:Mavis' POV:
Naghahanda ako ngayon para sa lakad namin ni Zeref. Wala siyang sinabi kung saan kami pupunta pero sinabihan niya lang akong magsuot ng kumportableng damit.
I chose a sunny yellow dress with autumn orange prints, nasanay na kasi akong magsuot ng dress kasi palaging ganon ang binibili ni Mommy Sandra para sa akin, tinernuhan ko yon ng light orange flats. I don't know anything about fashion but i just love wearing light-colored dresses. Yong mga kulay na napaka-nature, sky blue, green, orange, yellow , and the like.
It reminds me so much of how close I am with nature.Inilugay ko yong may kahabaan kong buhok kasi hindi naman mainit. Lagi ko kasi itong tinatali. Nagpulbo lang ako at nagspray ng pabango tapos lumabas na ng kwarto ko.
Nabungaran ko si Zeref sa pinto ng kwarto ko, akmang kakatok na sana siya.
"Hi," sabi ko ng hindi siya umiimik.
He smiled then kissed me on my cheek. "I miss you."
"Adik ka ba? Diba kanina lang magkasama tayo?" si Zeref talaga minsan may pagka engs rin eh nuh?
"Hala, huwag mong sabihing hindi ikaw yong kasama ko kanina?"Dinutdot niya nang marahan ang noo ko.
"Engot! Ano ako may doppleganger? Tsaka, bawal ka bang mamiss agad?"Ang Zeref na'to talaga pinapakilig ako. Shakeys lang.
"Ah, hindi naman. Namiss rin kasi kita." amin ko tapos napayuko na lang ako. Nahihiya pa rin kasi ako kay Zeref hanggang ngayon.
"Tell me those words while looking at me straight in the eye." naramdaman ko ang pag angat niya sa mukha ko kaya wala akong magawa kundi ang makipagsabayan ng titig sa kanya.
"I miss you, Zeref. And I love you." I sincerely said. Wala siyang naging reaksiyon, tiningnan niya lang ako sa mata marahil binabasa ang sinseridad sa aking sinabi.
"I love you,too."
Then wrapped me in a tight hug. Kahit sa mga simpleng gestures na ito nararamdaman ko ang intensidad ng damdamin ni Zeref. At sa tuwina'y para akong ice cream na natutunaw.
"Lets go." akay niya sa akin. Nagtungo kami sa kusina, kinuha niya ang nakahandang picnic basket at isinuot ang kanyang backpack."Magpi-piknik tayo?" tanong ko sa kanya matapos kaming magpaalam kay Mommy Sandra.
"Hindi, magma-mall tayo."
sabi niya na parang may tono pa ng tsk sa huli."Eh, ba't may dala tayong picnic basket, diba dapat grocery cart?"
Alam ko yong mga yon dahil paminsan minsan sinasama ako ni Mommy Sandra sa pag-go-grocery sa kabilang isla."Since the time I have accepted the fact that I love you, I started to doubt my common sense really. Hindi ko na alam kung sino ang baliw sa ating dalawa."
Huh?Ano daw?
"Ahm, Zeref pansin ko lang ba't iba ang sinasagot mo sa tanong ko?""Kasi ang lakas mong makapababa ng IQ."
"Ha? Alam mo Zeref, gutom lang yan."
He chuckled.
"Yeah, I guess so. "Sumakay kami ng bisikleta. Yong gaya ng mga bisikleta sa Korea. Nilagay ni Zeref yong basket at bag niya sa unahan ng bike, at habang nagbi-bisikleta siya ay naka-angkas naman ako sa likuran niya habang yakap-yakap ko siya.
Parang eksena lang sa koreanovela, kulang na lang yong mga dahong nalalagas mula sa puno.
"Zeref, para tayong si Jenny at Johny sa Endless Love nu?"
"Sino yon? Mga character na naman ba yan sa anime na pinapanood mo?"
"Hindi ah. Endless Love, yong korean drama. May CDs kasi non si Lenny kaya pinanood namin. Dalawa nga yong series, may Endless Love Autumn in my Heart at yong Winter Sonata. Pero mas gusto ko yong Autumn in my Heart, mas nakakaiyak kasi."
"Baliw ka talaga eh nuh. Nakakaiyak na nga gusto mo pa."
"Eh, anong magagawa ko, eh sa mas tagos sa puso yong nakakaiyak."
"Alam ko." Then he was silent.
"Pero alam mo Zeref, hindi ko gusto ang ending ng story." sabi ko pagkuwan.
"Bakit naman?"
"Kasi yong bidang babae namatay dahil may sakit siya." natahimik uli siya.
"Napaisip tuloy ako, kahit gaano katindi ng pagmamahalan ng dalawang tao, maghihiwalay at maghihiwalay pa rin sila." I sighed. "Wala talagang forever nuh?"
"Meron.
"Ha? Asan?"
"Tayo. Gagawin nating forever ang relasyong ito." nagulat ako sa sinabi ni Zeref.
Hindi ko alam na ang isang gaya niya na suplado, seryoso at hindi palakibo ang mga klase pa ng tao na maniniwala sa forever.
Iba talaga ang epekto ng pag-ibig. Pero masaya ako at narinig ko ang mga salitang yon mula kay Zeref, dahil sa totoo lang minsan na akong naniwala na walang forever. But with him I might as well change my mind.Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko mula sa likuran niya, as if I'm giving him some assurance.
"Yes Zeref, will make this last forever."
===========================
End of Chapter Fifteen||
Yeah, I know it took me quite a long time to update. Sorry! Kung hindi pa dahil sa isang bata na walang kasawaang nag-PM sa akin ng UPDATE PLEASE!! eh hindi pa sana ako makakapag UD. Thank you so much Krung-krung!! (yon daw ang itawag ko sa kanya.) Dahil sa'yo nalaman ko na may kwenta pa pala ang istorya ko at may reader pa pala ako.lol! But really thank you. *hugsss*At sa'yo rin, oo, IKAW, ikaw na nagbabasa nito, oo ikaw talaga swear, paulit ulit? Dahil nakaabot ka sa parteng ito ng kwento ibig sabihin nabasa mo ang buong Chapter na ito. Salamat sa paggugol ng oras. Tambay ka uli rito ha. Kwentuhan uli tayo.
Mahal kita.
^Pen
BINABASA MO ANG
Sunsets of LOVE
Fiksi RemajaDo you know where the sun sets? Do you know when love ends?