Adam's POV
Pinagtritripan ba ako ng lolo namin? O ginagantihan niya lang ako dahil sinira ko ang wedding day niya ng babae niya?
"ADAM! ARE YOU LISTENING?"
"Aishh!! Kailangan talaga sumigaw!"
Sigaw ko pabalik kay Butler Smith. Kasama ko siya ngayon dito sa isang President Suite dito sa Russia. Wala akong ka-ideya ideya bakit nila ako dinala rito sa bansang ito. Akala ko nagiginip lang ako na lumilipad daw ang hinihigaan ko noong natutulog ako tapos paggising ko sakay na kami ng private jet ni lolo. Gusto ko pang magwala ng malaman kong isang linggo kami rito sa Russia!!! Hindi pwedeeee baka mamimiss ako ng fiancee koooo.
"Kanina ka pa kase tulala diyan. Ito katol ka muna."
Gusto ko siyang batuhin ng unan sa sinabi niya. Umiling na lang ako at tinanggap ang kapeng binigay niya."Bakit ba kase tayo nandito? Ano bang meron?"
Tanong ko kay Butler Smith. Nagkibit balikat lang siya at tinalikuran ako. Pumunta ako sa veranda nitong suite upang lumanghap ng sariwang hangin. Patapos na ang Autumn season dito sa Russia at ilang araw na lang ay winter season na. Month of November."Better to prepare yourself, Adam. Makaka-usap mo ang mga Reyna ng Hunterose."
Tila natulos ako sa kinakatayuan ko at nanindig ang mga balahibo ko sa katawan. I can't believe, the Queen of Hunterose? Makaka-usap ko??? Shitttttt!!!! Kabado bente bente!!!"Ulol! Wehhhh???"
"Ulol wehhhh ka rin. Tss. Oo nga, mukha ba akong nagbibiro?"
Napakamot ako sa batok ko kahit hindi naman makati yun. Dakilang Bipolar si Butler Smith. Ang bilis magbago ng mood niya. Tipong ang seryoso niya tapos maya't maya nagiging medyo loko loko."Oki oki, ano bang dapat kong susuotin? Pormal? Semi-formal? Prince suit?"
"Mag-gown ka na lang. I'm sure, matutuwa ang Reyna sayo."
"Pakyuuuu!!! Silversmith!!!"
"Hahahahahahahah! Pakyu ka rin! Wag mo nga akong tawagin sa buong pangalan ko! Hindi tayo close! Just call me Butler Smith."
Bipolar talaga amp. Tumawa muna siya tapos biglang nagalit? Kingina! Baliw na yata ang isang ito. Nasobrahan yata sa mga trabahong binibigay sa kanya ni lolo."Psh. Ano ba kasi dapat kung suotin?"
"Just be yourself. Tsk. Labas lang ako. But, be prepared."
Ayan na naman siya sa Be prepared. Kinakabahan lang ako lalo. Iniisip ko pa lang ang Reyna ng Hunterose na makakasalamuha ko parang gusto ko ng lumipad pauwi sa Pilipinas. Hindi naman kasi sila basta bastang mga tao. Kakaiba sila at nakakatakot namang talaga. Presensya at tindig pa lang ay pamatay na. Nakakapigil hininga naman pagdating sa mga pinagpala nilang mukha. Nangunguna na roon sila Godee at Heaven ang sikat na Badass Twins ng Underground Industry at Race Track Division. Sila ang mga taong mahirap maabot. Hunterose bloodline."Reminder everyone, The Queen and the Empress of Hunterose Kingdom will be arrive soon. Be prepared."
Ano daw? Announcement iyon mula sa isang malaking mala Billboard flat-screen TV na nakadikit sa kaharap na building nitong Presidential Suite. Russian language ang ginamit na salita kaya hindi ko maintindihan maliban sa Queen and Empress of Hunterose Kingdom. Umalis ako sa veranda at pumasok na sa loob.
Padapang humiga ako sa mahabang sofa. Ano ba talaga ang susuotin ko? naka-pajamas pa ako at hindi pa ako naliligo. Pinag-iisipan ko pa ang susuotin ko.
Kamusta na kaya si Sky? Hindi ko man lang siya nakita ngayong araw. Nakuu, wag naman sana siyang pagtripan ni Genesis. Topakin ang kapatid kong iyon kahit mga kaibigan namin ay hindi siya kaya sa tuwing sinasapian siya ni Satanas.
Humikab ako at pipikit na sana ng bumukas ang pinto ng suite hindi ko iyon pinansin dahil alam kong si Butler Smith iyong pumasok kahit hindi ko tignan. Pumikit ako at hinintay na makalapit si Butler Smith dito sa pwesto ko. Isa pa ang taong ito, napaka neutral ng presensya at kilos. Hindi ko man lang maramdaman.
"Adam-hijo."
FUCKKKKKKKK!!! THE FUDGEEEE!!!
Napatayo ako bigla at natutuliro. Kinakabahan din ako. Kung kanina kabado bente bente ako, ngayon naman ay fifty fifty na yata ang buhay ko! Nakayuko lang ako dahil hindi ko sila kayang tignan. Ang lakas lakas at ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang gagawin ko."That's enough, stop bowing down, Adam-hijo. Hindi kami na-inform na sobrang galang mo pala. Very good."
Boses ng isang babae. Napakalamig munit walang gana. Narinig kong tumawa si Butler Smith kaya nag-angat na ako ng ulo upang tignan sana siya pero ganun na lang ang pagpipigil ko ng hininga ng masilayan ko ang dalawang babaeng nasa harap ko. Kumabog ng kumabog ng mabilis ang puso ko at nakangangang nakatulala sa kanilang dalawa.Fuckshittttttt!!!! Mierdaaaaaa!!!!
Bakit ang sobrang ganda nilang dalawaaaaaaaaa???? Tangna!!! Hindi ba ako nanaginip??? Magkamukha sila munit magkaiba ang kulay ng kanilang mga mata.
The woman who standing like a delinquent Queen she got two orbs. An Heterochromia eyes. Magka-iba ang kulay ng mata niya. Crimson and Skyblue. She look at me lazily and emotionless. But, definitely beautiful goddess!
While the other woman, who standing like a badass fighter. Her eyes are both beautiful dark skyblue. She, also look at me emotionless but smirking devilishly. Katakot. Pero, sobrang ganda niya rin. At parang may kamukha siya. Maliban sa babaeng katabi niya.
Pumasok si lolo dito sa Presidential Suite at yumuko pa siya bilang paggalang dito sa dalawang babaeng kaharap ko. Nakahinga rin ako ng maluwag ng tumabi siya sa'kin at kunot noong pinasadahan niya ako ng tingin.
"Juskong bata ka, seriously? Pajama attire in front of the Queen and the Empress of Hunterose Kingdom?"
Ngayon ko lang na-realize ang suot ko. Damn it! Sobrang nakakahiya. Naramdaman kong nag-init ang kaliwang tainga ko at namumula ito sa sobrang kakahiyan."Pero, lo... Ano kasi. Um, sorry po. Pasensya na po."
Yumuko ako ng paulit-ulit sa harap ng dalawang babae. At humihingi ng pasensya. Tumigil lang ako ng tumawa silang lahat. Pinakamalakas pang tawa ay kay Butler Smith."It's okay Adam-hijo, hindi mo naman kailangan maghanda sa pagpunta namin dito. We just need, a couple of seconds to you."
Tumingin ako sa babaeng kulay asul ang mata. Hindi ko alam kung siya ba ang Queen o Empress. "Twin, sabihin mo na sa kanya ang dapat mong sabihin." baling niya sa babaeng Heterochromia ang mga mata. Tamad itong sumulyap sa'kin bago bumuntong hininga."At November 1, you'll be part of our family. It's your engagement party together with my daughter, Godee. I know, you know her already because they are the so called badass twins in the Philippines. God bless you."
"Sa madaling salita magiging Fiancee mo na si Godee, congratulations! It's party time!"
Seryosong wika ni Butler Smith pero agad din napalitan ng kagalakan. Bipolar talaga siya. Amp.Nang mag-process lahat ang sinabi nilang lahat sa'kin ay natulala na naman ako.
SERIOUSLY???? SI GODEE??? MAGIGING FIANCEE KO????
BINABASA MO ANG
Gang's Lethal Lady
Lãng mạnSky is independent woman. She wants normal life and be free. Kaya tumakas siya sa kanila na walang dalang kahit ano maliban sa skateboard niya. After two years of being free and independent. Ang tahimik niyang buhay ay magugulo dahil sa mga lalakin...