Chapter 28

215 9 0
                                    

"And our Prom King for tonight goes to... Tyler Lee!"

Nagulat ako nang banggitin ang pangalan ni kuya Tyler. Oh gosh, fate seems to be playing with me.

Kahit si kuya Waylon ay napansin kong naguluhan, the same goes to the people around us.

"Oh well, this is the first time in history. It turns out that our Prom King and Queen happens to be siblings." siwalat ng emcee. "Again, this is based on the majority of the votes so we can't change anything."

Marami ang nadismaya, especially girls. They started complaining out loud.

"Sana iniba nalang nila yung Prom Queen, hindi si Naomi. Ang panget at laswa tingnan dahil magkapatid sila." yan ang karamihan sa naririnig ko.

I felt weak all of a sudden. Parang ayoko ng tumayo sa kinauupuan ko dahil sa panliliit. Naaapektuhan ako nang husto sa mga naririnig.

Kasalanan ko ba na ako ang naboto ng nakararami? Dapat pala hindi nalang sinali yung pangalan ko. It's not like I wanted to be in this spot. God knows how much I hated so much attention.

"C'mon, don't be childish! Anong malaswa tingnan diyan? They are only recognized as prom King and Queen. Kung maka-react kayo parang ikakasal na sila. Don't make it a big deal!" malakas na sabi ni kuya Waylon kaya natahimik ang mga ito. Halata sa mukha niya na iritado na siya. He glanced at me with worried expression.

"May I request Naomi and Tyler Lee to please come in front?"

Naunang tumayo si Kuya Tyler. Nang mapansin niyang hindi ako gumagalaw sa aking kinauupuan ay naglahad siya ng kamay sa'kin. Dahil sa ginawa niya ay nagkaroon ako ng lakas ng loob. I reached for his hand and stood up from my seat.

"Don't mind them. Sa akin ka lang tumingin." mahina niyang sabi na kami lang ang makakarinig.

Muling bumalik ang abnormal na tibok ng aking puso. I can't help but fall harder.

We heard a loud cheer and applause after recieving our recognition, which are crown and a sash.

"Ang ganda ng kaibigan ko! Ako ang nag-makeover diyan!" proud na tili ni Darcy mula sa malayong table.

Napangisi si kuya Tyler sabay tingin sa'kin. Gosh, I just want to cover my face so bad. Ako ang nahihiya sa ginagawa ni Darcy.

Akala ko pagkatapos kaming palakpakan ay tapos na pero nagulat ako sa sunod na sinabi ng emcee.

"Let us now move on to the next segment which is the partner dance. It is our custom for every campus Prom King and Queen to take the floor and dance along the music after they are crowned."

I almost went stiff after hearing that from the host. Kinakabahan akong tumingin sa mga nanonood sa amin. I'm feeling anxious about their ideas and opinions about this.

Tumunog ang kantang 'All of Me' kaya mas lalo akong natuod sa kinatatayuan ko. Nagulat nalang ako nang hulihin ni kuya ang kamay ko. The warmth of his hand is comforting against my skin.

"Your hands are cold. Are you nervous?"

Mahina akong tumango. Sino ba ang hindi kakabahan? I'm dancing with the man that makes my heart beat fast. Idagdag pa sa kaba ko na marami ang nanonood sa'min. I need to mask my emotions and feelings tonight. Natatakot ako na baka mabasa nila ang nararamdaman ko. I feel like one wrong mistake and I'll be caught, then I'll be doomed.

"Don't be, I got you." he whispered.

Hinila niya ako papunta sa gitna at pinatong niya ang isang kamay ko sa balikat niya. He wrapped his hand on my waist and the other claimed my left hand.

Falling in Love With My BrotherWhere stories live. Discover now