Sky's POV
Maaga akong hinatid ni Smith sa Imperose University at maaga rin akong nakakuha ng mga pasa sa katawan. Pinatili kong blangko ang aking mukha kahit alam kong may mga patibong silang nakahanda para sa'kin. Sabi nga ni Bella sa'kin hindi mga ordinaryo ang mga estudyante dito sa Imperose University dahil karamihan sa mga ito ay may mga gang. Hindi na ako nagtangkang patulan sila dahil wala naman akong laban sa kanila. Mga anak mayaman sila at mga tagapagmana pa sa kanilang pamilya.
Halos lahat ng mga estudyanteng babae dito sa I. U. maliban kay Bella ang nanghaharas na saktan ako. Hindi ko alam kung anong pinaglalaban nila at hindi ko rin alam bakit nila ako sinasaktan.
"A-ate Sky, dumugo po ang labi mo."mahinang usal ni Bella. Hinawakan ko ang labi ko at pinunasan ang dugo roon. Hindi ko ininda ang hapdi nito. Kanina sa hallway hinarang ako ng grupo ni Queency at siya rin ang may gawa nito. Masasabi ko ngang miyembro siya ng isang gang dahil sa isang sampal niya sa'kin ay nasugatan agad ang labi ko. "Ate, kasalanan ko po ito. Kasalanan ko po kung bakit ka binubully ng mga schoolmates po natin." sinisisi ni Bella ang sarili niya. Kanina niya pa sinasabi sa'kin yan. Sana raw hindi ko na lang siya tinulungan noong binully siya ni Queency sa Cafeteria. Mas gugustuhin niya pang siya ang bullihin ng lahat wag lang daw ako.
"Sinabi ko naman sayo di ba. Hindi mo ito kasalanan. Kaya ko naman ang pananakit nila kaya hahayaan ko na lang sila, Bella."
Nakangiti kong wika sa kanya munit malungkot pa rin ang mga mata niyang tumingin sa'kin. Bumugtong hininga ako at tumingin sa labas ng bintana."Ate, magsumbong na lang po tayo kanila Sir Adam. Sigurado po akong tutulongan ka niya."
"Wala si Adam. Sinabi sa'kin ni Smith kanina na mawawala ng isang linggo ang gunggong na yun. Sinama siya ni Don Matthew sa ibang bansa para sa isang Business Association."
"Kay Sir Genesis na lang po, ate."
"Hindi rin pwede. Galit sa'kin ang isang yun."
Kagabi ng pinunasan ko siya ay panay tapik niya sa kamay ko. Munit mahina lang iyon dahil lasing siya at wala pa sa sarili. Sinabi niya rin na.
"I hate you, Sky. Fuck off!"
Sinigawan pa ako ng gunggong na iyon. Para bang ang laki laki ng nagawa kong kasalanan sa kanya. Tsk.
"Si Sir Isaiah po, sigurado ipagtatanggol ka niya, ate Sky."
"Busy sa Concert ang isang iyon."
"Paano na ito? Si Principal Idess naman ay wala ngayon dito sa I. U. dahil nakipag business meeting ito sa ibang school."
Nanlulumo niyang wika. Wala naman akong pakialam kong may tumulong sa'kin o wala. As long as kaya kong ihandle ang mga walang kwenta nilang pinaglalaban."Well, well, well. So you're still alive, gold digger whore?"
Nakangising wika ni Queency sa'kin. Kakapasok lang nila dito sa room namin ng grupo niya. "Ilang tao na ba ang nanakit sayo at bakit hanggang ngayon ay buhay ka pa rin?" mataray na saad nito sa'kin. Hindi ako nagsalita at pinatiling walang emosyon ang mukha."Did you know guys, this whore seduced my Adam and nagpabayad pa siya upang maging fiancee ni Adam! You're such a gold digger! At ang lakas ng loob mong landiin ang isang Imperial!"
Galit niyang sigaw sa'kin at sinampal na naman ako. Napabaling ang mukha ko sa sobrang lakas ng sampal niya."Si Knight Genesis mismo ang nagsabi sa'kin ang tungkol dito at ikaw rin pala ang iyong the so called fiancee ni Adam na dinala nito sa kasal ni Don Matthew! Ang kapal ng mukha mo! Ang kapal kapal! Ginamit mo ang kagandahan mo para makakuha ng pera sa mayayamang pamilya! Palibhasa anak dukha kaya walang maitustos sa sarili!" aniya pa. Galit na galit. Ayon pala ang pinaglalaban niya. Tsk.
"Well, gold digger whore, enjoy your study here." huling sabi niya at umalis na sila ng grupo niya dito sa class room.
BINABASA MO ANG
Gang's Lethal Lady
RomanceSky is independent woman. She wants normal life and be free. Kaya tumakas siya sa kanila na walang dalang kahit ano maliban sa skateboard niya. After two years of being free and independent. Ang tahimik niyang buhay ay magugulo dahil sa mga lalakin...