Chapter Two

73 6 0
                                    

<Phyllia's POV- Point Of View>

     "Phy, dali magbihis ka, may pupuntahan tayo." it's kuya Gadj, aside from being the band's basist ay pinsan ko rin siya kaya nakakaya niyang maglabas masok sa bahay namin. Btw, ang pangalan ng banda namin ay Chili Pepper. At yan ay bunga ng mapaglarong isipan ng author na tinamaan ng saltik at naisipang gawing pangalan ng banda ang kasalukuyang agahan niya, ang purefoods Chili Pepper luncheon meat. Okay na rin yon kaysa Luncheon Meat ang pinangalan nya sa banda.

I'm in the salas busying myself with some paperworks and artworks. Nagkataon kasing maraming nakabinbin na trabaho sa office plus may mga kailangan pang tapusin na mga artworks para sa gaganaping Art Exhibit next month.

I'm working as an art consultant and art director sa isang gallery, ang Phil Gal or Philippine Gallery. Isa itong Art Museum con organization. At next month may gaganaping art exhibit, isang auction for a cause kung saan kailangang magcontribute ng art works lahat ng members at staffs ng PhilGal. And as the art consultant ay maraming nakaatang sa akin na trabaho plus kailangan ko ring magcontribute ng art works.

Kaya nakakainis itong si kuya Gadj kasi iistorbohin na naman niya ako.

     "Kuya can't you see, I have tons of work? Please, maawa ka, huwag mo muna akong kidnapin mula sa mga trabahong ito, kasi masisiraan na ako ng ulo."

     "Matagal na sira ang ulo mo, kaya tara na."yeah, that's my kuya.

He helped me get up and fix my things. I'm not use to doing my works in the sala. I prefer my room and my little art room sa attic. Pero walang tao ngayon sa bahay aside from me. So, I need to stay in the sala para may magbantay sa bahay. Kasi pag nasa art room ako siguradong hindi ko mapapansin kung may nangyayari rito sa baba. My art room was designed with sound proof para hindi ko marinig ang mga ingay sa labas niyon at nang makapagconcentrate ako sa mga ginagawa ko. Yeah, talking about the weirdness of an artist

     " Kuya naman eh. Matatambakan na naman ako nang deadlines nito. I hate you."nakalabing sabi ko

He pinched my nose then smiled.

     "So cute, cousin, pero alam ko matutuwa ka sa pupuntahan natin. You will surely thank me for this at ililibre mo ako ng samalamig dyan sa kanto. "ngisi niya

     "Siguraduhin mo lang kuya, alam mo namamg ginto ang katumbas ng bawat oras ko."

     " Oo na, kaya hayo na at magbihis at baka ang mga ginto maging bato pa." taboy niya sa akin

Instead of following his order ay pinagpag ko lang yong suot kung shorts at iniligpit yong mga gamit ko.

     "Lets go?"

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

     "Problem?"tanong ko

     "Sabi ko magbihis ka."

     "Nakabihis na ako kuya, okay nato. Dapat bang nakagown sa pupuntahan natin?"

Napailing iling siya." Atleast wear a decent attire."

Ano ba problema sa suot ko?

I'm wearing a black shirt with a print, 'Artist on work', naka cargo shorts at white sneakers.

     "Disente to kuya. Yong gown na may slit na umaabot hanggang baywang at tapyas ang likuran, yon ang hindi disente. Kaya tara na. " aya ko sa kanya at hinila siya sa pintuan. My family will be out for a week kaya walang problema kung iiwan ko yong mga gamit ko sa salas.

     "What?" tanong ko nang hindi pa rin sya tumitinag sa kanyang kinatatayuan.

     "Okay, just fix your hair." sabi niya

Sunsets of LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon