Leave a comment! :)
Last 1 chap na lang remaining. Ang POV ni Enzo ay sa Patreon ko lamang po ipopost. :)
====
“Lorenzo, come here!” Masayang tawag ko rito nang makita ko itong nasa may garden. Masigla naman itong tumakbo papalapit sa akin kaya mas napangiti ako sa inasal nito. I patted his head and smiled at him. “What are you doing there?” I asked him and he just wiggled his tail.
“I still hate the fact that you named him after me,” lumapit naman sa akin si Enzo na may dalang bulaklak at hinalikan ako sa noo.
I smiled widely as I carried the dog.
Iyon ang pinunta namin noong nagtungo kami sa bahay nila Kol. He asked Kol to keep it so he could surprise me. It was a shih tzu and I named him Lorenzo when I found out it was a male. I was planning to name it Francesca if it was a girl, actually.
Para lang mabwisit ko rin si Airi paminsan-minsan.
“Why? It’s cute! And I love your name,” I smiled at him and pecked on his lips. “Your practice is done?” tanong ko rito bago inaya ito na pumasok na sa loob ng bahay namin. Nagsisimula na ang rehearsals nila sa graduation kaya sa hapon na lang kami nagkikita ni Enzo.
Tumango naman ito sa akin bago hinawakan ang bewang ko habang naglalakad kaming dalawa. Naabutan ko pa si Airi na nasa may living room at may kung anong kinakalikot sa phone nito.
“Aalis ka?” tanong ko sa kanya na sinagot ako ng tango. “Okay, make sure to tell mom and dad where you and Dean are going,” bilin ko rito na kinunutan naman ako ng noo. “You don’t want dad to ground you, trust me,” dagdag ko pa na ikinairap ni Airi. Lumingon ito kay Enzo na para bang plano nitong manghingi ng tulong sa lalaki. “When did Alyanna become like you?” tanong nito sa lalaki.
Natawa naman ako at napailing dito. Nirereklamo nito sa akin na naging medyo strict na rin ako sa kanya pero sabi ko naman ay hindi ko napapansin na ganoon na ang nangyayari. Maybe I just don’t want to disobey mom and dad more nowadays? Hindi ko rin sigurado.
“Anyway, I have to go. I’ll just buy you pasalubong later,” paalam nito sa akin bago hinalikan din si Lorenzo sa noo at kumaway sa amin at lumabas na rin ng bahay.
“Nagmerienda ka na ba?” tanong ko kay Enzo nang maupo ito. Inilapag ko na rin si Lorenzo para makahiga ito dahil hindi ito pwede sa may couch maupo. Hindi pumapayag si Mommy dahil na rin inuubo si Nikolai. When Enzo found that out, he bought Lorenzo his own bed. Doon na ito madalas nagpupunta.
“I am good, baby. Why, are you hungry?” tanong nito sa akin na sinagot ko naman ng iling. Umupo na rin ako sa tabi ni Enzo at isiniksik ang sarili sa lalaki. Naramdaman ko ang paghalik nito sa ulo ko habang nilalaro-laro ko naman ang kamay nito.
“You’re ready to graduate?” nag-angat ako ng tingin at pinagmasdan si Enzo na kumunot ng bahagya ang noo. Pinagmasdan ko ang mukha nito at hindi ko talaga maiwasan na hindi makaramdam ng paghanga dahil talagang napaka gwapo nito.
He looks good when he’s smiling but he’s so damn hot when he’s serious. Kaya kahit na masungit ito sa school, marami pa rin talaga ang nagkakagusto rito dahil hindi naman mahirap na hindi magustuhan ito.
“Baby, I have four job offers already, remember? After graduation I will formalize everything, and of course, I am still studying the companies that offered me a job.”
Tumango ako sa kanya. Nabanggit niya sa akin noong nakaraan na may mga kumukuha na sa kanya para magtrabaho sa kumpanya ng mga ito pero wala pang tinatanggap si Enzo. Gaya ng sabi nito, hinihintay pa nito ang graduation.
BINABASA MO ANG
My Once In A Lifetime
RomanceAlyanna Samantha Anderson, as one of Anderson's princesses, used to get what she wanted. She thought her life was close to perfection since she could get everything she wanted. She never had a boyfriend, and that's why when she met someone who reall...