Chapter 14

108 9 8
                                    

Sky's POV

Hindi mawala wala ang ngiti ni Adam simula pa kanina ng umalis kami sa private garden dito sa school. Para siyang tangang baliw na nakamit ang gusto niya.

"Adam honey! I missed you so much. Mabuti naman at pumasok ka na."
Sambit ng babaeng kakapasok lang dito sa room namin. Si Queency. Napa 'ohh' ang mga kaklase namin ng umupo ito sa kandungan ni Adam at agad hinalikan sa labi ito. Kumunot ang noo ko. Hindi lang pala brat ang babaeng ito kundi isa ring ewan.

Mga ilang segundo rin ang halikan ng dalawa bago sila tumigil.

"Adam honey, bakit hindi ka gumanti sa halik ko?"
Nag pout pa ito. Kadiri. Habang si Adam naman ay nahihiyang tumingin sa'kin pero ningisihan ko lang ito.

"Siya na ang isama mo sa Dinner date na sinasabi mo."
Sabi ko. Tumingin sa'kin si Queency. Agad itong tumayo mula sa pagkaupo sa kandungan ni Adam.

"Bitch! Bakit nandito ka? And you dare to talk to my honey!"
Malditang sabi nito sa akin. Ang sama pa ng tingin na binibigay niya. Anytime, parang gusto akong patayin.
"Adam honey, kilala mo ba ang babaeng yan? She harmed me kanina!" dagdag pa na sabi nito. Nagsusumbong kay Adam.

"Queency, I knew her. She's my friend. So please, don't bully her."
Saad ni Adam. Tumayo na ako at lumabas sa room.

"What! No way! I'm your only girl best friend! Adam. Nothing else!"
Rinig ko pang pagwawala ni Queency. Girl best friend? Pero naghahalikan sila. Anong tawag doon? Napa-iling ako sa iniisip ko kaya sumakay na ako sa skateboard ko at pinaandar ito ng mabilis.

"Ate Sky! Ate Sky, wait."
Huminto ako sa pag skateboard at nilingon ang tumatawag sa'kin. Sila Caesar. Tinaasan ko sila ng kilay.

"Nakita mo ba si Genesis, ate Sky? Kanina pa namin siya hinahanap pagkatapos ng lunch break pero hindi pa namin siya nakikita."
Sabi niya. Kanina pang lunch break wala si Genesis dito? Kaya pala wala siya sa room. Mag-uuwian na.

"Dati kase nagsasabi siya sa'min kung saan siya pupunta pero ngayon hindi man lang siya nagsabi kaya nag-aalala kami na baka mapaaway siya sa mga kalaban namin."
Sabi ni Astrid. Bakit naman kase hindi nagpaalam ang kupal na yun?

"Saan ba siya pwedeng hanapin bukod dito sa school?"
Tanong ko.

"Tutulong ka sa paghahanap, ate Sky?"

"Tsk. Hindi sana kaso naalala ko utos sakin ng lolo nila na bantayan ko raw ang mga apo niyang kupal."

"Ahh, that's the answers of our questions. Kaya ka pala nakatira sa Mansion ng Imperial dahil inutusan ka ni Don Matthew."
Wika ni Kiwi. Tumango ako.

"Hmm, sige na tutulong ako sa paghahanap sa kanya. Kayo naman, hanapin niyo siya kung saan siya maaring pumunta. Bye, sibat na ako."
Wika ko sa kanila. At pinaandar na ang skateboard ko. Ang tanong, saan ko naman hahanapin ang kupal na yun? Tsk. Bahala na nga.

Third Person's POV

Kung saan saan nga naghahanap ang dalaga munit hindi niya pa rin matagpuan si Genesis. Naabutan na siya ng gabi sa lansangan. Sanay naman siyang maglakad sa gabi kaso hindi niya trip dumaan sa tahimik na lugar at puro puno pa ang nasa paligid.

"Tangna ka! Ang yabang yabang mo kapag kasama mo ang grupo mo! Pero kapag ikaw lang mag-isa! Ang hina hina mo na! Saan na ang tinatawag nilang Great Genesis of ACES!"
Huminto si Sky sa pagskateboard nang marinig niya ang boses na iyon mula sa kakahuyan. Narinig niya na ang boses na iyon dati. Tsk. Sila na naman. Pikit mata siyang pumunta sa kakahuyan.

Matapang ako sa lahat pero pagdating sa gubat. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko.

"Hahhahahahaha! Bugbugin niyo na ang mayabang na yan! Basagin niyo ang bungo niya!"
Nagtago si Sky sa isang puno. Sampung mga bigbike ang nakita niya at mga kalalakihan nakapalibot ito kay Genesis na pasuray suray kung tumayo. May dalang kung ano anong armas ang mga ito. Baril, baseball bat, at meron pang mga katana.

Tinignan niya muli si Genesis, halatang pinipilit lang nitong tumayo kahit hindi na kaya. Nagsalubong ang kilay niya ng sugurin ito ng lalaking may dalang baseball bat na agad namang napigilan ng binata na akmang papaluin ito sa likod. Malakas nitong sinuntok sa mukha ang kalaban. Knock out!
Nagalit ang leader ng Dauntless Gang kaya suminyas ito sa mga tauhan na sugurin ng sabay sabay si Genesis.

Bago pa mapuruhan si Genesis agad ng lumapit si Sky sa binata. Pinoprotektahan ito. Nahinto ang akmang pagsugod ng mga kalalakihan kay Genesis pati ang leader nila ay natigilan. Hindi nila namalayan ang presensya ng dalaga.

"It's you again, beautiful lady."
Wika ng Leader ng Dauntless Gang. Pinagmasdan niya ang dalaga. Walang emosyon ang mukha nito at hindi nakikitaan ng takot sa mata. Napaka neutral ng awra. Hindi nila masabi kung ito ba ay may laban sa kanila o wala.

"Ang lakas ng loob mong magpakita sa'min, Beautiful Lady. Hindi kami marumi lumaban ngunit kung ang isang tulad mo ang nasa harapan naming mga kalalakihan. Ano sa tingin mo ang nasa isip namin?"
Aniya. Ang ilan sa tauhan niya ay nag-iisip na rin ng kung ano anong kahalayan habang nakatingin sa dalaga. Hindi nagsalita ang dalaga munit ngumisi ito. Ngising ayaw nilang makita kahit kailan.

"Believe me, if I started murdering, there'd be none of you left."

Natigilan silang lahat at bumilis ang tibok ng kanilang puso. Ang mga salitang yun. Narinig na nila ito 3 years ago sa taong iniiwasan nilang makasalamuha.

Gang's Lethal Lady Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon