C9

52 2 0
                                    

Help

Warning the depression of my main character

Hindi na ako bumalik sa may loob sinabi ko na lang kay papa na nasa labas ako. Pumasok naman na si spencer dahil pinatawag na ito nang kanyang abuela.

Hindi ko na kaya pumasok doon lalo pinahiya na ako nang sarili kong pamilya at ayaw ko na madagdagan iyon dahil tuwing makikita ako ni abuela alam ko sasabihin niya sa mga makakausap niya.

Napag desisyon ko naman na sa kotse na lang ako mag hihintay dahil nilalamok na ako doon at nakakaramdam na din ako nang antok.

Nagising naman ako nang narinig ko ang pag bukas nang pintuan. "hey anak ayos ka lang ba? Pasensya na kung umalis ako sa tabi mo ha"

Hinawakan ko naman ang kamay ni papa.

"Ayos lang ako dad, ine-expect ko naman iyon lalo marami kang kilala doon" hinalikan naman ako nito sa noo at niyakap. "sorry anak kung hindi kita na protektahan"

Hinaplos naman ang puso ko nang dahil sa sinabi ni papa ramdam na ramdam ko ang pagiging tatay niya sakin kahit kaming dalawa lang. hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala pa siya sa buhay ko dahil siya lang ang taong nandyan para sakin.

Paalis naman na kami nang Makita ko naman si spencer na lumabas naka tingin lang ito sa kotse na sinasakyan ko habang ako ay ganon din. Hanggang maka-alis naman kami ay tuluyan naman na wala sa aking paningin ang binata.

Bigla naman tumunog ang cellphone ko at nakita ko doon si spencer.

Myloves# See you on Monday aki. Rest and goodnight.

Hindi ko naman mapigilan ang pag silay nang aking ngiti sa labi lalo kahit kanina ay sobrang bigat ang naramdaman ko ngayon ay sobrang gaan naman.

Hanggang maka uwi naman kami may narinig pa akong sinabi nila abuela at mga tita ko pero hindi ko na lang iyon tinignan at umakyat na sa kwarto.

Hindi pa din umaalis ang ngiti ko sa labi hanggang maka-tulog ako.

Wala naman pasok ngayon pero maaga pa din ako nagising. Mag isang oras na ako nag eexercise nang pumasok si abby. ngumiti naman ako sa kanya kaso inirapan lang ako nito, nag suot naman ako nang earpads dahil hindi din naman ako nito kakausapin.

Hanggang matapos naman ako

"Abby paki patay na lang yung mga ilaw pagkatapos mong mag gym"

"Inuutusan mo ba ako?" inis na sabi niya.

"Hindi naman sa ganon sayang kasi ang kuryente kung maiiwan na bukas ang ilaw"

"Edi ikaw ang mag patay! Hindi ako ang yaya mo. Marami kayong kasambahay sila ang utusan mo!" hindi naman ako nag salita dahil ayaw ko na rin magka-gulo kami kaya lumabas naman kami.

Nakita ko naman si ate beth ang isang kasambahay namin. "Goodmorning ate beth pagkatapos po mag gym ni abby paki tignan po kung pinatay niya kung hindi naman paki na lang po"

"Okay ayos lang sakin aki" naka-ngiting sabi nito.

"salamat po"

Ayaw na ayaw ni papa na iniiwan namin bukas ang mga ilaw o kung ano man ang electric sa bahay dahil nasasayang lang ito. Kaya nasanay kami na pagkatapos namin gamitin ang isang gamit o kung anoman ay siguraduhin namin na ililigpit o papatayin namin.

"Kailan ang uwi niyo mama?" nandito naman kami sa harap nang hapag habang ako ay nakikinig lang sa kanila

"Pinapauwi mo ba agad kami kuya?" iritang sabi ni tita Jessica

My Darkness Secret (Dela ruel Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon