Chapter Eleven

51 7 1
                                    

Matapos yong nangyari kanina ay hindi na kami nagkibuan pa ni Zeref. Hindi pa rin kayang gilingin ng utak ko yong mga nangyari. At hindi pa rin tumitigil ang mabilis na pagtahip ng dibdib ko.  Hindi niya binitawan ang kamay ko hanggang makabalik kami sa hardin, o kahit nakaupo na kami. Binitawan niya lang ako ng pinatawag siya ni Mommy sa loob ng bahay. Gusto ko sanang sumama dahil wala naman akong gagawin o makakausap man lang dito kasi hindi ko naman kilala ang mga bisita, kaso lang medyo naiilang pa ako sa kanya dahil sa nangyari. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako hinalikan. Ayon sa nababasa kong mga stories sa wattpad, hinahalikan lang ng isang lalaki ang isang babae kung gusto niya ito.

Meaning, gusto ako ni Zeref?

Sinampal-sampal ko nang marahan ang aking pisngi. Huminga rin ako ng malalim. Hindi yon mangyayari, napaka imposible. Pero bakit niya ako hinalikan? Wala, trip niya lang ba? Ai, patatas lang, parang mababaliw ako sa kakaisip.

Pero aaminin ko, nagustuhan ko yong halik. Hindi yong, nagustuhan ko siya kasi masarap, ano yun kendi lang? Nagustuhan ko yong feeling. Yong damdaming napapaloob don sa halik. Yon bang parang nilagay yong tuhod ko sa pressure cooker, nakakapanlambot. Kung hindi nga siguro yon agad tinapos ni Zeref malamang hinimatay na ako. Petchay talaga!

"Are you still thinking about the kiss you had with Zeref?"

"Ai, siopao na pusa!!" I looked around then saw Troy smiling from ear to ear. Nakasuot siya ng tux at maskarang berde sa ulo niya.

May lahi ba talaga ang mga Schreaves na mga manggugulat?

He laughed. "You should stop drinking too much coffee. Nakakanerbyos talaga yon."

"Hindi naman ako palainum ng kape,eh. I prefer milk."

Umupo si Troy sa tabi ko. Dito ako iniwan ni Zeref sa isang mesa, his coat still wraps me. At kabilin-bilinan niyang huwag tatanggalin yon.

"Anyways, lets drop the topic about the coffee." tiningnan niya ako ng nanunukso. "So, how's the kiss?"

Naramdaman ko yong pag-akyat na naman ng dugo sa mukha ko sa pagka-alala ng halik na yon. Nakakahiya rin na nakita pala ni Troy yon.

Tumawa siya. "You're blushing. Kinikilig ka te nuh?"

Napayuko ako. "H-hindi no."

"Ayeee. Kaya ka nakatulala kanina kasi iniisip mo pa rin yon no?" tukso niya pa rin sa akin.

"H-ha? H-hindi ah. M-may importanteng bagay l-lang akong inii-isip." sheks lang ,ba't kailangan kong mautal.

"Talaga lang ha."

Yeah, I know he wasn't convinced.

"Troy, bakit hinahalikan ng lalaki ang isang babae?"

kailangan kung tanungin si Troy baka alam niya kung ba't ako hinalikan ni Zeref dahil baka hindi ako makatulog mamaya.

"Dahil gusto ka niya." uminom siya ng juice mula sa baso na ngayon ko lang napansin na hawak-hawak niya. At nilantakan ang pagkaing binilin ni Zeref bago ito umalis kanina. "Alam ko naman na yong gusto mong malaman eh kung ba't ka niya hinalikan eh. Nahiya ka pa." he smiled, lumabas yong dimples niya. Actually Troy is cute and charming. Parang yong mga pangboy next door ang peg. Sa tatlo silang magpinsan na kilala ko na, si Troy yong medyo at ease kasama. Si Shawn kasi napakakulet, si Lian may pagka-reserved kung minsan, minsan misteryoso pero kadalasan may sayad. Si Troy cool lang, bagama't pasaway din minsan, pero siya yong pinakamatino sa kanila. Actually lahat sila pasaway. Pero gusto ko silang lahat kasi masaya silang kasama.

"Impossible naman yon. Baka gino-good time niya lang ako." ayaw kong umasa. Knowing Zeref hindi siya yong tipo ng lalaki na magkakagusto sa isang tulad ko.

Sunsets of LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon