02

18.8K 750 170
                                    


This story has advanced chapters in Patreon.
You can also be a patron, visit my account.
patreon.com/vampiremims
(if hindi masearch, try niyo po sa browser, lalabas din yan. Hehehe)

Subscription starts at 50 pesos per month.

Thank you!

☀️☀️☀️


"Good morning," Cherinna chirped happily when I went down to eat breakfast. I looked at her and frowned. Kung iniisip nito na napatawad ko na sila ni Jahann, nagkakamali siya dahil hindi pa.

Enzo drove me home last night after we ate at Mcdo's parking lot. It was a good meal, actually. Bukod sa masarap naman talaga ang pagkain sa Mcdo, okay naman ang naging pagsasama namin ni Enzo.

I sent him a message last night telling him to drive safely. Hindi naman ito nagreply sa akin kaya hindi na ako muling nagmessage pa.

"You're still mad? Sorry na, I had a headache yesterday, kaya hinatid na ako ni Jahann pauwi," nilingon naman nito si Jahann na naglalagay ng pagkain sa plato niya.

"You, you're not going to apologize?" I asked him, frowning. Kumunot naman ang noo ni Jahann sa akin. "Why would I? I already told you to just bring your car yesterday," sabi naman nito sa akin.

"Jahann," saway ni Cherinna sa lalaki. Imbes na magsalita, nagkibit ng balikat na lamang ito at pinagpatuloy ang pagkain.

"I'll make you cupcakes na lang on Monday, bati na tayo?" Cherinna asked me again. Hinawakan pa nito ang kamay ko at ngumiti sa akin.

I rolled my eyes and sighed. "As if naman matitiis kita, no?" napailing na lang ako. Natural lang naman na hindi ko naman siya matitiis dahil kambal kaming dalawa. Isa pa, what happened was just a petty thing. Kapag nalaman pa iyon ng mga magulang namin, pagtatawanan pa kami ng mga iyon.

"Did you prepare your clothes for later?" I asked Cherinna while we're eating. We're having fried rice, bacon, ham and eggs now. Nagalit noong nakaraan si Mommy nang malaman niya na toasted bread lang ang kinakain namin ni Cherinna kaya sinabihan nito ang mga kasambahay namin na dapat laging kanin ang kakainin namin sa umaga.

Tumingin naman sa akin si Cherinna at tumango. "Yes, naayos ko naman na. Kukunin ko na lang mamaya kapag aalis na tayo," sagot naman niya sa akin. Tumango-tango naman ako ng maliit.

Isang bag lang naman ang dadalhin ko rin. Tinuruan ako ni Cherinna kung paano magkakasya ang mga dala-dala ko noong nakaraan. Isang pangtulog ngayong gabi at damit na pamalit bukas ang dala ko. May mga toiletries din na nasa maliliit na bote na laging ginagamit ko kapag aalis kami o kaya ay mag-out of town.

Jahann looked at his phone before looking at me. "You're with Enzo last night?" tanong niya sa akin. Uminom na muna ako ng orange juice bago sumagot sa kanya.

"Yeah, hinatid niya ako kagabi. Hindi lang siya pumasok na kasi gagabihin siya lalo," sagot ko naman sa kanya. "I guess mas okay naman iyon kaysa nag-cab ako, diba?" dagdag ko pa. Jahann just looked at me and shrugged.

What a snob!

Matapos kaming kumain ay kinuha ko na rin ang bag ko sa may kwarto ko. Isinukbit ko sa balikat ang back pack ko at maging ang school bag ko. Halos sabay naman kaming nakalabas ni Cherinna ng kwarto.

Nang makababa na kami ay si Jahann na ang nagdala ng mga bag namin sa sasakyan nito. We will use his car since later, we will go with Enzo and Lean. Sa likod na ako umupo dahil si Cherinna naman talaga ang laging nakaupo sa shotgun seat sa sasakyan ni Jahann. Minsan lang nababago iyon kapag kasama namin ang mga kakambal ni Jahann: si Enzo at si Kol.

My Once In A LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon