Skyline Imperial's Mansion
(SIM)Sky's POV
Maaga pa lang sinundo na ako ni Smith sa apartment ko.
"Ito lang ba ang gamit mo? "
Tanong niya sa'kin. Isang maleta lang kasi ang dala ko.
"Oo, yung iba iniwan ko sa apartment ko"
Tumango-tango naman siya saka nilagay na sa compartment ang maleta ko.
Pumasok na rin ako sa Limousin na dala niya. Yayamanin talaga ang Imperial. Napa-iling na lang ako.Seryoso lang si Smith habang nagmamaneho.
"Siguro may girlfriend ka na noh? "
Tanong ko sa kanya. Tinignan niya ako panandalian sa rear mirror sa harapan saka muling bumaling sa pagmamaneho.
"Wala pa"
"Seriously? Sa gwapong mong yan wala kang gf? "
Sambit ko sa kanya. Panandalian siyang ngumisi saka umiling iling.
"Pero tapos ka na ng pag-aaral? "
Tanong ko ulit sa kanya. Masyado siyang tahimik at seryoso kaya lubusin ko na ang pagdaldal sa kanya. Palasalita naman ako at nagkakaroon din ng emosyon kapag komportable ako sa isang tao. Si Smith kasi iba siya sa kanila Adam at Genesis di ko alam basta magaan ang loob ko sa kanya para rin kasing nagkita na kami dati at pamilyar siya sa'kin.
"May kilala ka ba sa mga Hunterose at Silvester? "
Tanong ko sa kanya. Pansin kong natigilan siya pero agad ding nakabawi ng postura.
"Pinakasikat na Clan ang Hunterose at Silvester. Tanga na lang ang hindi sila kilala"
Tsk. Hindi naman yun eh.
"Iba I mean, wala ka bang kaibigan sa Hunterose-Silvester's Siblings? "
Natigilan na naman siya pero agad ding nakabawi.
"Wa... Wala"
Bakit siya nauutal?
(Skyline Imperial's Mansion)
Mga ilang minutong byahe lang ay nandito na kami sa SIM.
Mas maganda pala ito sa personal kaysa sa picture na pinakita nila sa'kin kahapon.
"Tatlo lang talaga sila na nakatira dito? "
"Nope, kasama nila ang mga katulong at guards dito. Saka dito rin ako nakatira"
"Ibig sabihin makakasama rin kita dito? "
"Sometimes dahil may mga inaakaso rin ako sa Imperial's Company saka personal assistant ako ni Don Matthew kaya palagi akong nasa tabi niya. "
"Sayang naman gusto pa naman kitang kasama"
Ngumiti lang siya saka ginulo ang buhok ko.
"Hey! Wag ang buhok ko"
Tinapik ko yung kamay niya na nasa ulunan ko.
"Hindi ka pa rin talaga nagbago. You're still the same. "
"Huh? Anong sabi mo Smith? "
Mahina lang kasi ang pagkasabi niya kaya hindi ko narinig.
"Nothing, tara na sa loob"
Siya na ang nagdala ng maleta ko kaya sumunod na lang ako sa kanya.
Masyadong tahimik dito. Wala rin akong nakikitang mga katulong.
Nilibot ko ang paningin ko sa sala. Puro paintings ang nasa pader may Family Portrait din ng Imperial.
BINABASA MO ANG
Gang's Lethal Lady
RomanceSky is independent woman. She wants normal life and be free. Kaya tumakas siya sa kanila na walang dalang kahit ano maliban sa skateboard niya. After two years of being free and independent. Ang tahimik niyang buhay ay magugulo dahil sa mga lalakin...