Chapter 3

186 10 0
                                    


Sky's POV

Nagbe-bake ako para sa pizzang gagawin ko ng pumasok si Tita Elsa mommy ni Eros dito sa kusina ng Pizza Parlor nila.

"Sky-hija, may naghahanap sayo ipagawa mo na lang kay chef yang ginagawa mo. " aniya sa'kin nakangiti pa siya.

"Sige po tita, susunod na lang po ako sa inyo"

Tumango siya saka lumabas na dito sa kusina. Ako naman ay binigay na ko na lang kay Pastry chef Elena ang ginagawa kong pizza. Naghugas lang ako ng kamay hindi ko na tinanggal ang suot kong apron saka lumabas na.

May konting kaba rin akong nararamdaman dahil sa tagal ko ng nagtrabaho dito sa Pizza Parlor ngayon lang may naghahanap sa'kin at si Tita Elsa pa mismo ang tumawag sa'kin. Kahit na trabahante lang ako rito gusto ni Tita Elsa na huwag ko siyang tawaging 'Ma'am' kundi Tita na lang dahil parang anak-anakan niya na rin daw ako bukod pa don kaibigan ko raw si Eros tss.

"Tita, sino po ang naghahanap sa'kin?"

Tanong ko ng makalapit ako rito sa may cashier area. Nagtataka pa ako ng mapansin ko ang mga kapwa empleyado kong mga babae na parang kumikislap ang mga mata nila. What the heck. Anong meron?

"Oh Hija, buti naman nandito ka na, ikaw na lang ang mag serve nito doon sa Table 12 nandoon ang naghahanap sayo, ayieeee! Enjoy your meal. "

Napa-iling na lang ako sa inasta ni Tita Elsa para siyang teenager na kinikilig, samahan mo pa ng mga katrabaho ko nanunudyo ang mga tingin nila sa'kin. Napangiti na lang ako ng tipid saka kinuha ang isang tray na may lamang 2 slices of Hawaiian pizza at 2 glasses of nestea apple flavor.

Nagtungo na ako sa table 12, may lalaki roon na naka-upo hindi ko nga lang kita ang mukha niya dahil natatakpan ng magazine na binabasa niya.

"Ito na po ang order niyo, Sir"

Malumanay kong sabi saka nilapag ang tray sa table. Binaba niya ang magazing hawak niya kaya nakita ko na ang mukha. Nakasuot siya ng shades binaba niya iyon konti saka pinasadahan ng tingin hanggang sa magtagpo ang mga mata namin sa isa't-isa. Walang-emosyon ko siyang tinignan, siya naman ay tumikhim at inalis na ang suot niyang sun glasses.

"Umupo ka muna, Ms. Beautiful "
Nakangiting wika niya sa'kin.

"Anong kailangan mo? Sabihin mo na lang hindi ko na kailangang umupo dahil may trabaho pa akong gagawin"

Walang-emosyong sabi ko sa kanya pero nakangiti pa rin siya. Tsk. Abnormal yata ang lalaking toh.

"Seat down first, don't worry enexcuse na kita kay Tita Elsa kaya wala ka ng trabahong gagawin "

Nilingon ko sila Tita Elsa nakangiti siya habang naka thumbs up at sumenyas na ok lang. Bumuntong hininga ako saka umupo sa upuan na kaharap ng lalaking toh lalong lumawak ang ngiti niya para lang siyang aslul. Asong-ulol.

"Bilisan mo may limang minuto ka para magsalita. "

Ani ko sa kanya. Tinuon ko ang tingin ko sa labas, Transparent glass wall ang pader nitong Pizza Parlor kaya kita ang view sa labas.

"Grabe, limang minuto talaga? Gawin mo ng 30 minutes. "

Umiling lang ako, bumuntong hininga naman siya.

"Ok fine, sigurado naman akong kilala mo na ako di ba? "

Umiling ulit ako.

"What?! Seriously?! Me? isang napaka gwapong King Adam Imperial hindi mo kilala? "

Adam's POV

Hah! Siguradong nagpapanggap lang ang babaeng ito, no way! I know all girls knew me. Nasa labas pa rin ang tingin niya. Tsk.

Gang's Lethal Lady Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon