< Mavis' POV>
Maaga akong nagising ngayon. Excited kasi akong tumulong sa paghahanda para sa birthday ni Zeref.
Yes po, today is Zeref's Special Day.
At excited na excited ako dahil... dahil may gaganaping party. Parteh-parteh, PAR-Teh, PAR-Teh, PAR-Teh.
*confetti shower*
Ngayon lang kasi may gaganaping party sa mansion nina mommy Sandra simula ng dumating ako. Hindi ko maalala kung ano ang nangyayari pag may party, basta ang alam ko masaya yon.
Tinungo ko yong kusina, doon ako makikigulo. Minsan na akong nakapagluto ng lasagna at nasarapan non si mommy Sandra kaya ngayon ako ang nakatuka para magluto non, gagawa rin ako ng baked sweety mavis bites.
Ofcourse named after me kasi sabi ni mommy ako daw nakadiskubre non. Isa yong baked cookie cake bites. Cake na gawa mula sa dinurog na cookies at caramelized chocolates, na may mga chocolate candies and sprinkles, at kasing liliit lang nang mga macaroons kaya bites ang tawag.
"Hello po. Magandang umaga." bati ko sa mga tao sa kusina.
"Goodmorning din po mam Mavis"
balik na bati nilang lahat.
Pinamaywangan ko sila, tapos magtataray ako kunyari, pero syempre jo-jokin ko lang sila.
"Ilang ulit ko bang sasabihin sa inyo na huwag nyo akong tawaging Maam. Kasi hindi ako guro. Ang itawag nyo sa akin Reyna Mavis." sabi ko na punung puno ng ekspresyon. Tapos tumawa silang lahat.
Hai, as usual hindi naman bumenta sa kanila yong mga jokes ko. Pero come to think of it, tumawa na man sila diba.?"Mavis hija, ikaw talagang bata ka, lagi mo na lang kaming pinapatawa." sabi ni Manang Anne, yong magaling na kusinera nina Mommy Sandra.
"Oo nga Mavis. Kahit corny parati, nakakatawa pa rin. Hahaha. Push mo pa teh!" si Lenny, yong kalaro ko rito.
"Pano na lang kami pag nawala ka, Ma'am Mavis." sabi ni Mang Troy, ang driver nina Mommy. Na kasalukuyang nagkakape rito sa kusina.
"Ano ba yang sinasabi mo Troy. Hindi mawawala si Mavis sa atin. Parang anak na yan ni maam Sandra gaya ni Zeref." si Aleng Gloria, ang asawa ni Mang Troy. Siya yong isa sa mga unang nakakita sa akin sa dalampasigan na walang malay.
"Pero alam mo Ma'am Mavis, bagay kayo ni Sir Zeref. Gwapo siya, maganda naman kayo. Tapos pareho kayong matalino. Mabait ka, si Sir zeref naman kahit medyo hindi palangiti mabait rin naman."
" Hindi naman po kami bagay ah. Tao po kami, diba? Kayo talaga Manang,o.haha" oo nga, bakit kaya nasabi ni Manang Martha yon.
Tumawa rin yong mga tao sa kusina.
"Oo., nga naman Martha. Ikaw talaga, yang bunganga mo." pinandilatan siya ni Mang Troy na ikinatawa naming lahat.
"Tama na nga yan. Halina kayo. Mag umpisa na tayo at marami pang gagawin. Mavis, yong lahat ng kakailanganin mo nandiyan na lahat sa lamesa. Kung may kulang pa, ipagbigay alam mo agad, ha hija. Si Lenny na ang tutulong sa'yo."
Tiningnan ko yong mga gamit at ingredients sa mesa. Mukhang kumpleto na naman.
"Okay na po to Aleng Gloria. Salamat po."
"O, siya sige at kayo nang bahala rito ni Lenny ha. Doon kami magluluto sa dirty kitchen. "
"Opo Aleng Martha."
Kami na lang ni Lenny yong naiwan sa kusina kasi lahat sila ay pumunta ng dirty kitchen.
"Alam mo Mavis, maraming bisitang darating ngayon. Balita ko kasi yong mga kaibigan ni Sir Zeref eh pupunta rito. Tapos yong lolo at mga pinsan niya pupunta rin."sabi ni Lenny pagkuwan.
BINABASA MO ANG
Sunsets of LOVE
Fiksi RemajaDo you know where the sun sets? Do you know when love ends?