CHAPTER 26

74 5 0
                                    

Isaiah's POV

Huminto ako sa pagkalabit ng guitar ko ng biglang pumasok si Kuya Adam dito sa kwarto ko.

“Hindi pa ba umuuwe si Genesis dito sa bahay?”
Tanong niya sa'kin.

“I don't know. Hindi pa ako lumalabas sa kwarto ko.”
Hindi nga ako nakapasok ngayong araw dahil naging abala ako sa pagsulat ng lyrics sa bago naming kanta. At ito ang kakantahin namin sa darating na Basketball Tournament ng Imperose University. Ayaw ko naman sanang gawin kaso Nag-request sa'kin si mommy na kumanta raw kami para sa opening program ng Tournament.

“Wala ba kayong concert?”

“Cancelled. So, bakit mo pala hinahanap si Kuya Genesis?”

“Hindi mo ba alam ang ginawa niyang kalokohan kanina sa school.”

“Nope. Palagi naman siyang may ginagawang kalokohan. Wala ng bago roon.”

“Tsk. Kaso, sumusobra na ang pagiging abnormal niya. Dahil sa kanya naisugod sa clinic si Sky.”

“What? Pero, bakit? Ano bang nangyare?”

“Sky was drugged by Queency's gang.”

“Holyshit at si Kuya Genesis ba ang nag-utos sa kanila?”

“Yeah. Si Queency mismo ang nagsabi sa'kin.”

“How about kuya Genesis? Inamin ba niyang i-drugged si Ate Sky?”

“Inaalam pa lahat ni Butler Smith ang pangbubully kay Sky. Kailan ba babalik si Tita Idess sa Imperose? Kailangan natin siya para pigilan ang bullying sa school natin. Talamak na rin ang mga estudyanteng gumagamit ng drugs sa loob mismo ng Imperose.”
Principal ang mommy ko sa Imperose University ngunit wala siya ngayon doon dahil abala rin siya sa darating na Basketball Tournament. Ang pagkakaalam ko ang Dean namin ang kanang kamay niya habang wala siya sa school.

“Venênoso Gang. Rank 5 in Gangster Society. Sila lang naman ang mga drug user sa Imperose University. Nahihirapan si mommy na patalsikin sila dahil malakas ang mga impluwensya nila sa Mafia Society at pagkakaalam ko, anak ng Mafia Lord ang leader ng Venênoso Gang.”

“Lahat ng miyembro ng Venênoso Gang ay mga anak ng Mafia Lord at mga Drug Lord pa. Tss. Naintindihan ko si Tita Idess kung bakit hindi niya pwedeng basta na lang patalsikin ang mga adik na yun.”

“How about Queency you're fling?”
Umasim ang mukha ni Kuya Adam dahilan upang matawa ako.

“Tsk. Ewan ko ba sa babaeng yun. Habol ng habol sa'kin hindi ko naman siya gusto. Sa kama magaling siya pero tangna ayaw ko na sa kanya.”

“Because of Ate Sky?”
I know Kuya Adam very well. Napaka-playboy nila ng mga barkada niya. Kung sino sinong babae ang kinakama nila. Ayun ang pinagka-iba nila kuya Genesis dahil kung gaano kahilig sa babae si kuya Adam ay siya namang pinakadisgusto ni Kuya Genesis. “You like her di ba?” tanong ko muli kay kuya Adam na nakangiti lang na parang inlove na inlove. Tss. Impossible pa lang magbago ang playboy sa oras na mahanap niya na ang katapat niya.

“Yeah dahil din sa kanya kaya nawalan na akong mambabae pero ng nalaman kong magkaroon na ako ng Fiancee ay tuluyan na akong nagbago hahahahaha!”

“Ah? May fiancee ka? Di ba si ate Sky ang fiancee mo? Fake Fiancee nga lang.”

“No, hindi siya. I'm sure, magugulat ka kung sino ang fiancee ko hahahahahahaha!”

“Wait, Who?”

