48

15.3K 536 42
                                    

Leave a comment! :)

Last 2 chaps na lang remaining. Ang POV ni Enzo ay sa Patreon ko lamang po ipopost. :)

====


"So, what are you planning after your graduation?" tumabi ako kay Enzo matapos kong makuha ang order namin na fries, burger at sundae ice cream. I also ordered diet coke and he's not very happy with my choice of food today. Kanina pa ito nakasimangot sa akin dahil inaya ko ito na kumain sa fast food chain. He said it was unhealthy and I should not eat these foods thrice a week.

Wala naman din siyang nagawa dahil naglakad na ako papasok sa loob ng fast food chain. Malapit na ang graduation nito, ni Lean at ni Theon. Since engineering ang course ni Theon, nagpang-abot na ang graduation nito dahil 5 years ang course nito. Susunod naman na gagraduate ay sina Jahann, Kol at Keij. Si Cherinna ang nahuli sa amin dahil na rin huminto ito nang nagbuntis kay Nikolai.

"Are you seriously just going to ignore me?" tanong ko rito habang nakatitig sa lalaki. Hindi naman nagsalita si Enzo kaya tumango na lang ako sa kanya at huminga ng malalim. Sumandal na lang ako at nagsimula na lang na kumain ng fries habang tahimik pa rin ang kasama ko.

Inaalok ko siya na kumain pero tumatanggi naman ito kaya hindi na lang din ako nagpumilit pa. Tumingin na lang ako sa mga nasa paligid namin. May mga pamilya na naroon, mayroon din na magkakaibigan at may katulad namin ni Enzo na magkarelasyon.

Well, unlike them, Enzo and I are not talking.

Sinundo ako nito kanina sa bahay namin at inaya na lumabas pero hindi naman ako kinakausap ngayon. Mukhang nainis talaga ito sa pagpupumilit ko na magpunta rito.

Nilingon ko ito na nakakunot pa rin ang noo habang abala sa binabasa nitong kung ano sa may iPad na dala nito.

"Why did you ask me to go out when you're planning to just bond with your iPad?" hindi ko mapigilan na mapasimangot nang itanong ko iyon kay Enzo. I also stopped eating and wiped my fingers with the tissue after I sprayed some alcohol on it. "Sana tinawagan mo na lang ako para at least nasa bahay lang ako at hindi ka na rin lumabas pa," dagdag ko pa bago inayos ang mga inorder ko para mailagay na lang sa paper bag dahil nawalan naman na rin ako ng gana na kumain. Hindi ko naman din iyon makakain sa loob ng sasakyan ni Enzo kaya malamang ay sa bahay ko na lang kainin ang inorder ko para sa aming dalawa.

Enzo sighed and reached for my hand. "I'm sorry, I was just pissed that you pulled your hand when I reached it earlier," he said and looked at me. Kumunot naman ang noo ko sa kanya dahil hindi ko maalala ang sinasabi niyang pangyayari na iyon.

"What do you mean? When did that happen?" I asked him, my forehead was creased in confusion. Wala akong maalalang nangyari iyon.

"When we were walking," sabi ni Enzo sa akin na para bang maaalala ko ang bagay na iyon dahil lang sa sinabi nito. Kanina pa naman kami naglalakad na dalawa, e.

"Baby, did you expect me to remember that?" I asked him and he shrugged a little. "Well, I'm sorry if that made you pissed, okay?" natatawang sabi ko sa kanya. "Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa..."

Enzo rolled his eyes on me.

I reached for his hand and squeezed it. "Okay, I'm sorry if I accidentally pulled my hand. Now, can you put that freaking iPad on your bag because I'm close to being jealous of that," sabi ko naman dito na tinanguan ni Enzo. He turned it off and put it inside his bag.

"Happy?" he asked and I nodded my head. "You're not gonna eat anymore?" tanong niya sa akin na inilingan ko naman. Inangat ko pa ang paper bag para makita nito na naroon na ang mga pagkain na binili ko kanina.

My Once In A LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon