Simula

13.8K 330 45
                                    

Talasalitaan:

Pasilyo- Hallway

Kalihim- Secretary

Baluti- Armor

Tagapaglingkod- Servants

Antipara- Glasses

Konseho- Council

Tungki- Tip (usually of the nose)

Saya- Skirt

Taas noo at dirediretsong naglalakad ang isang lalaking kulay tanso ang balat, may luntiang buhok at lilang mata. Malinis ang pagkakaayos ng buhok, nakasuot siya ng itim na barong kaya't kitang kita ang malapad nitong balikat at pormadong katawan. Ang sedang pambaba at balat na sapatos ay lalong ipinakita ang taas niyang nasa 184 sentimentro. Sumisigaw ang tindig niya ang pagiging elegante at makisig.

Sa paglalakad sa pasilyo ng palasyo nakasunod ang kalihim niya, ang dalawang nakaunipormeng katulong, at apat na bantay na nakasuot ng baluti at may dalang espada. Katatapos lang ng kanyang pulong at pabalik siya ngayon ng kanyang opisina para tapusin ang mga papeles.

Siya ay walang iba kung hindi si Ulap Estera, ang unang emperador ng Imperyo ng Madangal. Sa edad na labing siyam ay natapos niya ang limang daang taon na gerang nagaganap sa gitna ng pitumpu't isang bansa. Gayunpaman hindi niya masasabi na siya lang ang pinakadahilan ng lahat. Dahil ang gera ay matatapos at matatapos din. Ang sabi niya ay nagkataon lang na sa lahat ng mga ninuno niya hanggang sa ama niya na namuno sa mga sundalo, sa panahon niya natigil ang gera.

Ngunit sa totoo lang, si Ulap lang ang may ganoong paniniwala, dahil nakita ng lahat ang kontribusyon at nagawa niya para matigil ang gera. Kaya nga pagkatapos ng gera ay pinili siyang kinkoronahan ng mga mamayan at itinuring na bayani na nagbigay ng kapayapaan sa buong kontinente.

Tumigil si Ulap sa harap ng isang malaking pinto at hinarap ang mga tagapaglingkod niya.

"Kakausapin ko ang Kalihim Laon."

Naintindihan naman ng lahat kaya't ng pumasok si Ulap ng pinto ng opisina, ang sumunod lang sakanya ay ang kalihim niyang si Laon.

Si Laon ay isang lalaki na may bilog na antipara sa mata, itim na buhok at kulay kapeng mata. Manipis ang katawan kumpara kay Ulap at ang taas lang nito ay nasa 172 sentimetro. Kulay tanso din ang balat, at kagaya ng emperador, nakabarong siya, kulay puti na pinaresan ng sedang pambaba at balat din na sapatos.

"Mhmmp!"

Nalaglag ang dalang mga gamit ni Laon pagkasarang pagkasara ng pinto dahil bigla siya hinawakan sa bewang ni Ulap at hinalikan. Naglakad sila papunta sa sopa ng hindi naghihiwalay ang labi.

"Ka...maha...lan, sandali lang," reklamo niya ng pakawalan ni Ulap ang labi niya at ibiniba ang mga halik nito sa leeg niya.

"Ayaw mo?" parang batang tanong ni Ulap, nakaupo siya ngayon sa sandalan ng sopa. Hinarap niya si Laon, kung may makakakita sakanya, hindi siya mukhang emperador na namumuno ng pitumpu't isang bansa.

"Hindi sa ganoon, kamahalan... alam mong pandadaya iyang pagtingin mo saakin ng ganyan, hindi ba?" sumusukong tanong ni Laon dahil sa tingin na binibigay sakanya ni Ulap. Niyakap siya ni Ulap.

"Tatlong araw kitang hindi nakita tapos pagdating ko sinalubong agad ako ng pulong ng konseho... napagod ako, hindi ba ako pwedeng manghingi kahit halik lang?"

"Hah... sige na, oo na," walang magawang sabi ni Laon. Humiwalay si Ulap sa pagkakayakap at nginisian naman siya. Mabilis siyang hinalikan ni Ulap at humiwalay. Pinagdikit niya ang tungki ng ilong nila habang nakatigin sa mata ni Laon.

Isa... dalawa... tatlo, tatlong minuto silang nagtitigan sa ganoong posisyon bago siya muling paglapitin ni Ulap ang labi nila, sa pagkakataong ito. Marahas at malalim ang halik ngunit sa parehas na paraan marahan.

BOG!

Naghiwalay ang labi ng dalawa nang may madinig na kalabog, sabay silang napalingon sa librong nasa lapag, inangat nila ang tingin at nakita ang isang babaeng nakatirintas ang kulay itim na buhok na nahahaluan ng ilang hibla ng berde at may takip sa kaliwang mata. Nakasuot ng kulay lilang baro at itim na saya na hanggang gitna lang ng binti na pinaresan ng isang pulgadang taas na bakya.

Ang katamtaman na taas nitong ilong, makapal na kilay, kanang itim na mata na may matalas na tingin, manipis na labi at mapangang mukha ay nagbibigay sakanya ng matapang na itsura ngunit hindi maikakaila ang gulat sa mukha nito. Nakaangat sa ere ang isang kamay na parang may hawak na hindi nakikitang libro at nakabuka ang bibig.

"Prinsesa Barbara, anong ginagawa mo dito?!" tarantang tanong ni Laon.

Hindi sinasadyang naitulak ni Laon si Ulap kaya't nawalan ito ng balanse at nalaglag ang kalahati ng katawan sa upuang parte ng sopa.

"Kamahalan!"

Tinulungan siya ni Laon umayos ng tindig. Nagpalitan sila ng tingin at kita sa mata nila ang taranta... makalipas ang ilang minuto ay pumormal ang mukha ni Ulap.

"Prinsesa, maupo ka."

"Huh? Ah, ibig kong sabihin, masusunod, kamahalan," tinago ni Barbara ang pagkagulat at hinarap ang dalawa.

"Umhh, pagbati sa kamahalan, Ama ng Imperyo ng Madangal," pagbibigay ng galang ni Barbara bago umupo, pakiramdam niya may nakita siya na hindi dapat at naiilang siya ngunit hindi niya iyon pinahalata.

Lumipas ang limang minuto ngunit nakakabinging katahimikan lang ang bumalot sa buong kwarto. Bumuntong hininga si Ulap bago nagsalita.

"Laon, lumabas ka muna."

"Kamahalan!"

"Pakiusap, Laon, kakausapin ko lang ang prinsesa," sabi ni Ulap, napakagat ng labi si Laon, ayaw niyang umalis dahil natataranta siya.

Hinawakan ni Laon ang isang kamay ni Ulap at bumulong... wag kang gagawa ng ikakasama ng bansa, kamahalan. Tinapunan ni Laon ng tingin si Barbara bago lumabas ng opisina.

Barbara: Ikalabing Isang PrinsesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon