28

14.4K 712 188
                                    

This story has advanced chapters in Patreon.

Be a patron for only 50 pesos per month.

Visit my patreon account.

www.patreon.com/vampiremims

Leave a comment if you like the story!

☀️☀️☀️

I was just looking at Enzo when he parked his car outside a resthouse somewhere in Tagaytay. Hindi rin ito nagsasalita habang nasa daan kaming dalawa pero ramdam ko ang pagpipigil ng inis nito marahil ay dahil sa sinabi ni Leo rito.

Hindi ko rin naman magawang tanungin ito dahil alam ko naman na kasalanan ko ang nangyari at ako lang naman ang dapat na sisihin tungkol sa bagay na iyon. Ang ipinagtataka ko ay kung paanong alam ni Leo ang tungkol sa pagkakaroon ng gusto sa akin ni Enzo.

“Let’s go?” untag ni Enzo sa akin nang patayin na nito ang makina. Nilingon ko naman ang mukha nitong muli at nakita ko ang sugat sa gilid ng labi nito. Hindi ko napansin ang sugat nito kanina…

“Are you okay…?” inabot ko ang pisngi ni Enzo ngunit iniiwas nito sa akin iyon at huminga ng malalim. “I am…” sabi lang nito bago naunang lumabas ng sasakyan at pagbuksan ako ng pinto.

Hindi kaagad ako lumabas, sa halip, pinagmasdan ko siya habang nakatayo sa harap ko.

“Are you mad at me?” tanong ko sa kanya habang nakaharap pa rin sa kanya. Tumingin siya sa akin at marahang umiling. “No, I am not, Alyanna,” sabi nito habang sinasalubong ang tingin ko. “Let’s go,” aya niyang muli bago ako hinawakan sa ulo upang alalayan na hindi mauntog.

He held my hand and intertwined it with his as we walked towards the house. Tatlong palapag lang iyon at maraming halaman sa paligid. Katulad iyon ng mga bakasyunan na madalas na pinupuntahan namin noon kapag naiisipan namin na umalis na magkakasama.

“You rented this?” tanong kong muli kay Enzo nang buksan nito ang pinto at pumasok na kami sa loob ng bahay. Maaliwalas doon dahil halos panay salamin ang bintana kaya naman tanaw na tanaw ang magandang tanawin sa labas, may kahirapan nga lang makita ang mga puno at bundok dahil na rin sa kapal ng hamog na naroon. Ayoko naman na hindi kami mag-usap na dalawa lalo pa at dinala niya ako rito kaya ako na lang ang unang nakikipag-usap dito,

“I bought this,” sabi nito sa akin kaya naman napalingon ako rito habang nakasandal sa may bintana.

“What?” I asked him again. Kunot ang noo ko habang nakatingin kay Enzo. He shrugged and looked at me again. “I bought this,” ulit nito sa sinabi na para bang mababago noon ang pagkabigla ko na nakabili na ito ng rest house!

Mababa na yata ang limang milyon at hindi mukhang limang milyon lang ang bahay na iyon. Mas mahal pa, sigurado ako.

“Don’t look at me like that, I was 10 when I started investing my allowance,” he scoffed and walked towards the kitchen. Sinundan ko naman ito at nakita ko na nagtitimpla ito ng kape. Hindi naman na ako nagulat sa sinabi nito pero hindi ko lang talaga akalain na makakabili na ito ng bahay agad agad!

Well Jahann has his own house, too… baka si Kol din ay may bahay na? Baka iyon talaga ang laging pinag-uusapan ng tatlo?

Akala ko ay ibibigay sa akin ni Enzo ang tasa ng kape pero napatingin na lang ako dito nang daanan niya lang ako at tawagin ako nang nasa may sala na ito ng bahay. Sumunod naman ako rito, nailapag na nito sa lamesa ang dalawang tasa na may umuusok na kape.

My Once In A LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon