Naging habit ko na yata ang pag-iwas kay Kuya. I don't know if he noticed but I'm hoping not. In the morning, I wake up earlier than usual and have breakfast alone. Everything seems awkward to me when he's around so I prefer to skip joining my family during meals for a while. Hindi maganda ang epekto niya sa'kin. I feel like I'm on fire whenever he's near. Hindi na nga ako masyadong lumalabas ng kwarto. I did all the possible ways to avoid him, even at school. Minsan nga hindi na ako masyadong sumasabay kina kuya during break or lunch time. But then, I realized how it feels wrong. Dahil lang sa pag-iwas ko kay kuya Tyler, naaapektuhan ang mga tao sa paligid ko. Hindi ko na masyadong nakakasama si kuya Waylon at nawawalan na rin ako ng oras na maka-bonding si Sam.
A slight nudge woke me up from my thoughts. Napatingin ako sa katabing kaklase dahil sa pang-iistorbo niya.
"Kuya mo." sabay nguso niya sa labas.
Tumambol ang puso ko sa narinig. Un-unti kong nilingon ang direksyon kung saan nakatuon ang tingin nito at napahinga ako nang maluwag nang namataang si kuya Waylon ito. Akala ko pa naman si Tyler. Wait... ba't parang disappointed pa ako? Pambihira, iba talaga ang epekto niya sa'kin.
Lumabas ako ng kwarto at sinalubong si kuya.
"You need anything?" unang bungad ko sa kanya.
He lazily stretched out his arm, revealing a brown paper bag in his hand. Lito ko itong tinanggap at nang silipin ko ay pagkain ang laman nito. May kasama pang bottled apple juice .
"What's this?" tanong ko sabay angat ng tingin sa kanya.
"Your lunch." simple at maikling tugon niya.
"B-But... why are you bringing me this? Mamaya pa ang lunch break."
"You don't join us during lunch."
I looked away, feeling guilty. "I'm just busy with school works."
"Kahit sa bahay ganun ka rin. Are you really that busy?" may pagdududa sa boses niya.
Bigla akong kinabahan. Oh my god, mabubuking na ba ako?
"O baka naman may iniiwasan ka? Palusot mo lang noong nakaraan na masama ang pakiramdam mo."
Gulat akong tumingin sa kanya. What if he knows about my secret? After all, he's smart and he knows me well. Oras na malaman niya, wala na akong mukhang ihaharap sa kanya sa sobrang kahihiyan. Kahit ako mismo nahihiya sa sarili ko. How can I fall for my own brother?
Humalukipkip siya sa harap ko at mariin akong tiningnan sa mata. "Tell me, are you..."
Napalunok ako at agad na kinabahan sa susunod niyang sasabihin.
"... in conflict with Tyler? Nag-away na naman kayo kaya mo siya iniiwasan?"
Nabigla ako sa dinugtong niya kaya hindi ako nakapagsalita.
"I knew it! Tell me, ano naman ang pinag-awayan niyo?"
Napakurap-kurap ako at nag-iwas ng tingin. Muntik na yon, akala ko mabubuko na ako. Buti nalang iba ang nasa isip niya.
"Just... some things."
"Did he found out about you and Jared?"
"No." maikli kong sagot.
Mariin niya akong pinagmasdan na para bang binabasa ang laman ng isip ko.
"I just had a row with him, that's all. Some sort of misunderstanding, that's how you call it."
Another lie to save face.
"And your solution is to avoid him? How brilliant, Nam. Halata ka pa naman masyado. Gusto mo tulungan pa kita?"
YOU ARE READING
Falling in Love With My Brother
Teen FictionNaomi Lee is living a fortunate life. Para sa kanya, wala na siyang mahihiling pa. Nasa kanya na ang lahat. Kagandahan, karangyaan, at kumpletong pamilya. No words can ever describe how much she treasures her family. She have three brothers namely...