Astrid's POV
Uhm... Ramdam na ramdam namin ang tensyon ng dalawang magkapatid dito sa table namin. Hindi na kami makakain ng maayos dahil inaabangan namin kung magbabangayan na naman ba sila o hindi. Iyon kasi ang palaging nagaganap kapag nagtatagpo ang grupo namin.
Si Sky lang yata nakakain ng maayos wala siyang pakialam sa dalawang predator na pinag-aagawan ang isang prey. Which is siya.
"Mabubusog kayo niyan. Ipagpatuloy niyo lang ang titigan niyong dalawa."
Walang-emosyong saad ni Sky kanila Genesis at Adam. Tumigil ang dalawa sa masama nilang titigan at sabay na tumingin sa dalaga na masaganang kumakain."Subuan mo ako, Fiancee ko"
"Feed me, Sky"
Sabay na saad ng magkapatid. Huminto si Sky sa akmang pagsubo niya ng pagkain saka tumingin kanila Genesis at Adam.
"Baby ba kayo?"
Tanong ni Sky sa kanila."Oo, baby mo kaya ako, Fiancee"
"I'm your baby, Sky"
Sabay na naman nilang sagot. Nagkatinginan sila ng masama.
"Bahala kayo sa buhay niyo, tara na Bella"
Usal ni Sky saka siya tumayo at ganon din si Bella. Walang lingun lingon na umalis sila rito sa canteen."It's your fault!"
Biglang singhal ni Genesis kay Adam. Ngumisi lang ito."Fiancee ko siya at masyado ka lang epal"
Pa-cool na saad ni Adam. Lalong sumama ang tingin ni Genesis sa kapatid."Damn you! She's mine!"
"Sayo? Hahahahahaha! Patawa ka eh noh? Alam mo namang Fiancee ko siya. Kaya wag ka ng mangarap, kapatid"
Sarcastic na saad ni Adam saka siya tumayo at umalis dito sa canteen. Nagkatinginan pa kami ng mga tropa niya saka rin sila sumunod sa leader nila."Mierda!"
Mura ni Leader gamit ang salita nilang espanyol saka rin siya tumayo at nagpatiunang umalis dito sa canteen. Kami naman ay sumunod din sa kanya.
Third Person's POV
Hinanap ni Genesis ang dalaga ng umalis ito sa canteen. Gusto niya itong makasama. Wala siyang pakialam kung Fiancee man ito ni Adam.
"Fiancee ko, sumama ka na kase sa'kin mamaya. Magdi-dinner date tayo."
Napahinto siya sa paglalakad at nagtago sa may puno ng marinig niya ang makulit na boses na iyon ni Adam. Nasa private garden sila ng school.
"Wag ka ngang makulit, sabi ng ayaw ko."
Boses iyon ni Sky. Walang emosyon."Kahit saglit lang, isang oras lang naman tayo, Fiancee ko."
"At kahit kailan ang kulit mo. Tsk. Sige, papayag na ako."
"Yes! I love you, Fiancee ko."
Gustong wasakin ni Genesis ang puno sa sobrang inis na naramdaman. Bago pa siya sumabog at marinig ang igaganting sagot ng dalaga, umalis na siya sa garden. Dumiretso siya sa Parking lot ng school.
Hindi niya tanggap ang relasyon ng dalawa! Inis niyang sinipa ang side mirror ng isang sasakyan. Ngumisi siya ng nasira niya ito pagkatapos ay sumakay na siya sa kanyang Ducati.
Gusto niyang manapak ng mga tao ngayon kaya tutungo muna siya sa Battlefield at doon makikipaglaban.
"Kaya niya pinatulan ang kapatid ko dahil alam niyang isang Imperial ito. She's nothing but a poor of the poorest."
Sambit ni Genesis sa kawalan. He hated woman for a long time and that skater girl is not exempted.
"And I'm sure, binayaran din siya ni Tanda para tumira sa SIM. She wants money, then, I will buy her."
Aniya. At pinabilis ang takbo ng kanyang motor.
Battlefield.
Ito ang lugar kung saan nagaganap ang labanan ng mga gangster. Ruled by the Monster Trio composed of three people a founder and the rulers of this place. Bawat gang dito ay may rank. And Genesis gang is belong to Rank 1. They're member of ACES by the way.
"The oh so-called Great Genesis of ACES is here."
Huminto si Genesis ng makasalubong niya ang isa sa Monster Trio. Si Scythe. Isa itong assassin. Kasing edad ito ni Butler Smith. Kilalang kilala ito sa Underground industry. Ang tanging leader lang ng Monster Trio ang hindi nila nakikita ang mukha. Purong itim ang suot nito at may suot pang maskara. Gumagamit din ito ng voice changer kaya hindi nila alam kung ano ang tunay na kasarian nito.
"Magandang araw"
Bati ni Genesis dito. Kahit papaano ay may galang siya sa Monster Trio kaysa sa lolo niya.
"School hour niyo ngayon, bakit nandito ka sa Battlefield?"
"Gusto kong magpalipas ng oras dito. Ayaw kong makapangbugbog sa eskwelahan namin kaya dito ako pumunta."
"Hmm, feel free to punch your enemy."
Wika ni Scythe saka ito umalis. Nagsalubong ang kilay ni Genesis, nawalan siya ng ganang manapak kaya sa may Bar Area siya nagtungo.
Gusto niyang magpakalasing!
BINABASA MO ANG
Gang's Lethal Lady
RomanceSky is independent woman. She wants normal life and be free. Kaya tumakas siya sa kanila na walang dalang kahit ano maliban sa skateboard niya. After two years of being free and independent. Ang tahimik niyang buhay ay magugulo dahil sa mga lalakin...