jared na magkita. I have no choice but to message Jared about it. Walang naman itong naging problema at agad na ni-reply ang address ng isang kilalang restaurant. He also ordered to remove my liptint which I refused to do so.
"Mahirap kayang burahin 'to. Atsaka sayang naman yung effort ni Darcy."
"How so? Sa bandang labi lang naman yung pinapabura ko. And you don't need any enhancements, anyway. You're still beautiful even without makeup."
His words flattered me but it didn't change my opinion.
"These are my conditions, Nam. Kung ayaw mo akong sundin, then hindi kita papayagang umalis ngayon."
I was left with no choice but to comply. I applied lip balm instead after removing my liptint. Siguro naman okay na 'to, di na magrereklamo ang lolo niyo.
Hinintay ko siya hanggang sa matapos ang klase nila. Agad niyang sinuri ang mukha ko nang abutan niya ako sa loob ng kotse.
"That's better." he complimented and took his seat beside me.
Our driver started the engine and maneuvers the car when everything's settled. Binanggit ni kuya ang address kung saan nila ako ibababa.
"If ever Tyler tries to ask about where we dropped Naomi, don't tell him anything, Manong. Baka guluhin niya ang date ng kapatid ko." magaan na pakiusap ni kuya Waylon sa driver namin.
"Masusunod po, sir Waylon." tugon naman ng huli.
Tahimik kami sa loob ng kotse. Nakatutok ako sa cellphone samantalang si kuya naman ay may pasak na earpods sa magkabilang tenga. Nakapikit ang mga mata niya at nakikinig sa kung ano mang naka-shuffle na music sa playlist niya. Kalmado ang lolo niyo kaya pinili ko nalang na huwag istorbohin. Mahirap na kasi, baka umiba ang ihip ng hangin at magsungit na naman. Sasamantalahin ko nalang muna ang kabaitan niya ngayon. I know my brother well. He's a moody type of person. May mga araw kung saan mistula siyang anghel na hinulog mula sa langit sa sobrang bait, minsan masungit, there are also times when he's playful, and also very strict. Ewan ko nalang.
"By the way, Tyler texted earlier asking if you're with me. Wala ka na raw nang daanan ka niya sa classroom niyo. I said yes para mapanatag siya." aniya habang nakapikit.
Gulat akong tumingin sa kanya. Akala ko natutulog siya.
"Hmm... paano kung pag-uwi mo tanungin ka niya about my whereabouts? Kasi akala niya kasama mo nga ako?"
He opened his eyes and sighed heavily. Now he look stressed out. Kawawa naman, binigyan ko pa ng problema.
"Ako ng bahala." tamad niyang tugon
"You sure?" paninigurado ko
"Yeah. Mag-iisip nalang ako ng mga palusot, titingnan ko lang kung makalusot."
I can't help but smile at his humor.
"That includes lying, right? Just to cover you up? But hmm... I'm also confident with my skills in reasoning, so yeah. I think I can handle him." he added reassuringly.
YOU ARE READING
Falling in Love With My Brother
Teen FictionNaomi Lee is living a fortunate life. Para sa kanya, wala na siyang mahihiling pa. Nasa kanya na ang lahat. Kagandahan, karangyaan, at kumpletong pamilya. No words can ever describe how much she treasures her family. She have three brothers namely...