“One of the Badass Twins! Damn, I can't believe na mismong Reyna ng Hunterose ang nakausap ko doon sa Russia kaninang umaga. Pinaubaya niya sa'kin ang isang prinsesa nila.”
Wow. As in wow. Tinignan ko ng maigi si Kuya Adam kung nagbibiro lang ba siya. Pero, mukhang seryoso naman siya dahil tuwang tuwa siya habang sinasabi iyon. Habang ako ay, hindi makapaniwala sa kung sino ang magiging Fiancee niya. Damn. One of the Badass Twins? Shit. Sino kaya sa kanila? Si Godee ba? O si Heaven? Kilala ang dalawang iyon sa buong mundo daig pa nila ang kasikatan ng mga artista. Bukod doon, pinakasikat na Racer din sila sa Underground at Race Track. Bonus points pa ang mga pinagpala nilang mukha. Sobrang kay gaganda naman talaga. Isa ako sa mga tagahanga nila na hanggang tingin lang ang magagawa dahil para silang mga bituin na mahirap abutin. The Hunterose Bloodline.

“Kuya, sino ba sa kanila ang fiancee mo?” excited kong tanong. Si kuya Adam naman ay parang babaeng kinikilig. Tangna. Hahahahhaha. Nasisira imahe niya. Kung si Godee ang fiancee niya edi lucky. At kung si Heaven ang fiancee niya nakuuuu po. Unlucky yun. Dahil alam kong may nagmamay-ari rito. Maraming makakalaban si kuya Adam.

“It's Sky Godee Hunterose, Lil bro.”

“Mabuti naman kung ganon. Congratulations!”

“Hahahahahaha! Thank you.”

“Kailangan mo ng magtino para magtagal kayo ng magiging fiancee mo.”

“Hahahahahhaha! Kay Sky pa lang matino na ako.”

Smith's POV

Sinulyapan ko si Genesis na wala sa sariling umiinom ng alak. Tsk. Tsk. Nandito siya sa mini bar nila rito sa mansion at kanina pa raw siya nandito. Naglalasing.

Ilang taon na nga ba ulit ang batang ito?

21? Yeah. 21. Tapos ang lakas lakas na uminom ng alak. Tsk. Tsk. Tsk.

“Kung nababakla ka sa'kin. Wag ako, Silversmith. Iba na lang. Mas bagay kayo ni Adam.”

Ngumiwi ako sa sinabi niya. At umupo sa isang stall chair.

“Don't call me at my fullname. Hindi tayo close.” saad ko. Nandito ako sa pamilyang ito bilang Butler at hindi ko sila pahihintulutan na tawagin ako sa pangalan ko.

“Hahahahahaha! Ang seryoso mo talaga. Alam mo bang gusto kitang maging kaibigan kaso ayaw mo naman.”

“Marami ka ng kaibigan hindi mo na kailangan ng kaibigan na isang tulad ko.”

As a Butler of Imperial Family. I know already their history. Businesses. Family Problems. Mga taong dumaan sa buhay nila na iniwan sila sa ere. Pag-uugali ng bawat isa. Hindi mahirap sa'kin ang alamin ng buong pagkatao nila kahit si Sky na bagong salta rito sa mansion ng mga Imperial ay kilalang kilala ko pero ako hindi niya kilala.

“May niluto akong soup para kay Sky pakihatid sa kwarto niya. At ikaw na rin magpakain sa kanya. Hindi ko kasi, ugali ang pumasok sa kwarto ng babae.”
Maliban sa kwarto ng commander ko hahahahahahaha.

“Hindi ba siya galit sa'kin? Ako ang dahilan kung bakit siya na bully.”
Parang batang usal ni Genesis. Yumuko pa siya at puno ng pagsisisi ang mukha. Ginulo ko ang buhok niya at tinapik ang balikat niya ng tatlong beses.

“Hindi marunong magalit ang isang yun. Just take care of her. I gotta go. May kailangan pa akong asikasuhin sa Imperose University.”

Gang's Lethal Lady Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon