Chapter Seventeen

15 5 3
                                    

Mavis's POV

Ginugol namin ni Zeref ang buong maghapon sa pagkain, pamamasyal, at paghaharutan. Harutan talaga nuh. Hindi kasi kami makaligo sa dagat sapagkat wala naman kaming dalang bihisan. Kaya pinagkasya na lang namin ang aming mga sarili sa pagku-kwentuhan.

Marami akong nalaman tungkol sa kanya, sa trabaho niya, sa mga kaibigan niya (na ang ibig sabihin ay ang mga business partners niya), sa naging buhay niya noong maliit pa siya. Pero isa lang ang tumatak sa isip ko, ang katotohanang naging masuwerte siya sa kanyang pamilya. Sa Lolo Maxon niya, sa kanyang ama, sa mga pinsan niya at lalong lalo na kay Mommy Sandra.

Naisip ko tuloy kung anong klaseng pamilya mayroon ako bago ako napadpad sa Isla. Mahal ba nila ako, mababait din ba sila, wala ba akong nakaalitan sa kanila. Kung buhay pa ba ang mga magulang ko, kung may mga pinsan din ba akong katulad nila Troy, Van, Lian at Pen. Kung mayroon pa ba akong pamilyang uuwian kung sakaling bumalik ang alaala ko.

Nakakalungkot isipin na kahit isang ala-ala ay wala ako tungkol sa naging buhay ko. Subalit sa tuwing naiisip ko kung gaano ako kaswerte at nabuhay ako at napadpad sa mga taong nagbibigay kulay sa mundo ko ngayon, lubos lubos ko itong ipinagpapasalamat sa Poong Maykapal.

Tinunghayan ko si Zeref sa tabi ko. Nakatulog siya matapos naming magkwentuhan.

Dinama ko ang pisngi niya ng palad ko. Masarap isipin na ang lalakeng tinutunghayan ko ngayon ay maaari kong makasama habang buhay. Sabay naming aabutin ang mga pangarap namin. Sabay naming bubuuin ang pamilya namin. Sabay naming papatunayan sa mundo na MAY FOREVER. Hindi man sa mundong ito pero sa mundo sa kabila nito.

Nakakatakot ang maaaring maganap sa mga sumusunod na araw. Walang katiyakan kung kailan babalik ang ala-ala ko. Minsan nga naiisip ko na sana nga huwag nang bumalik ng ala-ala ko para wala nang aalahanin pa. Ngunit alam kong hindi ako magiging tunay na buo kung hindi ko ma-aalala ang nakaraan ko.

Inilipat ko ang aking tingin sa malawak na dagat. Malapit nang dumilim at papalubog na ang araw. Sa parteng ito ng isla ay kita rin ang sunset.

Sunset, isa sa mga bagay na gustung- gusto ko. Lagi kasi nitong pinapaalala na sa bawat araw na matatapos ay may bagong bukas na paparating upang itama ang lahat ng pagkakamali at magpatuloy sa buhay. Hindi ibig sabihin na kung papalubog na ang araw sa ating buhay ay dapat na tayong mawalan ng pag- asa.

Napakaganda ng sunset ngayon. Maraming kulay ang naghahalu- halo. Purple, pink, blue, orange, violet, fuchsia.. Miminsan ko lang makita na magkasabay sabay na nagsama ang mga kulay na ito. Magiging espesyal ang araw na ito dahil kasama ko si zeref ng masaksihan ko ito. Noong unang beses kasing nakasama ko si Zeref na may sunset ay ang araw na natinik ako ng sea urchin. Natatawa na lang ako tuwing naiisip ko ang araw na yon na iyak ako ng iyak. Gaya ngayon, hindi ko mapigilang mapangiti kong gaano ako katanga nga araw na iyon. Napailing tuloy ako.

At dala marahil ng pag- iling ko ay tila baga nahilo ako sandali. Ipinikit ko ang aking mga mata upang mawala ang aking hilo.

"I wish na sana next time na makita ng unanong ito na nasa tabi ko ang napakagandang sunset na ito, sana kasama na niya ang taong magmamahal sa kanya habang buhay."

Bigla kong narinig ang boses na iyon at isang malabong imahe ng lalaking ang sumasagi sa aking isip. Malabo pero paulit- ulit na naririnig ko ang kanyang sinasabi. Pabalik- balik,pilit kong inaaninag ang kanyang mukha subalit sadyang napakalabo. At sumasakit ang aking ulo. Napakabigat na para itong sasabog.

Iminulat ko ang aking mga mata. At kasabay ng unti- unting pagkawala ng sakit ng aking ulo ay ang paggising naman ni Zeref.

"Oh, it's getting dark already."

Sunsets of LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon