Chapter Sixteen

16 5 2
                                    


(Mavis’s POV)

Pumunta kami ni Zeref sa isang may kasukalang gubat, ito yung parte ng Isla na hindi ko pa napupuntahan sapagkat pinagbabawalan ako ni Mommy Sandra na pumunta rito.

Napakapit ako ng mahigpit sa likuran ni Zeref dahil may kadiliman sa loob ng gubat.

“Ehem, Miss nananantsing ka na ata ah,” sabi ni Zeref

“Maano ba eh sa nakakatakot naman kasi rito eh”, sabi ko naman

“Huwag kang mag- alala Miss, gusto ko naman eh. Sige yakap lang diyan.”

Ako naman tong si Masunurin eh yumakap ng mahigpit sa kanya. Maano ba eh gusto ko rin naman.

Matapos ang ilang minuto ay nakalabas na rin kami sa wakas ni Zeref sa masukal na gubat. Bumungad sa amin ang malakas na ihip ng hangin. Tanaw na tanaw namin ang malawak na karagataan sa lugar kung saan kami naroroon.

Pumanaog ako ng bisikleta ng tumigil kami.

“Sayang, I could have speed down.” Rinig kong bulong ni Zeref.
Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin niya kaya isinawalang bahala ko na lang.

Naglakad ako malapit sa pampang at sinamyo ang sariwang hangin na nagmumula sa malawak na dagat. Ipinikit ko ang aking mga mata upang mas madama ko ang masarap na pakiramdam na mapalapit sa kapaligiran.
Minsan nagkakaroon ako ng pakiramdam na tila baga ako’y isang parte nito. Na tila ba sa naging buhay ko bago ako napunta dito sa Isla ay naging isang napakalaking parte ng buhay ko ang kapaligiran.

Inlove ako hindi lang kay Zeref. I am also deeply inlove with nature.

“We could have brought your art materials. This is such a nice scene to paint, isn’t it?” Si Zeref na ngayon ay nasa tabi ko na.

“Yes, napaganda ng parte na ito ng Isla.” I faced him and looked at him in the eyes. “But I want to spend this time with you. Marami pa namang panahon para makabalik dito at magpinta. I wanna savor this moment first na magkasama tayo. At isa pa anong gagawin mo naman sakaling nagpipinta lang ako rito?”

“I could watch you the whole time you’re painting.” Sabi niya at inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

“Pero mabo bore ka lang sa panonood sa akin.”
Shaks ang lapit lapit ng mukha niya. Pilit kong pinipigilang huminga.

“I will never get tired of watching you,not even when you just sleep 24 hours, because I am so damn afraid that if I lose sight of you, you might just disappear.”

And just when his face is an inch closer to mine tsaka ko naman napakawalan ang pinipigilan kong hininga. Kaya ang resulta, lahat ng lumabas na hangin sa bibig ko ay napunta sa mukha niya na nagpaatras sa kanya.

“Ahhhhh, did you eat that cucumber cake on the table before we left?” reklamo ni Zeref matapos ko siyang bugahan.

“Oo, ang sarap sarap nga eh.”

“That cake is disgusting, And you smelled like that awful food. And you just breathe it right into my face.Ahhh!”maarteng sabi niya.
Actually, sukang suka si Zeref sa cucumber. He finds it awful nga ika niya. So imagine how he felt ng bugahan ko siya. Laugh trip tol!

Natatawa ako sa reaction niya. Para siyang bata. 
“Ang OA Zeref ha.” May pilya akong naisip para mas inisin siya.
“Why don’t you give me a kiss Zeref, as in now na.” Ininguso ko ang aking labi sa kanya.

“No!”

I grinned.
“Di ba gusto  mo akong i-kiss. Oh ikiss mo na ako o.” Lumapit ako sa kanya at siya naman ay lumayo.

“Not when your lips taste like that awful vege.”

“Ah, ganoon. Hahabulin kita ngayon at ipapatikim sa iyo ang awful vege na iyon.”

Tumakbo siya kaya naman hinabol ko siya. Naghabulan kami sa dalampasigan, habang ako ay tawa ng tawa. Ngunit ng malapit ko na siyang mahuli ay bigla naman niya akong kinabig at walang paalam na hinalikan.
Halik na tumagal din siguro ng ilang minuto, at nang matapos ay pareho kaming naghahabol ng hininga.

Nang makabawi ay tinampal ko siya sa dibdib.

“What was that for?” tanong niya.

“Sabi mo ayaw mo akong halikan kasi amoy pipino ako?Huwag mong sabihin kaartehan mo lang na ayaw mo nang pipino?”

He chuckled.
“I was just kidding.I mean I still don’t like cucumber but it won’t stop me from kissing you.Kahit ano pang kinain mo, even if you eat shrimp paste, I will never lose even a single opportunity to kiss you.”

Teka, pweding kiligin mga bess? Ehhhhhhhhh, sa kinikilig ako eh.
“Ehh, Zeref nemen eh.”

“What? What did I do?” takang tanong niya.

“Ano ba yung shrimp paste? Yung pandikit ba yun? Bakit ko naman yun kakainin?” pag- iiba ko nang topic. Eh sa hindi ko masabi sa kanyang kinikilig ako eh, maano bah.

Dinutdot niya ang noo ko.
“Silly, akala ko naman kung ano na. Shrimp paste is bagoong.”

“Ah, ganoon ba? Hehe” nag peace sign pa ako sa kanya.

“And now you are being cute.” Kinuha niya ang kamay ko. “Lets get our things at baka mahalikan na naman kita.” nagpatinuod naman ako sa kanya.

“Bakit nagrereklamo ba ako? Halikan na lang tayo buong araw.” Bulong ng malandi kong sarili.

“You were saying something?”

“Ah wala sabi ko, halikan na. I.. I mean halika na.”

Pero sa isip ko, “Sulitin natin ang araw na’to na magkasama. Walang iba..... kundi tayong dalawa lang.”

End of Chapter Sixteen

Yay! I’m back mga bess!!Thanks for the encouragement that I should finish this story Kath-kath. (I dont know your account and so I cannot tag you.Comment down if you ever read this Chapter,) Because this Chapter is dedicated most especially to you!!! *kisses*

I still need to backread the other chapters to be able to refresh the flow of the story. And I found out that there were parts which are so cliche and korni. Hahaha. So I am planning to edit some chapters when I got the time. Sa ngayon pagpa sensyahan nyo muna ang kaengutan ko sa pagsusulat noon. Hahaha.

Pen






Sunsets of LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon