03

16.4K 779 399
                                    

This story has advanced chapters in Patreon.
You can also be a patron, visit my account.
patreon.com/vampiremims
(if hindi masearch, try niyo po sa browser, lalabas din yan. Hehehe)

Subscription starts at 50 pesos per month.

Thank you!

Comments are highly appreciated! :)

☀️☀️☀️


I tied my hair in a messy bun as I put lotion on my arms. Nakaupo ako sa may silya sa harap ng vanity mirror ni Lean habang pinapahid ko ang lotion sa katawan ko.

Nakapaglinis na ako ng katawan kanina nang umakyat din si Cherinna at Lean, sumabay na ako sa kanila para rin makaiwas kay Enzo.

Natigilan ako habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. Wala naman itong sinabi kanina tungkol sa nangyari at sa totoo lang, wala namang dapat na ipagsabi rin. Hindi naman big deal ang bagay na iyon.

Katawan nga nila Keij at Theon, lagi kong nakikita, eh.

Maybe because I am not used to it? Hindi ako sanay makita ang katawan ni Enzo dahil hindi naman talaga ito naghuhubad? At bakit naman din kasi ito maghuhubad sa harap ko, diba? Wala namang dahilan.

"Natulala ka diyan?" puna ni Lean sa akin na nakapagbihis na rin. Naglinis na muna kami ng katawan bago kami kumain. Si Enzo na rin ang nag-utos sa amin kaya naman wala kaming nagawang lahat.

Mali rin pala talaga ako ng napasukan na kwarto kanina. Mali ang naalala kong bilang ng pinto mula sa hagdan nila papunta sa kwarto ni Lean. Magkatabi lang ang kwarto ng dalawa kaya ang kay Enzo ang kamuntik ko ng mapasok kanina.

"Hmm?" I looked at her. Kumunot din ang noo niya sa akin. "Why are you spacing out?" tanong niya sa akin bago lumapit at kinuha ang suklay na nasa lamesa at sinuklay ang mahabang buhok.

"I'm not," tanggi ko naman at mabilis na tinapos na ang ginagawa ko. Terno ang suot ni Lean na pyjama habang si Cherinna ay nakasuot ng blouse na puti at pyjama na kulay asul. Sleeveless naman ang suot ko na tinernuhan ko ng shorts.

"Sure ka?" tanong ulit ni Lean. "Don't worry, after eating, pwede na tayong manuod sa guest room," sabi niya sa amin ni Cherinna. Nag-aya na rin itong lumabas kaya naman sumunod na kaming dalawa ng kakambal ko.

"Kapag nakita ka ni Jahann, pagagalitan ka 'nun," sabi sa akin ni Cherinna nang naglalakad kami. Sinimangutan ko naman siya. Nagsusuot nga kami ng swimsuit, bakit naman pagbabawalan ako ni Jahann? Isa pa, kamag-anak naman namin si Keij, Theon at Kol. Si Enzo lang naman ang lalaking hindi ko kamag-anak dito kaya safe naman ako.

"Eh di sabihin natin na 'yung tela ng shorts ko, napunta sa pyjama mo," pagbibiro ko rito. Inirapan naman ako nito at nagpatuloy na sa paglalakad.

Nang makababa kami ay naroon na rin ang mga kasama namin. Lahat ng mga ito ay nakapaglinis na rin ng katawan. Gusto kong matawa nang makita si Theon at Keij na nakasuot ng t-shirts at boxers at sina Kol, Jahann at Enzo naman at nakasuot din ng pyjama.

Well, Jahann always wears a white shirt and pyjamas whenever he's sleeping.

"Let's eat? I'm hungry!" sabi ni Lean ng makalapit sa kapatid nito.

"Damihan mo kain mo para hindi magmukhang naghihirap na kayo," pang-aasar na naman ni Theon kay Lean. She glared at him and smirked. "Ikaw, nakikikain ka na lang dito sa bahay namin, dami mo pang sinasabi. Umuwi ka na kaya," dagdag pa nito.

My Once In A LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon