Chapter 19

221 8 1
                                    

I glanced at their direction and they quickly looked away, as if they weren't talking about us moments ago. God, I can't bear to have them thinking ridiculous things about us. I need to clear things out before it gets messy.

Nang dumating ang order namin ay nagsalita ako. I made sure my voice would be heard across the room.

"Do you have other smoothie aside from milk?"

"Meron po. Would you like to order, ma'am?" magalang na sagot ng waitress.

"Yes please, for my little brother." sabay baling ko kay Sam. Pasimple akong sumulyap sa kabilang table at nakita ko ang gulat sa mata ng mga ginang nang marinig ang sinabi ko. They look guilty at the same time.

I released a smirk. Yan, huwag kasi mag-conclude agad. Lumipat ang mata ko kay Kuya Tyler na mukhang naaaliw habang nakatuon ang tingin sa'kin. I quickly looked away, feeling self-conscious.

"He wants to try something else." dagdag kong sabi, referring to Sam. "Right Sam?"

Ang inosenteng si Sam ay tumango naman.

"Ganun po ba? Ano'ng flavor po gusto ni sir?" wika ng waitress sabay ngiti kay Sam.

"Do you have banana?"

Nalito ako sa naging sagot ni Sam. Meron bang ganun?

"Yes, meron po."

Mangha akong tumingin sa kapatid. Ang kadalasan ko kasing inoorder ay orange, apple, strawberry, etc. Banana is kind of unusual to me.

"Then, I'll order one please." pormal na wika ni Sam. He's so cute that I'm supressing myself not pinch his cheeks.

We started eating our food when the waitress left to get Sam's order.

"Saan tayo pagkatapos nito?" tanong ko kay kuya habang kumakain kami.

"Amusement park!"

Pareho kaming napatingin kay Sam nang sumabat siya.

"Do you have other places in mind?" si kuya sabay tingin sakin.

Umiling ako bilang sagot.

"Amusement park it is then." tamad niyang sabi pero nasa tunog ng boses niya ang kagustuhang pagbigyan si Sam.

In response, Sam grinned widely and kuya winked at him.

Mabilis kaming natapos sa pagkain dahil excited si Sam at medyo nagmamadali.

As usual, hindi nauubusan ng tao sa Star City. After paying for the entrance fee, agad kaming dumiretso sa loob. I keep on holding my brother dahil baka mawala siya, ang dami pa namang tao. He's wandering around at ang bilis pa maglakad. Hindi ko agad napansin na hawak din pala ni kuya Tyler ang kabilang kamay ni Sam. Napangiti ako. We're like a happy family. No, let me rephrase that. We're indeed a happy family. We're siblings and it'll remain that way forever. Kung ano man ang meron ako ngayon, kontento na ako. I shouldn't ask for more.

We tried different rides. The first one is the ferris wheel. I think it's the most popular ride here in Star City. Tuwang-tuwa si Sam lalo na kapag nasa pinakatuktok kami. He's enjoying the view from above. Although I'm a bit nervous, I managed to enjoy it too. I captured many selfies with Sam. Nasa harap namin si kuya kaya kinunan ko rin siya, stolen shots nga lang. Napansin ko sa bawat litrato na parang bored siya. Pero sa tuwing napapagawi sa amin ang tingin niya ay may kung anong ngiti ang gumuguhit sa labi niya.

Nang makababa na kami ay hinawakan niya ako sa siko kaya napalingon ako sa kanya.

"May I see?"

Nagtataka akong tumingin sa kanya nang nilahad niya ang kanyang kamay sa harap ko.

Falling in Love With My BrotherWhere stories live. Discover now