>>>>>>>
author's note:
Before we proceed, just to inform you, I (the character Penreal) call Troy 'Van' most of the time so huwag na pong maguluhan kung sa mga susunod kong updates eh may Van na pangalan na lulusot. Lian is also Dean, and Shawn is also Zero. This is in relation to the series I'm making. But anyways, one thing is for sure, they're all part of the series, so they'll have their own stories. Pero sa ngayon, bigyan muna natin ng pagkakataon ang tatlong saging na ito na maghasik ng lagim sa kwentong ito at sa mga susunod ko pang kwento, kasama ang inyong lingkod. Shing, shing!
Zeref's POV
Nang sabihin sa akin ni Troy na kinidnap si Mavis ay bigla akong nataranta, his acting was so convincing pero ng malaman kong si Penreal ang tumawag sa kanya non nasisigurado kong hindi totoo yon. Not that I don't trust my own cousin, yes Penreal is also our cousin, pero basta't nagsama-sama ang apat na yon paniguradong may gulong dumadating. And now, I'm more worried because Mavis is with them. They all have the capacity to do something ...to mess up everything.
Ahhh, makakatikim sa akin ang apat na yon mamaya.
For sure kasama na nila ngayon si Troy, dahil nang malaman nitong nabuko ko na ang plano nila ay bigla-bigla na lang itong nawala. Which adds up to my anger. Ngayon ay hindi ko alam kung saan ko sila hahanapin.
Nag-ring ang cellphone ko.
Unknown number ang nakaregister.
"Hello,"
"Hello" boses lalake ang sumagot, kahit pinalaki pa niya ang boses ay alam ko naman na si Shawn ang kausap ko. "Kung gusto mong makitang buhay ang pinakamamahal mo, maghanda ka ng isang milyon-"
"Limang milyon" I know it was Lian's voice in the background.
"Sampung milyon." it was Troy's.
"Okay, Limang daang piso na lang dahil baka lumaki ang buwis na babayaran namin. Maghanda ka ng limang daang piso, gusto ko coins lahat para mapuno ang piggy bank ko."
"At chicken joy." it was Pen's voice, malamang siya ang pasimuno ng lahat ng ito.
"At chicken joy pa daw bilang ransom. Bibigyan ka namin ng hanggang sampung bilang. Isa, Dal-"
"I really don't have time for your silly games Shawn. Nasaan si Mavis?" inis na sabi ko.
They are all acting like kids. This is their stupid game, their favorite hobby:messing up.
"Hindi ako si Shawn. Ako si Waldo, at heto ang boss namin, siya ang kausapin mo."
"Ai, ampalaya ka ba't sakin mo pinasa, o Pen ikaw ang boss diba?" rinig kong reklamo ni Troy.
"Amina na nga." It was Pen on the line."Hello, Zeref Lawliet Schreave. Na sa amin ngayon ang pinakamamahal mong babae, kung ayaw mong ipadeport namin siya sa Mars, susundin mo ang lahat ng ipapagawa namin sa'yo."
"Penreal, stop playing games, okay. Huwag nyong idamay si Mavis sa mga kalokohan niyo."
"I'm not Penreal, I'm Madam P. At huwag na huwag kang magkakamaling balewalain ang mga ipapagawa namin dahil mawawala si Mavis sa'yo ng tuluyan."
Mawawala si Mavis ng tuluyan.
Parang tinamaan ako sa sinabi niyang yon. Parang nabalutan ng takot at lungkot ang puso ko sa isiping mawawala ng tuluyan si Mavis.
"Sh*t Penreal, stop this."
"Don't you dare try to combine my beautiful name with a curse again, Zeref. Anyways, akyatin mo ang mt. everest, kung tinatamad ka naman ang attic na lang ang akyatin mo. Do it Zeref o hindi mo na makikita sa Mavis kailanman. Ang attic Zeref, malay mo andon ang hinahanap mo."
toot-toot.
Sh*t! They're crazy!
Alam kong isa lamang ito sa mga laro ng mga baliw kong pinsan, pero wala akong magawa kundi ang sumunod dahil alam na alam ko rin ang kapasidad nilang tuparin ang sinasabi nila.
Yes, I must admit,
takot akong mawala si Mavis.End of Chapter Twelve
BINABASA MO ANG
Sunsets of LOVE
Teen FictionDo you know where the sun sets? Do you know when love ends?