This story has advanced chapters in Patreon.
You can also be a patron, visit my account.
patreon.com/vampiremimsSubscription starts at 50 pesos per month.
Thank you!
☀️☀️☀️
I was sitting on the bench while waiting for Cherinna and Jahann. Kanina ko pa sila sinabihan na sasabay ako sa kanila pag-uwi dahil hindi ako nagdala ng sasakyan pagpasok. Nagpahatid lang ako kay Daddy kanina dahil nauna silang umalis sa akin at ngayon naman na uwian na ay hindi ko naman sila mahanap na dalawa.
Muli kong kinuha ang cellphone ko sa bag ko at tinawagan si Cherinna ngunit hindi naman ito sumasagot sa akin. Hindi ko mapigilan na mapasimangot. Baka naman nakauwi na sila ni Jahann at tulog na ngayon si Cherinna?
"Napaka daya naman talaga," I shook my head as I collected my things and placed my sketches inside my bag.
Hindi pa naman ako naglunch kaya naman nagugutom na rin ako. May tinapos kasi ako kanina na pinapasa sa amin ngayong hapon. All along I thought ang submission ay next week, wala man lang nagkusa sa mga kaklase ko na sabihan ako sa changes ng timelines namin.
Ano pa nga ba ang magagawa ko? Wala naman din akong kaibigan talaga sa mga kaklase ko. Karamihan sa kanila, kinakausap lang ako sa tuwing magtatanong tungkol sa kapatid ko at sa mga pinsan ko.
As if naman magugustuhan sila ng mga iyon.
I rolled my eyes again. Naiinis talaga ako sa mga kapatid ko.
I just sent Lean a message instead. Sa tingin ko ay nasa school pa naman ito. Inaaya ko na lang siyang magpunta sa coffee shop sa may labas ng school. Of course, Sweet Desire pa rin naman ang favorite cake and coffee shop para sa akin pero sa ngayon, talaga namang gusto ko ng mocha frappuccino.
Hindi ko naman din maaya si Keij dahil may practice ang mga ito ng basketball. If I go there and watch them, paghahawakin na naman nila ako ng mga tuwalya nila. Buti sana kung inaabot, minsan binabato sa akin nila Keij, eh.
I smiled when Lean replied to me. She said she's available but after one hour and a half pa! Anong gagawin ko rito sa may parking lot?
Ayoko namang magpunta mag-isa sa may coffee shop.
I groaned in frustration.
Hay nako, hindi ko talaga kakausapin mamaya si Jahann at Cherinna!
"Are you okay?"
I looked behind me when I heard the familiar voice. Sa sobrang inis ko, hindi ko na napansin ang pagdating ng sasakyan ni Enzo. Nakababa na rin ito ng sasakyan nito.
As usual, he's wearing a plain shirt and pants. Nakasuot pa ito ng eyeglasses. Photochromic lenses ang gamit nito kaya naman madilim ang salamin nito ngayon.
I looked at him and frowned. "Iniwan ako nila Jahann at Cherinna," pagsusumbong ko rito kahit na alam ko naman na hindi ako kakampihan ni Enzo.
Mas si Jahann ang kakambal nito kaysa kay Lean.
"So? Can't you go home alone?" he asked me again. Mas lalo akong napanguso dahil sa sinabi nito. As expected, wala man lang itong concern.
"Ayoko mag-cab," sabi ko sa lalaki. He's still looking at me, waiting for me to say anything else. "Nagugutom na rin kasi ako..." sabi ko sa kanya bago nag-iwas ng tingin.
"Then, eat?" ani Enzo sa akin na para bang napakatanga ko at simpleng gagawin lang kapag nagugutom ay hindi ko alam.
Parang gusto ko namang kalmutin ito.
BINABASA MO ANG
My Once In A Lifetime
RomanceAlyanna Samantha Anderson, as one of Anderson's princesses, used to get what she wanted. She thought her life was close to perfection since she could get everything she wanted. She never had a boyfriend, and that's why when she met someone who reall...