Sunday came and I woke up early in the morning. Excited akong bumangon at nag-ayos ng sarili. Kuya Tyler is coming home today and I can't contain my happiness and excitement.
I've been so impatient since the first day of school. Palagi kong binibilang ang mga araw na nagdaan at hinihiling ko na sana bumilis ito. And now that the day has finally come, I can't explain how much I'm thrilled.
Mabilis akong lumapit sa bintana ng kuwarto nang marinig ko ang pamilyar na tunog ng sports car ni kuya Tyler.
I was indeed right. Mula dito ay tanaw ko ang sports car niya na papasok sa gate.
Hindi na ako nag-aksaya ng oras at mabilis na lumabas ng kuwarto para bumaba. I stood patiently at the entrance door while waiting for him.
When I saw him at the distance, I wanted to run and hug him tight but I resisted the feeling. Pinili ko nalang na maghintay hanggang sa makalapit siya.
Hindi man ganoon katagal simula ng umalis siya ng bahay pero pakiramdam ko parang taon ang nagdaan. Ganito ba ang pakiramdam kapag sobra mong na-miss ang isang tao?
Huminto siya sa harap ko at ngumiti. "Missed me?"
Hindi ko na napigilan ang sarili kaya niyakap ko siya nang mahigpit. He hugged me back while stroking my hair gently.
"I told you I'd come back home." mahina niyang sabi gamit ang malamyos na boses.
Nanatili kami sa ganoong ayos. Mabilis akong humiwalay kay kuya nang biglang may tumikhim sa likuran. Muntik ng sumabog ang puso ko sa kaba pero buti nalang si Sam lang pala iyon.
But the way he looks at us makes me a bit uneasy. Inosente ang mga mata niya pero para bang nanunuri. I almost forgot that he's a smart kid. Hindi dapat ako makampante sa kanya.
Lumapit si kuya sa kanya at bumati habang ginugulo ang buhok nito pero wala manlang itong reaksyon at pabalik-balik lang ang tingin sa amin. Doon ako mas lalong kinabahan.
"Hey buddy, what's wrong?" tanong ni kuya sa kanya.
"Did I disturb you two?" balik na tanong ni Sam sa kanya.
Nanlaki ang mata ko matapos marinig ang sinabi ni Sam.
Tumaas ang kilay ni kuya sa tanong nito. "To be honest? Yes."
Hindi ko na napigilan kaya lumapit ako at pasekreto siyang kinurot sa tagiliran para pigilan siya sa mga sagot niyang walang bahid ng pag-iingat. Bumaling siya sakin na para bang naghahamon. Napailing ako at sumulyap kay Sam na pabalik-balik sa amin ang tingin. I suddenly felt uneasy.
"S-Sam, k-kanina ka pa dito? I thought you were still asleep." utal kong sabi.
"I'm not." tugon nito. "I guess you missed kuya Tyler so much. You hugged him tight."
Nanlaki ang mata ko. God, he saw that!
"O-Of course I missed him. He was gone for weeks, right?" I countered defensively.
Ngumiti ng malawak si Sam.
"I missed him too. Where's my pasalubong kuya?" aniya sabay baling kay Tyler.
Napahinga ako nang maluwag na para bang naginhawaan. Pambihirang bata si Sam. Pakiramdam ko parang hinuhuli niya ako. I should be more careful now.
Kuya Tyler pulled out something from his backpack and gave it to Sam. Naka-box ito kaya hindi ko alam kung ano ang laman. A toy, perhaps?
"Where's mom and dad?" tanong ni kuya.
"Mom's making breakfast in the kitchen while dad's having coffee at the terrace." si Sam ang sumagot.
YOU ARE READING
Falling in Love With My Brother
Teen FictionNaomi Lee is living a fortunate life. Para sa kanya, wala na siyang mahihiling pa. Nasa kanya na ang lahat. Kagandahan, karangyaan, at kumpletong pamilya. No words can ever describe how much she treasures her family. She have three brothers namely...