Sky's POV
Hindi ko kayang kumilos mag-isa. Paralisado ang buong katawan ko dahil sa drugs na tinusok nila Queency sa'kin. Sabi ng school doctor namin, Paralyzed ang nagiging epekto ng drugs sa katawan ko. Maaaring aabutin daw ng isang linggo bago gumaling ng tuluyan ang biktima nito maliban kung malakas ang immune system sa katawan ay gagaling na agad ng wala pang 24 hours.
May kumatok ng tatlong beses sa pintuan ng silid ko bago iyon bumukas. Bumungad sa'kin si Genesis na may dalang tray ng pagkain.
“Uhm, Hi?”
Pinagkunotan ko siya ng noo sa sinabi niya. Tumikhim muna siya bago nagsalita muli. “Inutusan ako ni Butler Smith na pakainin ka. Uhm, ito sopas siya ang nagluto nito para sayo.” Kahit anong pilit niyang ayusin ang boses niyang magaspang ay sadyang hindi na iyon magbabago dahil nasa dugo niya na ang pagiging maangas at lumalatay pa sa ugat niya ang pagiging badboy?“Thank you, can you feed me?”
Mahina kong pakiusap. Kaso, ang puso ko ay nag-iingay sa bilis ng tibok nito. All my life I've been independent lady. 2 years being alone in my apartment. Kaya sa tuwing magkakasakit ako ay parang kamatayan ko na iyon. Walang nag-aasikaso, mag-aalaga, someone who can lean on. I've been alone.“Of coarse, I'm glad to do it for you, baby---- a--ano, you look like a baby, Sky.” Depensa niya. Hindi ko napigilang ngumiti sa pagka-utal niya kanina. His cute.
“Thanks. Subuan mo na ako, kanina pa ako nagugutom.”
Lumapit siya sa'kin kumunot ang noo ko ng amoy alak siya. Sumandal ako sa headboard ng kama habang si Genesis naman ay umupo sa gilid ko. Nilapag niya rin ang tray sa table lamp na nasa gilid ng kama ko. “You smell like a shit.” saad ko sa kanya.“Uhm, I'm sorry, gusto mo maligo muna ako para hindi na ako amoy alak”
“Nope. It's okay, ahhh?"
ngumanga ako tanda ng subuan niya na ako ng sopas. Tumawa siya at kinuha na ang mangkok. Inihipan niya pa ang kutsarang may laman saka niya isinubo ito sa'kin. Marahan akong ngumunguya dahil pati bibig ko ay hindi ko masyadong magalaw kaya kailangan kong dumaldal ng dumaldal upang maibsan ang pagkaparalisado nito. Tumingin ako kay Genesis na pinagmamasdan ng mabuti ang mga pasa ko sa braso.“Epekto ba ng drugs ang mga pasa mo sa braso?”
“Nope, someone hits me earlier, punch me and kick me.”
Hindi lang ako makalaban dahil naunahan nila akong tusukan ng drugs bago nila ako pinagsasaktan kanina sa school. Well, hindi ko naman ugaling lumaban sa mga isip batang tulad nila Queency. Hangga't maaari, tamang iwas lang ang magagawa ko.“I'm sorry. It's my fault. Inutusan ko ang Venênoso Gang na i-bully ka at hindi ko alam bakit kanila tinusukan ng droga.”
“Gang?”
“Yeah. Karamihan sa mga schoolmates natin ay mga gangster. Uhm, gangsters din kami ni Adam. Miyembro kami ng ACES.”
“Anong ACES?”
“Grupo na hawak ng mga Hunterose.”
“Mga Hunterose... Sikat talaga sila noh? Hindi naman sila mga artista pero kilala sila ng buong mundo.”
“Sikat din naman kaming mga Imperial, ah?”
“Oo pero mas sikat pa rin sila.”
“Tsk. Mas gwapo naman ako”
“Hahahahahahah! Sinong may sabi? Alam mo bang si Sky Blade Hunterose ang number 1 na pinakagwapong bachelor sa buong mundo at sinundan ng mga pinsan niya.”
BINABASA MO ANG
Gang's Lethal Lady
RomanceSky is independent woman. She wants normal life and be free. Kaya tumakas siya sa kanila na walang dalang kahit ano maliban sa skateboard niya. After two years of being free and independent. Ang tahimik niyang buhay ay magugulo dahil sa mga lalakin...