This story has advanced chapters in Patreon.
Be a patron for only 50 pesos per month.
Visit my patreon account.
www.patreon.com/vampiremims
Leave a comment if you like the story!
☀️☀️☀️
“I still can’t believe it…” nakangiting sabi sa akin ni Airi habang nasa may entertainment room kaming tatlo nila Cherinna. Kakabalik lang ni Cherinna dahil ito ang kumuha ng mga chips at inumin namin dahil plano naming manuod ngayong gabi ng kung anong movie ang matipuhan namin.Kanina pa rin nakauwi si Enzo matapos ang hapunan namin at kanina pa rin ako inaasar ni Airi tungkol sa nangyari habang kumakain kami.
Wala naman akong ideya na magpapaalam si Enzo sa mga magulang ko! Wala naman siyang sinabi na kahit na ano sa akin, basta lang ito nag-aya na umuwi tapos ay iyon na pala ang plano nito. Hindi ko pa nakakausap ang mga magulang ko tungkol doon pero sa tingin ko ay bukas nila ako tatanungin bago kami makipag-dinner sa mga De Guzman.
“I mean, how did that happen?” tanong ulit ni Airi sa akin habang nakangiti. Nilingon nito si Cherinna na nakangiti lang din. “Yeah, Alyanna. Paano nangyari?” nakisali na rin ito sa pang-aasar sa akin kaya napairap na lang ako.
“Alam mo, patulugin mo na lang kaya muna si Nikolai, no? Kagatin ko ‘yang anak mo, e,” sabi ko sa kanya na mas ikinatawa niya.
“He’s with Jahann. Nilalaro ni Jahann para tulog na tulog daw mamaya,” sabi naman nito sa akin. Napairap na lang ako dahil ibig sabihin talaga no’n ay hindi ako tatantanan ng dalawang babaeng ito.
“Hey, don’t divert the topic!” hinampas ako ni Airi sa braso. “Paanong nagkagustuhan kayo ni Enzo?” diretsong tanong niya sa akin. Napasimangot naman ako bago humarap sa malaking screen upang maghanap ng mapapanuod.
“What’s wrong?” Cherinna asked me. She handed me the chips she just opened. “Hindi ba kayo okay ni Enzo?” tanong niyang muli.
I heaved a sigh and leaned on her. “We’re okay, we’re fine…” natigilan ako nang pumasok sa isipan ko ang nangyari sa aming dalawa. Wala naman akong balak na sabihin sa mga kasama ko ang tungkol doon dahil alam kong hindi naman dapat pinagsasabi ang ganoong bagay.
Siguro noon ay grabe ako makialam at magtanong kina Cherinna at Lean pero iba pala kapag ikaw na ang nasa sitwasyon. Kahit papaano ay naiintindihan ko kung bakit nila tinago sa amin ang totoo. Hindi pala madali kapag ikaw na ang nasa sitwasyon, mas madali lang magkumento o magbigay ng payo.
“Alam ni Lean?” tanong ni Cherinna sa akin. Nilingon ko siya at umiling. Kahit naman nalaman na naming lahat na hindi ko kakambal si Cherinna, bumalik pa rin naman ang closeness namin nang maayos na namin ang gusot sa amin.
Airi is okay with that, too. Sabi nga niya ay mas mabuti pa ang nangyari dahil parang dalawa ang naging kapatid na babae niya dahil lumaki siyang walang kapatid.
“What’s bothering you? Si Leo?” tanong ni Airi na nakakunot ang noo. Kahit yata si Leo na lang ang tao sa mundo, hinding-hindi magiging okay para kay Airi ang lalaki. I can’t blame her, though.
“We all grew up together…” I looked at Cherinna then Airi. “Naiisip ko lang na kung sakaling may magiging kaming dalawa ni Enzo, what if we break up? Affected lahat dahil doon. Hindi naman pwedeng balewalain iyon kapag nangyari.”
“Enzo is Jahann’s best friend, he’s also Keij and Kol’s cousin. Paano kung makaapekto rin iyon sa relasyon nila Theon at Lean?” sabi ko sa kanila. Nakatingin lang sa akin si Airi na para bang nonsense ang sinasabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Once In A Lifetime
RomansaAlyanna Samantha Anderson, as one of Anderson's princesses, used to get what she wanted. She thought her life was close to perfection since she could get everything she wanted. She never had a boyfriend, and that's why when she met someone who reall...