Chapter One (yong totoo na)

116 6 0
                                    

"Phyllia, nandyan kana pala?" ani Togs na ang totoong pangalan ay Mistogan. Isa sa mga kabanda ko, at siyang ka edad ko sa lahat.Btw, i'm Phyllia Sophia Cordero, maganda, sexy at matalino, pero syempre pa lahat ng yon ay gawa gawa lang ng author.

     "Ah, wala pa ako rito, nasa bahay pa ako." sabi ko naman

     "Ah ganon ba, nasaan na ba pako at martilyo ko at nang mabutas ko ang gulong ng Ducating ito." tukoy ni Togs sa motor ko.

     Pinamaywangan ko siya.

     "Subukan mo lang at nang ang utak mo naman ang bubutasin ko." tawa lang ang isinagot niya.

Tiningnan ko yong Ducati ko. Medyo old fashioned na pero dahil sa mga ka echengan na ginawa namin ni Togs eh, nagmukha itong brand new BMW superbike.

     "Kamusta si Jelal?"tanong ko kay Togs. Yong ducati ko yong tinutukoy ko. Jelal kasi ang ipinangalan ko rito. Or rather malaki lang talaga ang pagkahumaling ng author sa anime na Fairy Tail.

     "It's in good shape. Grabeh talagang alaga mo rito nuh. Pakasalan muna kaya 'to." -si Togs

Kinuha ko yong susi sa backpack ko tapos sumakay na ako sa ducati ko.

     "Hindi pwedi, baby pa to eh."sagot ko kay Togs.

Pagkuwan ay sumakay na rin siya motor niya.

     "Paunahan?"aya niya

     "Baka kumain ka ng usok."sagot ko at pinasibad na namin ang aming mga superbike.

»Pagkarating namin ni Togs sa bar and resto na tinutugtugan namin tuwing Sabado ay kompleto na ang grupo. Hindi naman sabado pero tinipon kami ni Kuya Gab na syang vocalist ng banda para sa isang meeting daw. Siya rin yong may ari ng bar and resto.

     "Oi, mga 'tol, dumating na pala yong prensisita natin at ang kanyang dakilang alalay."sabi ni Kuya Cj, ang lead guitarist ng grupo.

     "Don't call me prensisita Mr. Chief Justice. You know that I dont want to be called such."sabi ko

     "I'm not referring to you. Si Togs ang prensisita at ikaw ang dakilang alalay."tukso niya sa akin

     "Okay lang, ikaw naman ang tagahugas niya ng buntot."ganting tukso ko sa kanya.

     "Hoy, Phy, anong buntot, 'ala akong buntot nuh"si Togs naman yong sumabat.

Umakting akong nagulat.(*O*)??

     "Hah?Eh, ano yang tawag mo sa nasa likuran mo. Dali hawakan mo."

Hinawakan naman nito ang likod, tapos tiningnan ako nang masama.

Tawa lang itinugon ko sa kanya.

Ai, baliw talaga tong si Togs, eh nuh, hinawakan talaga ang likuran.hahaha

     "That's enough kids."tigil samin ni Kuya Gadjil, the band's basist.

     "Kung makatawag ka namang kids sa amin, Kuya Gadj, wagas ha." si Togs

Hamo tong si Togs may pagkabakla rin minsan, alam ang wagas.

     "Yaan mo na Togs,gurang na kasi yang si Kuya Gadj."-ako

     "Bawas TF mo. 50% "saad niya sabay abot ng canned drinks kay Kuya Gab at Kuya Ali, our pianist. Bale ako yong drummer, si Togs naman yong isa rin sa mga vocalist at minsan nakikigulo sa mga nanggigitara.

     "Gawin mo nang 100% kuy, nahiya ka pa."-ako

     "Huwag na,baka umiyak kapa." inabutan niya ako ng baso. "Gatas mo."

Tuwing nagsasalu-salo kami o lumalabas kapag may gigs kami, gatas o juice lang iniinom ko habang ang kanila nama'y alak o beer. Mababa kasi yong tolerance ko sa alak at ayon sa mga kalokoy kong mga kuya, nene pa daw ako kaya bawal sa akin ang hard drinks.

     "Thanks kuy." ininom ko yong gatas.

Hmmmm... the best talagang magtimpla ng gatas si Kuya Gadj.

Tumayo si Kuya Gab sa harap namin. As the band's lead vocalist at manager na rin, sanay na kaming siya palagi yong nag uumpisa ng meeting.

Pero may kakaiba eh. Ngiting-ngiti kasi sya. Parang inlove na namaligno.

     "I have a special announcement to make." sabi niya, malapad yong pagkakangiti nya. Yon bang mapupunit na yong labi sa ngiti ||pagmamalabis,mehehe||.

Kuya Ali raised his hand.

     "I second the motion. Este may announcement din ako. Pero mauuna muna si Gab." aniya

What ? Pati tong si Kuya Ali kakaiba rin ang ngiti.

     "I'm getting married." -si kuya Gab

     "And I'll be proposing tonight." -si kuya Ali

Uwaaaah! inLABabo nga ang dalawa. Kakalerkey! But ,eym so happey for theym. Sheyt nemen anong nengyeyere.wehehe

     "Congratulations!!!" sigaw ko

Kung meron mang masayang-masaya sa amin ako na yong pinaka. Sa wakas, sumuko na rin ang dalawang kuya ko sa kaway ni Kupido.

     "We're very happy for both of you." sabi ni kuy Gadj

     "Sa wakas, itatali na rin kayo." sabi ni kuya Cj. Tapos tinapik sa balikat sina kuya Gab at kuya Ali.

Yumakap naman si Togs sa kanilang dalawa.

Haha, baklang bakla talaga... pero parang gusto kong jumoyn.

"Ei pa-join ako dyan", sabi ko. Then we ended up with a group hug.

When the hug ended I get the glass of my milk, then raised it to make a cheers.

"Lets cheers. Para sa habang buhay na paghihirap ng dalawa kong future ate sa piling ng dalawa kong makukulit na kuya"

Itinaas din ni kuya Gadj yong drinks niya.

     "Para sa nalalapit na pagiging best man ko."aniya

     "Para sa nalalapit na pagiging ninong ko." sabi ni kuya Cj.

     "Para... parang wala na akong masabi." si Togs naman ang humirit at napakamot na lang ng ulo. "Ah para sa nalalapit na pagtitino niyo mga Kuya."

Kuya Ali smiled then raised his drinks as well.

     "Para sa akin" simpleng sabi niya

     " At para sa akin"- si kuya Gab.

     "Cheers!!" at napuno ng ingay ang parte na yon ng resto.

Hai, pag-ibig...nakakalerkey

<3

end of chapter one

||hello po,

I'm Penreal Vanity! Bow!Ako po yong inyong konsensya, na siya ring magpapasakit ng ulo niyo sa mga simpleng hirit ko.

Ako po ay lubos na nagagalak sa inyong pagtangkilik sa aking katha na dala lamang ng walang hamas na pagsakop ng mga dayuhang ideya sa aking munting utak. (huh! nosebleed)

Hindi po maarok ng aking isip(opo may isip po ako, pero konte lang.mehehe) kung bat nyo napagtiyagaan ang aking kabaliwan, pero subalit datapwat ako'y taas kili-kiling nagpapasalamat. Mahal ko po kayo \(^_^)/ ||

Sunsets of LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon