When I'm on my way to the attic ay nakasalubong ko si Mommy. She was worried dahil hindi daw niya makita si Mavis. I just told her that she went to her room to get something. She did mention about our engagement this night.Sinabi kong mamaya na lang dahil may malaking sorpresa pa akong inahanda. Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang ideyang yon, hindi ko lang gustong mag-alala siya lalo na pag nalaman niya ang tungkol sa kalokohang ginawa nina Penreal. I'll just need to fix this mess first. And the surprise? I'll just cross the bridge when I get there.
Nang marating ko ang attic ay binuksan ko agad ang ilaw. Hoping that Mavis will appear and everything will get back to normal.
Pero imbes na isang Mavis ang makita ko ay isang malaking regalo ang bumungad sa akin.
It was a rectangular gift.Sa tantiya ko ay mga isandaang sentimetro ang taas nito. Nilapitan ko ang regalo at agad napansin ang papel sa gitna nito.To: Zeref
Happy Birthday!!
From: MavisSo this is her gift? Pero ayaw kong magpakasigurado dahil baka pakulo na naman ito ng mga pinsan ko.
I opened the gift tutal para sa akin naman ito.
When I finally unwrapped the gift, I saw the most beautiful portrait that my eyes laid upon. It's not because it was a portrait of me but because it was done beautifully. Parang totoong-totoo ito. Gusto kong matawa dahil sa unang pagkakataon sa tanang buhay ko ,ngayon ko lang mas napahalagahan ang pisikal na kaanyuan ko. Nakikita ko ang ningning sa aking mga mata sa larawang iyon. Ang katuwaan sa akin sa mga sandaling iyon ay hindi masisilayan sa aking mga labi ngunit mababanaag sa aking mga mata.Kailan ba kinunan ang larawang pinagsundan nito?
Dahil laging ibinibida ni Mommy si Mavis ay alam kong nagpipinta siya. Kaya malaki ang posibilidad na siya nga ang nagpinta sa larawang ito.
And though, I know how talented my cousins are, none of them could paint a portrait as beautiful as this one. And I doubt it if any of them would be willing to spend much money for this prank. This is one hell of a million worth of painting. And only Mavis can do this.Natutuwa ako sa isiping ako lang ang iniisip ni Mavis habang ipinipinta niya ang larawang ito. At nagagalak ang aking puso sa malaking effort na ginugol niya para mabigyan ako ng espesyal na regalo, kahit pa palagi akong suplado sa kanya. Walang katumbas na halaga ang kaligayahan nadarama ko ngayon.
Napansin ko ang pangalang nakaguhit sa ilalim ng larawan.
with love,
Mavis
040615with love...
I smiled.Hindi pa rin ako makaget over sa regalo ni Mavis ng bigla namang nagring ang cellphone ko.
"Hello Zeref? Nagustuhan mo ba ang regalo ni Mavis? Ang sweet niya talaga nuh? At talented pa gaya ko. Bwahahaha." it was Penreal on the other line.
"By the way, kami nga pala ang nagwrap ng regalong yan so you owe us 50pesos for the wrapper.""Where is Mavis, Pen?" tanong ko.
"Sa puso mo."
What?
Bigla na lang sumikdo ang puso ko. Parang may isang paa na sumipa mula sa loob niyon.Sa puso ko?
Bakit magandang isipin na si Mavis ang nilalaman ng dibdib ko?
Sh*t I'm going crazy."Natahimik kana diyan. Did I hit home, cousin?
Aminin mo na kasi ang tunay na nararamdaman mo, para hindi kana namin pahirapan pa. You'll get to see Mavis in a jiffy.""Stop this stupid game Pen."
Tumawa siya.
"Not as easy as that Zeref. And mind you, when this game is finally over, you'll realize that this is not stupid afterall."
then she ended the call again in a flash.
BINABASA MO ANG
Sunsets of LOVE
Teen FictionDo you know where the sun sets? Do you know when love ends?