Adam's POV
May nakapagsabi sa'kin na pinana raw ni Genesis si Sky kaya nagtungo kami ng mga kaibigan ko rito sa Business Administration Department. Which is their school building.
“Bakit puro chalk dust yung mukha ni Genesis?” tanong ko kanila Isaiah. Sabay nilang tinuro si Sky na kanina pa walang imik. Ako na rin ang nagbitbit ng skateboard niya. Lalabas kami ng University dahil gusto silang makasabay ni Isaiah kumain ng lunch. Tumawag din sa'kin si Butler Smith na mamasyal daw kami ngayon. Sinama ko na rin ang mga kaibigan namin upang maranasan naman nilang magsaya hindi yung puro pambabae at pagpakikibasag-ulo ang inaatupag nila.
“Kagagawan mo yun, Fiancee ko?”
Tanong ko kay Sky. Walang emosyon itong tumango at bumugtong hininga.“Yeah. Hindi ko kase nagustuhan yung pagsagot niya kanina sa prof namin.” aniya. Ngumiti ako at aakbayan ko sana siya ng nilingon niya ako at nagbabanta ng tingin. Napasimangot ako at hindi na tinuloy ang binabalak. She's scary but beautiful. Narinig ko pang mahinang nagtawanan ang mga tukmol sa likuran ko kahit ang bunso kong kapatid na si Isaiah ay nakikitawa rin.
“Masanay ka na kay Genesis, Fianceé ko, ganon na talaga ang ugali non simula't sapul. Bastos at walang modo iyon ang sinasabi ng mga prof sa kanya ng Business A. Department.” Buong Imperose University ay napapangitan talaga sa ugali niya maliban sa'min nila Isaiah at mga kaibigan namin.
“Tss.” singhal niya kaya nakangiting umiling ako. Sakto namang nakalabas na kami ng I. U. at nandito sila Butler Smith naghihintay sa'min. Nagulat pa kami ng makita rin si Genesis. Nagsalubong ang kilay ko ng naninigarilyo na naman siya. Hindi niya kami tinapunan ng tingin dahil kay Sky agad dumapo ang matatalim niyang mga mata.
“Stop smoking! Masama nga yan sa katawan, Genesis!” saway ko sa kapatid ko. Pinalamig ko ang presensya ko upang maramdaman niyang mas maawtoridad pa rin ako sa kanya. Suminghal lang siya at ng maubos ang isang yosi ay magsisindi pa sana siya muli ng marinig kong umubo si Sky. Nasinghot kasi namin ang usok ng sigarilyo ni Genesis dahil tinangay ito ng hangin patungo sa direksyon namin. “I told you, stop smoking! Mas may posibilidad na kami ang magkakasakit dahil sa usok ng cigarettes kahit hindi kami naninigarilyo kung ang kasama namin ay yosi ng yosi at nalalanghap namin ang usok nito kami ang mas naaapektuhan.”
When you are around a person who is smoking, you inhale the same dangerous chemicals as he or she does. Breathing secondhand smoke can make you sick. Some of the diseases that secondhand smoke causes can kill you. As a Doctor Student, base na rin sa research ko before about smoking.Secondhand smoke causes lung cancer in adults who have never smoked. Nonsmokers who are exposed to secondhand smoke at home or at work increase their risk of developing lung cancer by 20–30%. Secondhand smoke causes more than 7,300 lung cancer deaths among U.S. nonsmokers each year. Ewan ko na lang kay Genesis baka puno na ng usok ng sigarilyo ang baga nito. Tsk. Tapos, umiinom ng alak. Hay naku, daming bisyo ng batang ito. Mabuti pa ako si Sky lang ang bisyo ko. Lol.
“Daming alam ah? Ganyan mo ba talaga kamahal ang babaeng yan. Tsk.” sambit ni Genesis at inis na tinapon ang isang kaha ng yosi niya sa lupa.
“Wait, stop arguing, kids.” pigil sa'min ni Butler Smith. Ngumiwi kaming lahat sa kanya. Kids? Seriously? Ngayon ko lang din napansin na may kasama pala siya. Couple shirt pa sila. Hindi pala dahil terno lahat ang suot nila. Mula sa sapatos, pants, T-shirt at kahit wrist watch ay pareho sila. Maliban na lang sa mukha dahil may suot na ninja mask itong kasama ni Butler Smith at kung babae lang ako ay naakit na ako sa karisma nito at sa electric blue nitong mga mata. Agad kong tinakpan ang mata ni Sky dahil nakatingin siya doon sa lalaki.
BINABASA MO ANG
Gang's Lethal Lady
RomanceSky is independent woman. She wants normal life and be free. Kaya tumakas siya sa kanila na walang dalang kahit ano maliban sa skateboard niya. After two years of being free and independent. Ang tahimik niyang buhay ay magugulo dahil sa mga lalakin...