Smith's POV
Marahan akong napabuga ng hangin at hinilot ang sensitido ko. Sumasakit ang ulo ko kay Venomous dapat hindi ko na lang inaya ang isang toh.
“Ano ba! Wag mo ngang hawakan si Sky!”
“Namumuro ka na! Kanina ka pa!”
Sabay na bulyaw iyon nina Adam at Genesis. Halata naman kay Adam na naiingit siya sa ginagawa ni Venomous habang si Genesis naman ay hindi na siya naiinggit pero kitang kita sa mata niya ang selos. Nanlilisik ang mata at umiigting pa ang panga habang nakatingin sa kanila Venomous at Sky na nasa unahan namin.
Hindi ko naman akalain na magkakasundo agad sila Sky at Venomous.
“Gusto mo turuan kita paano gawin ang Kick flip?” rinig naming wika ni Venomous. Hindi man lang pinansin ang dalawang taong nasa likuran niya na gusto na siyang katayin ng buhay.
“Hmm, iyon nga gusto kong matutunan eh----”
“Alam ko yun, Poor of the poorest. Ako na ang magtuturo sayo” biglang sambit ni Genesis. Tumigil din kami sa pag-skateboard dahil hinarangan niya ang dalawa.
“Alam mo? Then, ano yun?”
“The Kickflip has always been a popular trick. Not only does it look cool, but once you learn to Kickflip it'll make other tricks a bit easier to master. Kickflip styles can be different depending on who's doing them but the basic movements are common in all of them.” nakangisi at mayabang na sagot ni Genesis.
“Whoa, may alam ka rin pala sa Skateboard Tricks.” puna ni Venomous pero suminghal lang ito sa kanya at inagaw si Sky dito.
“Malamang nag-research ako kaya alam ko talaga yun.”
“Tsk. Alam mo kung paano gawin yun?” walang emosyong tanong ni Sky kay Genesis.
“Oo naman yeah, bukod sa Basketball, naging gusto ko na rin ang Skateboarding dahil sayo, Poor of the poorest.” Bakit ba tinatawag niyang Poor of the poorest si Sky?
“Ungas”
Singhal ni Sky at nauna ng mag-skateboarding sa'min.“Let's follow her.”
Sambit ko. At sumunod naman sila. Nangunguna si Sky sa'min kaya kitang kita namin ang swabe niyang kilos sa pag-skateboard.Adam's POV
Whoa. She's amazing. Pinakitaan niya kami ng Kick flip trick ng Skateboard.
“Mahirap yung ginawa ni Ate Sky.”
Usal ni Eros. Tumango kami sa kanya at muling tumingin sa bababeng nasa unahan namin. Ang cool niya sa lahat ng bagay kaya malabong hindi siya magustuhan ng mga lalaking nakakapaligid sa kanya. Kaso, may matibay na bakod ang nakaharang na sa kanya. Hindi pa man namin siya nakakasama ng matagal pero magaan na agad ang loob namin sa kanya kahit na wala siyang emosyon palagi ay ayos lang sa'min yun.“Ate Sky, paano po yung ginawa mo kanina?” nilapitan ni Caesar at Eros si Sky at sumabay sila sa pag-skateboard dito.
“Kick Flip Trick tawag doon. Madali lang naman siya gawin pero ewan ko na lang sa inyo. Hindi ako marunong mag-explain kung paano gawin kase natutuhan ko lang mag-skateboarding by watching some pro.”
“Hmm, Si Kuya Venomous magaling sa Skateboard.” sambit ng kapatid kong si Isaiah. Nagsalubong ang kilay ko dahil mukhang kilala niya itong lalaking kasama ni Butler Smith.
“Well, Amateur player lang ako but not pro.” saad ni Venomous. At pinakitaan kami ng Kick Flip trick. Ang galing. Mas mataas ang ginawa niyang talon kaysa kay Sky.
BINABASA MO ANG
Gang's Lethal Lady
RomanceSky is independent woman. She wants normal life and be free. Kaya tumakas siya sa kanila na walang dalang kahit ano maliban sa skateboard niya. After two years of being free and independent. Ang tahimik niyang buhay ay magugulo dahil sa mga lalakin...