Chapter 12

161 7 9
                                    

Kiwi's POV

Shit! Naka-drugs ba si Leader? Kanina pa kasi namin siyang nakikitang ngumingiti. Eh, wala namang nakakatawa rito sa Head Quarters namin.

"Let's go to our class room."
Aya niya sa'min.

"What? Papasok tayo ngayon?"

"Oo, bakit may angal ka roon, Astrid?"

"Hehehe... Wala po leader "
Saad ni Astrid. Napakamot pa siya sa batok niya. Tumayo na rin kami at sumunod sa leader naming nauna ng naglakad. Wala ng mga estudyante sa hallway dahil 3rd subject na.

"Ano bang nakain nito ni leader at naisipan niyang pumasok tayo ngayon?"
Bulong na tanong ni Caesar sa'min.

"Malay natin, baka maganda lang ang gising niya ngayon kaya ganyan ang mood niya."
Saad ko.

"Parang kahapon lang gusto niyang pumatay dahil sa sobrang galit tas ngayon parang sinapian siya ng anghel sa sobrang aliwalas ng mukha niya."
Ani ni Astrid. Na ikanatango na lang namin.

"Tsk! Bilisan niyo diyan. Pinag-chichismisan niyo pa akong mga tukmol kayo."
Saad ni leader kaya binilisan namin ang lakad namin at pumantay sa kanya.

Pagdating namin dito sa tapat ng room.

"Ops! Leader wag mong sipain ang pinto kagagawa lang niyan"
Pigil ko kay Genesis ng akmang sisipain niya na naman ang pinto ng room namin.

"I don't care"
Aniya saka sinipa ang pinto ng ubod lakas. Patayyy... Sira na naman.
Suminghap ang mga kaklase namin pati si Ma'am Garcia na umusok ang ilong sa galit habang nakatingin sa'min.

"Kayong mga bata kayo! Minsan na nga lang kayong pumasok sa klase ko naninira pa kayo ng gamit!"
Galit niyang sigaw sa'min.

"Tsk! Hayaan mo ipapagawa na lang namin yan."
Walang galang na saad ni Genesis saka siya tuluyang pumasok sa loob at nagtungo sa upuan niya.

"Pasensya na Ma'am, Good morning po"
Paumanhin at bati namin sa guro saka kami pumasok na rin sa loob ng room at nagtungo sa upuan namin.

"What the fuck! Umalis ka sa upuan ko!"

"Gusto ko dito kaya lumipat ka na lang sa ibang upuan."

"Ikaw ang lumipat. Tsk. Nang-aagaw kang hindi naman sayo."

"Really? Remember isa rin ako sa tagapagmana nitong I.U kaya kung ano mang meron dito, brother, ay sa akin din kaya wala akong inaagaw sayo."
Ngising saad ni Adam sa kapatid. Pumasok din pala ang gang niya. Kumuyom ang kamao ni leader at malamig na tinignan ang kapatid niya.

"Kuya Adam bumalik ka na sa upuan mo. Mag-aaway na naman kayo niyan ni Kuya Genesis eh."
Biglang saad ni Isaiah. Pumasok din pala ang batang toh kasama sina Range at Striker.

"Ayaw ko nga. Gusto ko dito para katabi ko si Sky."
Ngising saad ni Adam. Fuck! Susuntokin na sana ni leader ang kapatid niya ng may suminghal.

"Tsk."

"Hala? Sira na naman yong pinto, ate Sky."

"Kaya nga eh, kagagawan siguro ng nakatayong isang tukmol."
Tumingin kami sa may bungad ng pinto nandoon sila Sky at Bella may dala silang mga test papers.

"Ma'am, ito na po ang mga test papers na pinakuha niyo po."

"Hayyy. Salamat sa inyong dalawa."

"Walang-anuman po"
Ngiting saad ni Bella sa guro. Tumingin kay Sky na walang kahirap hirap na tinayo yong pintoan. Shit! Nakalimutan pala naming ialis yun.
Pero grabe! Ang lakas naman yata niya? Mabigat yun eh. Tinabi niya yong pintoan sa may gilid.

Gang's Lethal Lady Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon