Chapter Fourteen

48 5 1
                                    

"She wasn't doing a thing
that I could see.. except
standing there,
leaning on the balcony railing,
holding the universe together." -J.D. Salinger

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kagabi. Parang panaginip pa rin na malaman na mahal ako ni Zeref. Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako. Mabilis pa rin ang pagtibok ng aking puso at parang gusto kong tumambling sa sobrang kaligayahang aking nadarama.

Tiningnan ko ang kamay ko.
Ang singsing na ito ang magpapatunay na hindi lang basta panaginip ang lahat ng iyon.

Nang akayin ako nina Shawn at Lian sa dalampasigan kagabi akala ko andon talaga si Zeref. Pero iniwan lang nila ako doon at sinabihang hintayin si Zeref. Gumawa sila ng bonfire. Matagal akong naghintay, nong dumating naman sila kasama si Troy at Penreal ay may pinagawa naman sila sa akin. Magdrama daw ako ng parang pinahihirapan, na parang hindi ko na daw kaya, kailangan ko daw makumbinsi si Zeref na tulungan ako, at kahit nagtataka ay sinunod ko sila. May tiwala kasi ako sa kanila. Lalo pa't yon lang daw ang paraan para makita ko si Zeref.
Si Zeref!
Hindi pa rin humuhupa ang excitement, ang kagalakan at ang kaba sa tuwing naaalala kong ikakasal na kami.
Kaya kong makipagkompetensya bilang 'pinakamaligayang tao sa mundo' sa mga oras na ito.

I love Zeref. Hindi ko yon maamin noon, hindi kasi ako pamilyar sa ganoong feeling, parang ngayon ko lang yon naranasan. Marahil kahit sa nakaraan ay hindi ko pa naranasan ang umibig. Pero ngayon, halos ipagsigawan ko sa buong Isla ang isinisigaw ng aking damdamin.

Tuwang-tuwa rin si Mommy Sandra at Lolo Max (o, diba nakiki lolo na,haha) sa pagpapakasal namin ni Zeref. Pero pinagtataka ko na iyak ng iyak si Mommy kagabi. Maligaya ba talaga siya na ikakasal kami? Bigla tuloy akong nag-alala.

Biglang may yumakap sa akin mula sa likuran. "Himala, hindi ka ata nagulat ngayon." si Zeref yon. Hinalikan niya yong balikat ko at isinandal ang ulo niya rito.
Nandito kami ngayon sa balkonahe sa kwarto ko, nakaharap sa dagat.

"Kanina pa kasi kita hinihintay." kahit kasi buong gabi kaming magkasama sa party kagabi ay namiss ko pa rin siya. Epekto na rin yon siguro ng mga itinagong damdamin na ngayon lang nailabas.

"Namiss mo ako agad?" tanong niya. Ba't ang galing niyang manghula ng iniisip ko.

"Ah-eh. Hindi no." kakahiya naman kung aamin ako.

"Talaga lang ha. Aalis na lang muna ako." akmang tatalikod na siya ng pinigilan ko siya sa isang braso.

"Oi, saan ka pupunta?"

Hindi siya tumingin sa akin, itinuon lang niya ang paningin sa dagat. Halatang nagtatampo siya.
"Aalis ako, bakasakaling ma-miss mo ako." pasuplado niyang sagot.
Heto na naman po si Mr. Sungit. Kuu, kung di ko lang mahal tong mamang to.

"Matampuhing bata." niyakap ko siya, ng mahigpit na mahigpit, yon bang parang mapipisa ang mga pandesal niya sa tiyan. "I miss you, Zeref." gumanti siya ng yakap.

"I miss you, too."
Matagal kami sa posisyong iyon. Nakayakap kami sa isa't isa, kontentong kontento na kami'y magkapiling.

"Masarap pala yong ganitong feeling." nakabalik na kami sa una naming posisyon. Yong nakatalikod ako sa kanya habang yakap yakap niya ako mula sa likuran, at hawak namin ang kamay ng isa't isa. Parang wala na kaming mahihiling pa ng mga oras na ito.

"Kinakain ba yong feeling na yan?Ba't masarap?" biro ko.

"Hindi ko alam kung nagpapatawa ka lang o tanga ka talaga nuh." mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Halatang nanggigigil siya.

Sunsets of LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon