Sky's POV
"Goodmorning, Ms. Sky, ihahatid na kita sa Imperose University."
Ngumiti ako kay Smith at tumango sa kanya. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng limousine na dala dala niya palagi. Kumunot ang noo ko ng may kasama kami. Nasa front seat ito naka-upo at natatakpan ang bibig at ilong nito ng kulay itim na ninja mask.Nilingon niya ako at napakurap kurap ako ng makita ko ang kulay ng mga mata niya. Electric Blue eyes! Kumindat siya sa'kin kaya umayos ako ng upo at tinuon ang mata ko sa kalong kong skateboard.
"Hello there, beautiful lady. I'm Venomous, friend of this fucking guy Silversmith."
Aniya sa'kin. Tinignan ko siya at pinatiling walang emosyon ang mukha. Napakalalim ng boses niya at lalaking lalaki ang dating kahit hindi niya tanggalin ang mask na nasa mukha niya ay alam kong gwapo ang isang toh."Ah, I'm Sky Santiago. Nice to meet you." walang emosyon kong usal. Kumunot ang noo ko ng humalakhak siya at hinampas hampas pa si Smith sa balikat.
"Tama nga ang chismis mo, Silversmith! Wala siyang emosyon pero ang ganda niya."
"Aish! Wag mo nga akong hampasin at tumahimik ka nga! Wala akong chinimis sayo tungkol kay Ms. Sky."
"Ulul. Kaya pala puro bukang bibig mo si Sky doon sa tambayan natin"
"Tatahimik ka o sisipain kita palabas dito sa Limousine ko?"
"Hahahahhaha! Tatahimik na po, Mahal na Prinsipe."
Hindi ko maiwasang mamangha kay Smith akala ko ay seryoso at sa Imperial lamang umiikot ang buhay niya. Hindi ko akalain na may kaibigan pala siya.
"Pagpasensyahan mo na ang isang toh, Ms. Sky, may saltik kasi sa utak yan." saad ni Smith. Ngumiti lang ako sa kanya at tumingin sa labas ng bintana nitong Limousine niya. Kanina ko pa napapansin ang pasulyap sulyap ng kaibigan niya sa'kin at hindi ko alam bakit terno sila ng suot ni Smith. Parehong ragged look. Sanay akong palaging OOTD niya ay pormal suit kaya naninibago ako ngayon sa itsura niya. Maginoong maangas?
"Sports mo ba ang Skating, Ms. Sky?"
Tanong sa'kin ni Venomous. Nakiki-Ms. Sky din siya. Ang pormal nila masyado pero ang mga tindig ay akala mo mga siga sa kanto."Not really, it's just my hobby riding skateboard." walang emosyon kong sagot sa kanya. Bigla na naman siyang tumawa at hinampas hampas na naman si Smith.
"Tangna! Stop it, Venomous! Nagda-drive ako rito! Ang likot likot mo!"
"Hahahahhaha! Suss, kunware ka pa, eh, gawain mo ngang magpa-blow job sa mga fling mo habang nagda-drive ka."
"Eyy, that gross."
Hindi ko napigilang sumali sa usapan nila. Lalong lumakas ang tawa ni Venomous at hinampas ng hinampas si Smith."Hahahahahah! I love you na, Ms. Sky." saad ni Venomous kaya kumunot ang noo ko at takang tinignan siya. Tumigil siya sa pagtawa ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya.
"Hoy! Tigil tigilan mo nga si Ms. Sky! Tangna ka! Isa na lang masisipa na talaga kita palabas dito sa sasakyan ko!"
"Hahahhaahha! Peace, Buddy."
Nag-peace sign pa siya at tumahimik nga. Sakto namang malapit na kami sa Imperose University kaya pinahinto ko na ang Limousine ni Smith."Smith, Dito na lang ako. Thank you sa paghatid." Nakangiting usal ko sa kanya. Ginulo niya ang buhok ko kaya Nakasimangot na lumayo ako sa kanya konti. Tumawa silang dalawa ni Venomous sa naging reaksyon ko.
"Day off ko ngayon as a Butler. So, yayain sana kitang mamasyal mamaya? Ayos lang ba sayo?"
Hindi ko napigilang ngumiti at parang bata na tumango tango sa kanya."Oo naman! Basta ikaw hahahahha! Geh, see yah later." paalam ko at tinalikuran na sila ni Venomous.
Astrid's POV
May sapi na naman si Genesis. At hindi namin siya makausap ng matino tungkol sa paglalasing niya kahapon.
"I want to know the Background Profile of Sky Santiago. Now." malamig niyang utos. Nagkatinginan kami nila Kiwi at Caesar kung susundin ba namin ang utos niya pero dahil nakakatakot siya ngayon kaya sumunod na lang kami at nagpunta sa isang computer dito sa Hideout namin sa school. Ako na ang gumawa ng pinapagawa niya. I'm not a Hacker pero magaling ako pagdating sa mga computer. I typed Sky Santiago's name. Kunot noong, binabasa ko ang info niya. Kahit sila Caesar at Kiwi na nasa likuran ko ay kumukunot din ang noo.
Background Profile
Name : Sky Santiago
Age: 20 years old
Birthday : January 1, 2000
Hobby: Skating
Work experience : Cashier, Pastry Chef, Delivery girl, etc.
Status : Fiancee of King Adam Imperial"That's enough. I don't need her status. Damn it."
Hininto ko ang pagbabasa at taka kaming sumulyap kay Genesis na madilim ang awra at masama ang tingin sa kisame. "Who's her parents? Where she from?" sunod niyang tanong sa'min kaya ako naman itong sunod sunuran sa kanya hinahanap ko agad ang gusto niyang malaman."Not applicable. Except this, she's from province pero walang nakalagay na lugar. 12 silang magkakapatid at hindi naka stated ang mga pangalan. Siya lang din mag-isa ang naninirahan dito sa Manila. She's been independent at age of 18. At base sa school records niya ay hmmm, matalino rin siya. Bayad na rin ang tuition fee niya. Her sponsor is your Grandfather, Don Matthew."
"Tsk. Bayarang babae."
Malamig niyang sambit sa kawalan. Pansin kong kumuyom ang kamao ni Caesar at inis na hinarap ang leader namin."Pakyu ka ba! Hindi ganong klaseng babae si ate Sky! She's hardworking and independent woman!"
"Di ba binabayaran niyo rin siya?"
Sarcastic na tanong ni Genesis kaya lalong nainis ang maknae namin sa kanya."Malamang! Nagtatrabaho siya sa convenient store namin dati! Bobo ka ba! Abnormal!" singhal ni Caesar at padabog na umalis dito sa Hideout namin. Tinignan namin si Genesis na hindi nagbabago ang malamig na presensya. Ano bang nangyayare sa kanya?
"Bullying Sky Santiago. Announce it to all gangsters here in Imperose University."
"What! Nababaliw ka na ba? Hindi pwede ang sinasabi mo, Genesis. Nanahimik ang buhay ng tao, please lang wag mong guluhin si Sky." saad ko sa kanya. Tinignan niya ako ng masama pero hindi ako nagpatinag.
"I will bully her until she's gone of our life. Bubullyhin ko siya hanggang sa makipaghiwalay siya kay Adam!"
"Walang kwenta ang pinaglalaban mo, pards. Wag si Sky ang pagtripan mo lalo lang kayong hindi magkakasundo niyan ni Adam." wika ni Kiwi at Sumang-ayon ako sa sinabi niya.
"I don't care then. Wag kayong mangingialam sa pangbubully ko kay Sky kung ayaw niyong masampulan ng kamao ko."
"Wala din kaming pakialam sayo sa oras na sasaktan ng mga Gangsters dito sa Imperose University si Sky. Kami ang makakalaban mo, Genesis. Buong ACES ng Imperose ang makakalaban mo. K fine, hahayaan ka naming pagtripan si Sky pero ikaw lang dapat wag kang magsama ng mga alagad ni Satanas." saad ko. Tsk. Alam ko namang gusto niya lang magpapansin kay Sky kaya gusto niya itong i-bully. Pero, nagtataka pa rin ako sa Background profile ni Sky. Napaka-safe nito. I don't know, but I think, she's not ordinary people.
BINABASA MO ANG
Gang's Lethal Lady
RomanceSky is independent woman. She wants normal life and be free. Kaya tumakas siya sa kanila na walang dalang kahit ano maliban sa skateboard niya. After two years of being free and independent. Ang tahimik niyang buhay ay magugulo dahil sa mga lalakin...