C25

57 1 0
                                    

Be with you

Pag labas ko naman ay sumalubong sakin ang mabango na pagkain nang mga pinoy tuwing umaga. "Goodmorning"

"G-goodmorning, k-kanina kapa ba gising?" tanong ko habang naka tingin sa lamesa. Tuyo, hotdog at itlog ang naka hain habang niluluto naman niya ang sinangag na kanin.

Kumuha naman ako nang plato at baso upang mag timpla nang kape at hot choco. "Pasensya na kung nagialam ako sa kusina mo"

"A-ano ayos lang, ako nga dapat ang humingi nang pasensiya dahil b-bisita kita" naka tshirt lang ito na plain na kulay black habang naka jogger. Hindi ko naman maiwas mapangiti nang Makita ko ang suot nitong medyas.

"Why you smiling?" napa-tingin naman ako sa kaniya.

"A-ano wala!" binalik ko naman ang antesyon ko sa pag titimpla, nang matapos naman ay ibinigay ko sa kaniya ang kape habang humigop naman ako nang hot choco.

Napa-tingin naman ako sa binta at mukang maganda na ulit ang panahon ngayon, malamig pa naman dahil hindi pa natatapos ang winter ngayon pero hindi ito kagaya kahapon na sobrang lamig.

"So may lakad kaba ngayon?" ibinigay naman nito sakin ang sinangag na kanin at nilagyan na din ako nito nang tuyo at itlog sa plato.

"S-salamat. Siguro mag aayos ako nang stock ko ngayon lalo marami din nasayang na stock" tumango naman ito. Tahimik naman kami kumakain habang patago koi tong tinitignan.

Malaki ang pinag bago nito ang kanyang panga ay lalo gumanda at umayon sa kaniyang muka. Hindi nakakasawa tignan habang sobrang linis nang kaniyang muka. Wala itong palbas o bigote na mukang lagi ito bagong ahit, ang kaniyang pilikmata ay parang mas lalo kumapal na nag paganda sa kaniyang matingkad na kulay brown na mata.

Napa-tuon naman ako sa mapupula niyang labi. Hindi ko alam kung meron ito naging karelasyon simula na wala ako pero nakita ko sa isang magazine ay lagi niya kasama si kezea.

Napa-lunok naman ako nang Makita gumalaw ang kaniyang adam's apple. "Stop staring at me aki"

"H-Huh?" ngumisi naman ito at napa-iling na lang.

"If you want to taste my lips, tell me aki I will not to discriminate" unting-unti ko naman naramdaman ang pamumula ko sa muka.

"E-Ewan ko sayo!! Kumain ka na nga lang diyan!" narinig ko pa ito tumawa pero hindi ko na ito tinignan hanggang matapos naman kami kumain ay ramdam ko pa din ang kahihiyan na ginawa ko.

Ako naman na ang nag ligpit nang kinainan naming habang siya ay pinaayos ko na ito mabuti na lang ay may dala itong extra na damit. Nang matapos naman ay nag ayos na din ako.

"Gosh!! Bakit ba ang hirap mo isara" hirap na hirap naman ako isara ang zipper nang aking damit nasa likod kasi ito at hindi ko naman maabot.

"Do you want to help you?" napa-tingin naman ako sa binata may scarft ito sa leeg habang may suot nitong makapal na jacket.

"Ahmm, y-yes" lumapit naman ito at dahan-dahan hinawi ang aking buhok upang ilagay sa harap. Kitang-kita ko naman sa salamin ang expresyon nang kaniyang muka.

Nang matapos naman ito at nagka-salubong naman ang aming paningin. "T-thank you"

"Welcome, let's go?" tumago naman ako at sinuot ko na din ang jacket ko at kulay pink na scarft ko kinuha ko na din ang bag ko.

Nang makarating naman kami sa salon ay umalis na din ito dahil tutulungan niya din ang mga tao niya sa restaurant niya. Hanggang ngayon hindi ko pa pala naitatanong sa kaniya kung bakit blossom ang pangalan ng restaurant niya.

My Darkness Secret (Dela ruel Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon