Adam's POV
Napasimangot ako ng malaman kong wala pala dito si Fiancee ko sa SIM. Pumasok pala siya sa I.U dapat pala pumasok din kami ngayon kaso isang subject na lang uwian na kaya dito na lang muna ako sa SIM. May pinuntahan kasi kami ng mga kaibigan ko at hinapon na kami dun. Umalis lang kami ng dumating ang grupo nila Genesis. Tsk. Nakaka-asiwa kasi ang pagmumukha ng kapatid kong yun. Masyadong maangas!
"Yow! Hindi ka pumasok, Isaiah?"
Tanong ko sa kapatid kong kakarating lang.
"May dinalohan kaming Music event, Kuya"
Tumango na lang ako. Nagfist bump kami ng makalapit siya dito sa sala saka umupo sa mahabang sofa nilapag niya rin doon ang dala niyang gitara.
"Si Ate Sky?"
"Nasa I.U siya pala ang bagong transferee na sinasabi ni Tita Ides"
"Talaga? Whoa! Hindi na nga ako aabsent. Mula bukas papasok na ako. "
Napatawa ako sa inakto niya para siyang bata na biglang namotivate pumasok sa school dahil nandon ang crush niya.
"Me too starting tomorrow hindi na rin ako mag-aabsent. Lilipat din ako ng room kung nasaan si Fiancee ko"
"Lol Kuya, talagang pinaninindigan mo yang fiance thingy na yan"
"Naman! Susulitin ko na ang araw na makasama si Sky bilang fiancee ko. Saka tayo tayo lang naman ang nakakaalam na hindi ko talaga fiancee si Sky."
"Paano si Kuya Genesis? Parang pinag-iinitan niya si Ate Sky eh. Akala niya kasi binayaran mo lang si Ate Sky para maging fiancee mo."
"Hayaan mo na ang kapatid nating yun masyadong makitid ang utak niya sa mga nakakapaligid sa kanya."
Isa pa yun sa ikinagalit ko kay Genesis. Wala siyang karapatan pagsalitaan ng masama ang Fiancee ko at hagisan ng pera sa mukha. Mabuti na lang talaga't umalis siya agad non kung hindi masasapak ko talaga ang maangas niyang mukha.
"Himala at umuwi kayo dito sa SIM"
Pareho kaming napa-igtad ng kapatid ko ng biglang may nagsalita sa likoran namin.
"Nay Linda naman! Nakakagulat naman po kayo---wait lang, di ba po nasa Mansyon kayo ni lolo bakit po kayo nandito?"
Tanong ko. Pagkaka-alam ko kasi pinalipat sila doon sa Mansyon ni lolo nong dito na tumira si Sky.
"Pinabalik kami ni Don Matthew dito nag-aalala siya baka kasi alilain niyo si Sky."
"Tsk! Si lolo talaga bakit naman niya naisip yun? Hindi naman kami ganon kasama para gawin yun kay Sky noh well except Genesis."
Saad ko. Napa-iling na lang ang matanda saka siya bumalik sa kusina.
Alam kaya nila na Fiancee ko si Sky?"Ahm... Ma...magandang hapon po Sir Isaiah at Sir Adam"
Napabaling kami sa may pinto ng pumasok doon si Bella galing siyang school.
"Hello, nandito ka rin pala"
Bati sa kanya ni Isaiah. Magkaibigan po sila. Hindi ko na sila pinansin dahil pumunta na ako sa kwarto ko.
Sunduin ko kaya si Sky?
Hmm... Tama!
Sky's POV
Wag na kaya akong bumalik sa SIM? Nah... Knowing Smith gagawin niya talaga ang pangblack mail niya sa'kin and I don't want to come back home sulitin ko muna ang araw ng kalayaan kong ito bago bumalik sa tunay kong tahanan. But I miss them already...
It's been 2 years... No text no calls.
BINABASA MO ANG
Gang's Lethal Lady
RomantikSky is independent woman. She wants normal life and be free. Kaya tumakas siya sa kanila na walang dalang kahit ano maliban sa skateboard niya. After two years of being free and independent. Ang tahimik niyang buhay ay magugulo dahil sa mga lalakin...