01

23.5K 850 206
                                    

This story has advanced chapters in Patreon.
You can also be a patron, visit my account.
patreon.com/vampiremims
(if hindi masearch, try niyo po sa browser, lalabas din yan. Hehehe)

Subscription starts at 50 pesos per month.

Thank you!

☀️☀️☀️

I sat down and waited for Enzo while he was ordering coffee for us. Hindi maalis ang lasa ng luya sa bibig ko dahil sa kagagawan nito kaya naman inaya ko na ito sa coffee shop na nasa labas lang naman ng school namin.

Nagmessage na lang din ako kay Lean na mauuna na kami roon ni Enzo, at dahil alam ko naman na magtataka ito kung bakit kami magkasama na dalawa, sinundan ko na agad iyon ng message tungkol sa nangyari.

Sumandal lang ako sa may upuan na naroon habang naghahanap ng magandang movie na panunuorin bukas ng gabi. Since weekend na at wala naman din akong schedule ng photoshoot sa Ai's, napagdesisyunan namin na mag-overnight kina Lean. We usually do it in our house but for a change, we will sleep at the De Guzman's residence tomorrow night.

I already prepared my clothes for the sleepover, actually. Sinabihan ko na nga rin si Cherinna na ihanda na ang kanya para siguradong wala kaming magiging aberya. Of course, matchy ang damit naming dalawa.

It's the perks of having a twin sister.

I looked at Enzo who's looking at me while frowning. He doesn't really like ordering when we're at a different coffee shop. Sa Sweet Desire lang naman talaga sila kumportableng umorder dahil kilala naman na namin ang staff na naroon.

Tinaasan ko siya ng kilay. Anong akala niya, lalapitan ko siya at tutulungan? He made me drink ginger water! Hindi ko talaga gusto ang lasa 'nun kaya naman naiinis ako sa kanya.

Ibinalik ko na lang ang tingin sa phone ko habang naghahanap pa rin ng movies. Kung si Lean ang papipiliin ko, it's either si Kevyn ang pipiliin nito o kaya naman ay puro romance. Okay naman sana pero mas okay rin kung may ibang genre naman.

"Hmm..." I hummed as I scroll down on the list of the sci-fi movies that are available.

Nag-angat ako ng ulo nang ilapag ni Enzo ang tray na may laman ng order naming dalawa. Hindi muna niya inorderan si Lean dahil baka matunaw at mawalan iyon agad ng lasa.

"Galit ka?" I asked him. He scoffed and sipped from his coffee. Hindi naman mahilig si Enzo sa frappuccino or iced coffee kaya naman black coffee ang inorder nito. He also ordered two cinnamon rolls.

Now that he's away from his books, he's scrolling on his iPad. Kumunot ang noo ko sa kanya at tinignan kung ano naman ang ginagawa nito.

"You're reading again?" I asked him. Hindi man lang ba ito makakapagkape o kakain ng hindi nagbabasa?

He looked at me. "Hmm?"

I rolled my eyes. "That's what you always do, you know? Kaya ang dami sigurong may gusto sa'yo kasi ganyan ka," kumento ko pang muli.

Mas lumalim naman ang kunot ng noo ni Enzo habang nakatingin sa akin. "What? What are you talking about?" tanong nitong muli sa akin bago kinuha ang tinidor at kumuha sa cinnamon roll nito.

"Are you aware that maybe 70% of the school's population likes you? I mean, you, Kol, Jahann, Theon, Keij and even Kuya Kiro? And around 40% of that 70% are pestering us to know you more," sabi ko naman sa kanya. Nakatingin lang sa akin si Enzo na para bang may sinasabi akong napakanormal na bagay lang.

"Then just ignore them? Don't waste your energy on unimportant things," ani Enzo sa akin. "Let them do what they want. They're just tiring themselves," dagdag pa nitong sabi.

My Once In A LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon